Niean
Unti-unting gumuho ang nilikhang orbe ni Bor habang nanatiling nakatarak sa dibdib nito ang aking punyal.Ang aking wangis ay kaagad na bumalik sa aking katawan samantalang nanatiling nakatayo sa dating puwesto si Bor habang bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
Namalayan ko ang aking sariling unti-unting inihahakbang ang aking mga paa papalapit rito.Makaraan ng ilang sandali ay tumigil ako sa harapan nito.Dahan-dahang gumawi ang kaniyang paningin sa akin.Bumalik na sa dati ang kaniyang anyo,ang kaniyang mga mata.
" Niean " malambing na tawag nito sa aking pangalan pero tanging pagsalubong lamang sa kaniyang mga tingin ang aking ginawa.
" sa mundong nais kong likhain,walang mga taong hahadlang sa atin sa lugar na iyon,hawak natin ang oras at ang kapalaran,nais kong iparamdaman sa mundong iyon kung gaano kita kamahal,gagawa tayo doon ng mga alaalang babaunin natin hanggang kamatayan " mahinahon nitong pahayag habang nakatingin sa akin.
" sabihin mo sa akin Niean,bakit ganito?bakit humantong tayo sa ganito?masaya naman tayo hindi ba? "
" naghangad ka ng isang bagay na nakasira sa atin " direkta kong sagot.Isang mahinang buntong-hininga ang siyang kumawala sa bibig nito bago tumingala sa kalangitan.
" mali bang maghangad ng isang bagay para sa taong mahal mo?mali ba iyon Niean? "
" hinangad ko ang bagay na iyon dahil sa pamamagitan niyon ay matanggap na ako ng mundo,hindi bilang isang kalahating tao na may bahid ng demonyo kung hindi isang purong tao " aniya.
" tanggap kita,tinanggap kita at tatanggapin kita Bor " wika ko habang unti-unting nagsisibagsakan sa aking mga mata ang aking mga luha.
" subalit pilit mong tinutulak ang sarili mong humangad ng isang bagay na hindi naman mangyayari kahit anong pilit mong gawin,ipinanganak kang ganiyan at mamamatay ka rin ng ganiyan,gayunpaman tinanggap naman kita,minahal kita,minsan iniisip ko kung ano ang pagkukulang ko't pilit mo pa ring pangarapin ang kapangyarihang akala mo'y magpapabago sa takbo ng iyong kapalaran,may pagkukulang ba ako?nagkulang ba ako Bor? "
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Dahan-dahan nitong binunot ang punyal na nakatarak sa kaniyang dibdib habang walang bakas ng sakit kang makikita mula sa mukha nito.
" gawin mo na " mahinahong utos nito.Batid ko na ang nais niyang mangyari.
" Bor "
" talo na ako,at pagod na rin ako Niean " aniya bago gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.At kasabay ng pagsambit ko ng aking orasyon ang siyang paglandas ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi habang hindi inaalis sa akin ang kaniyang mga mata.
" mahal kita " narinig kong bulong nito sa hangin bago tuluyang naglaho ang kaniyang imahe sa aking paningin.
Kasabay ng pagpatak ng aking luha sa lupa ang siyang pagkahulog ng aking punyal.Marahan akong yumukod at dinampot ito sa lupa.
" Niean " tawag sa akin ni Siom na siya naman aking tiningnan.
" ang buwan " wika nito habang nakatingin sa kalangitan.Tumingila ako at doon bumungad sa akin ang kabilugan ng buwan.
" dumating na ang oras " mahina kong usal habang unti-unting nilulukob ng takot ang aking sistema.
" Kuan,Damos pigilan ang Bakunawa! " utos ko habang nakaharap sa nilikhang lagusan.Agad namang tumalima ang dalawang Espiritu habang patuloy sa pagpapatiwakal ang Bakunawa.
Batid kong sa oras na hindi ito magtagumpay na makapasok sa Gitnang Lungsod ay aahon ito sa karagatan at tutumbukin ang kalangitan.
" patugtugin ang mga instrumento! " sigaw ko sa kaharap na lagusan kung saan sa kabilang bahagi nito ay naroroon ang mga dambana ng Gitnang Lungsod.
BINABASA MO ANG
Bakunawa
RandomNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...