Kabanata 6

97 14 1
                                    

Niean

     Malalim na ang gabi subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naman naisipan kong magliwaliw na lamang sa labas nitong inilaang silid sa akin ng departamento.

Bumungad sa akin ang malamig na pagdampi ng panggabing hangin sa aking katawan.Madilim pa rin ang buong kalangitan,isang palatandaan na sa mga susunod na araw ay magsisimula nang sumilip ang buwan sa kalangitan kasama ang kaniyang mga bituin.Kusang gumuhit sa aking labi ang isang matamis na ngiti nang maramdaman ang kaginhawang dulot ng preskong hanging.

Nasa ganoon akong katayuan nang mapansin ko ang pamilyar na bulto na nakaupo sa dulo ng bubong habang masama ang tinging ipinupukol sa akin.Nakapalit na ito ng kaniyang kasuotan na siyang mas lalong bumagay sa kaniya.

" malalim na ang gabi't bakit hindi ka pa nagpapahinga? " kaswal kong tanong rito.Bigla itong tumayo at tumalon palapit sa akin.Bahagya akong umatras upang maihanda ko ang aking sarili dahil baka sakaling tutukan na naman ako nito ng kaniyang espada.

" ano bang pakialam mo? " masungit nitong sagot bago gumawi ang kaniyang mga mata sa karimlan ng gabi.Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan dahil tila nagkamali ata ako nang iniisip.

Hindi na lamang ako nagsalita pa bagkus itinuon ko na lamang ang aking mga mata sa kalangitan.Inaaliw sa iisang kulay ng kadiliman.

" bakit ka naparito? " basag nito sa katahimikang namamagitan sa amin.Ito ang kauna-unahang pagkakataong kinausap niya ako ng walang galit o pagkayamot sa kaniyang boses.

" katulad mo'y naparito ako para gampanan ang katungkulang iginawad sa inyong mga pinuno " sagot ko.Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin.

" naparito ako para takasan ang buhay ko sa aming lupain,hindi na ako masaya sa katungkulang ninanais ko sa una palang,ang buong akala ko'y sa oras na maging pinuno na ako,maituturing ko ng isang tagumpay ang bagay na iyon subalit hindi pala,isang titulo lang pala iyon na may dalang pansamantalang kaligayahan " may bahid na lungkot nitong asik.Humarap ako sa kaniya.Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

" mahahanap mo rin ang tunay na kahulugan ng kaligayahan,sa paraang hindi ka kailangan tingalain ng ilan o dahil sa dugong nananalaytay sa iyo,minsan ang kahuluguhan ng kaligayahan ay yaong ginagawa mo ang isang bagay hindi para sa iyo bagkus ay para sa iba " pahayag ko rito habang hindi inaalis ang mga mata sa binata.Biglang lumingon sa akin si Siom na walang mababakas na kahit anong pagkagalit sa kaniyang mukha.At sa unang pagkakataon,natutunan kong hangaan ang kakisigan nito kung saan hindi na bago sa para sa akin.

" nakakailang ang iyong mga titig " masungit na wika nito bago ito tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad pabalik sa kaniyang silid.

" magandang gabi " pahabol kong wika habang hindi maalis ang ngiti sa aking labi.

Sinimulan ko na ring bagtasin ang direksyon patungo sa aking silid.Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng bigla na lamang akong natigilan ng maramdaman ang malakas na enerhiyang pumailanlang sa paligid.Ang ganoong uri ng enerhiya ay sa iisang nilalang lamang nagmumula,sa iisang partikular na nilalang nagmumula.

Mabilis na kumilos ang aking katawan at kaagad na tinumbok ang pinagmumulan niyon.Dumating ako sa isang pamilyar na pabilyon.Ito ay bahagi ng departamento kung saan madalas magpalipas-oras ang pinuno.

Ang katahimikan ng lugar ang siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.Napakatahimik na waring nasa ilalim ako ng isang bakyum.Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa papalit sa naturang istruktura.Kataka-takang kahit ang sarili kong mga yabag ay hindi ko marinig.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ng bigla na lamang bumungad sa akin ang pamilyar na nilalang.

" Bor " malamig kong sambit sa pangalan nito.

Si Bor ay isang kalahating demonyo at kalahating tao na mas piniling maging masama.Nakalaban ko ito noong mga panahong nagsisimula pa lamang ako bilang isang mag-aaral ng templo subalit sa kabila niyon ay nagawa ko itong matalo't maikulong.Hindi siya katulad ng mga purong dugong demonyo na mayroong butil ng enerhiya,subalit katulad ng demonyo ay mayroon rin itong natatanging kapangyarihan.

" nagkita rin tayo kaibigan " nakangising asik nito.

" anong ginagawa mo sa lugar na ito?hindi maaaring makapasok sa pulong ito ang isang demonyong katulad mo,mayroon itong orasyon bilang proteksyon laban sa mga demonyong nagnanais na makapasok rito " mahinahon kong tanong sa kaniya.

" hayaan mong itama ko ang iyong pagsasalarawan sa akin Niean,ako'y isang kalahating demonyo't kalahating tao,nangangahulugan lamang na maaari akong pumasok rito sa kahit kailan ko mang naisin at para masagot ko ang iyong unang katanungan,mayroon lamang akong tinapos na gawain " nakangisi nitong paliwanag.Sa pagkakataong ito ay hindi ako mapanatag.Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng kaniyang pagpunta rito subalit may hinuha akong hindi basta pangkaraniwan ang kaniyang ginawa.Kilala ko si Bor,ang kaniyang gawain ay higit pa sa demonyo.

" oo nga pala,may inihanda akong handog para sa iyo " aniya bago tuluyang naglaho sa aking paningin kasabay ng paglaho ng kakaibang enerhiyang bumabalot sa paligid.

Sa kaniya nga nagmumula ang kapangyarihang iyon.Isang uri ng kapangyarihan ng demonyong ginagawang walang silbi ang lahat ng bagay sa oras na malapatan ng kaniyang kapangyarihan.Kahit ang pagkilos ng oras ay nakakaya nitong manipulahin.Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagawa nitong makatakas sa Himpilan ng Demonyo.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Bumalik na sa dati ang lahat,maging ang banayad na pag-ihip ng hangin subalit gayunpaman hindi pa rin mapanatag ang aking isipan sa sinabi ni Bor.

Ano ba talaga ang tunay niyang sadya rito?.

*****

Nakahanda na ang lahat sa gagawin naming paglalakbay patungo sa Kailaliman.Ang lugar na ito ay matatagpuan sa dulong bahagi ng mundo kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang sinuman na pumaroon maliban kung mayroon itong pahintulot mula sa departamento.

Hindi pa ako nagagawi sa lugar na iyon kaya walang saysay ang aking mahikang lumikha ng lagusan upang mas mapadali ang aming paglalakbay.Mayroong hangganan ang aking kapangyarihan lalo na kapag ang lugar ay hindi ko pa nakikita gamit ang aking mismong mga mata.Ngunit ayon sa mga tagapangasiwa ng departamento,hindi na iyon magiging mahirap sapagkat mayroong mas mabilis na paraan upang kaagad na makapunta roon subalit tanging ang pinuno lamang ang siyang may alam kung paano gawin iyon.

Nandito na kaming apat na maglalakbay patungo sa Kailaliman at tanging hinihintay na lang namin ay ang pagdating ng pinuno upang ihatid kami at bigyan ng basbas.Tahimik lamang akong nakasandal sa isang malaking haligi habang nakamasid sa bughaw na kalangitan habang si Siom naman ay abala sa paghahasa ng kaniyang espada.Sa kabilang bahagi naman ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Bamu habang si Plamo naman ay abala sa pagsasaayos ng mga pisi ng kaniyang gitara.

Sa aking nakikita,hindi ko alam kung paano kami magkakaisa kung ganitong tagpo ang palaging mangyayari sa oras na magsama-sama na kami sa paglalakbay.Wala sa mga ito ang nais na maunang magsalita.

Ang lahat ay may kaniya-kaniyang mga ginagawa ng bigla na lamang sumulpot sa aming harapan ang isang tagabantay ng silid ng pinuno.Habol ang paghinga nito na waring mula sa mahabang takbuhan.Bakas sa mukha nito ang naghalo-halong emosyon,takot,pangamba,pagkabigla at lungkot.

Hindi ko tuloy lubos maisip kung ano ang nangyari.

" ang pinuno " simula nito.

Agad kaming natigilan sa aming ginagawa dahil sa pagbanggit nito sa pinuno ng departamento.Isa-isa kaming lumapit rito upang marinig namin ng malinaw ang nais niyang sabihin.

" patay na ang pinuno! "

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon