Niean
Pumailanlang ang nilikhang musika ni Plamo mula sa kaniyang kawayang plawta.Minsan na ako naakit sa inilalabas na himig ng plawta,iyon ay ng minsang bisitahin ko ang gintong instrumento sa templo kung saan pinaglalaruan ng hangin ang gawing ihipan nito.Napalambing nito't waring dinuduyan ako sa alapaap.
" hindi ka pa magpapahinga? " basag ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.Hindi ko na ito nilingon pa dahil nakilala ko na siya.Naramdaman kong umupo ito sa aking tabi subalit nanatiling nakatuon ang aking atensyon sa musikang inilalabas ng plawtang kawayan ni Plamo.
" mahilig ka sa musika? " muling tanong nito.Gumawi sa kaniyang direksyon ang aking atensyon na siyang sinalubong niya naman gamit ang kaniyang malamig na pagtitig.
" hindi ko alam,subalit nasisiyahan ako kapag naririnig ko ang inilalabas na musika ng plawta,waring hinihele ako sa alapaap at gumagaan ang aking pakiramdam " sabi ko.
Sandaling pumailanlang ang katahimikan sa pagitan namin.Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita.
" bakit mo ginawang espiritu ang isang demonyo " seryoso nitong tanong sa akin na siyang ikinagulat ko.
" anong sinabi mo? " paglilinaw ko.
" ang isa sa mga Espiritung Tagapag-Alaga mo,batid kong isa rito ay isang demonyo,bakit?anong pumasok sa iyong isipan at ginawa mo ang bagay na iyon?labag iyon sa batas " malamig nitong asik.
Inayos ko ang aking pagkakaupo bago ito tinapunan ng tingin.Wala naman akong dapat ipaliwanag pero dahil naitanong niya na rin naman,sasagutin ko na lamang.
" ang layunin ng templo ay puksain ang masasamang demonyo na naghahasik ng lagim sa sansinukob subalit hindi naitala roon na maging ang mga demonyong may kakarampot na kabutihan sa kanilang mga puso " paliwanag ko.
" at naniniwala ka talagang mayroong mabubuting demonyo?demonyo sila,hinulma mula sa kasamaan ng mga tao at pagkaganid,pagnanasa at kasakiman " aniya.
" oo naniniwala ako,hindi dahil sa nakasanayan mong paniwalaan na ang demonyo ay purong masasama ay tunay na ngang masama sila subalit bakit ang mga tao na nilikhang mukhang anghel subalit naglaon ay nag-aasal demonyo na? " pahayag ko naman.Sandali siyang natahimik sa aking sinabi.
" magkaiba ang tao at ang demonyo Niean " ani nito.
" wala silang pinagkaiba,kapwa sila magkatulad,nabubuhay ang demonyo dahil sa masasamang gawain ng mga tao " wika ko pa.
Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Siom bago ito tuluyang tumayo.
" malalim na ang gabi,magpahinga ka na " aniya bago ako tinalikuran at tumuloy ka kaniyang tolda.
" hindi ko talaga maunawaan ang pag-uugali ng lalaking iyon " wika ko sa sarili.
Sandali muna akong nanatili sa aking kinauupuan habang nakatingin sa nilikhang harang ng aking mga espiritu.Alam kung mahusay ang kanilang pagkakagawa subalit hindi iyon nangangahulugan na mapipigilin nito ang pagnanais na makalabas ng Bakunawa.Ang kapangyarihan nito ay higit na mas malakas kaysa sa inaakala ko,sa oras na makalaya ang halimaw na ito,higit pa sa pinsala ang matatamo ng bawat lungsod at ng sangsinukob.
Ang buwan ay may mahalagang ginagampanang papel sa gabi at sa sansinukob.Hindi lamang ito nilikha ni Bathala upang gawing liwanag sa karimlan ng gabi,mayroon rin itong kaugnayan sa laki ng tubig sa karagatan at sa iba pa kaya hindi maaaring makain ng Bakunawa ang buwan.
*****
Unang araw bilang tagapagbantay ng Kailaliman.Lumabas ako sa aking tolda ng marinig ang pagtawag sa akin ng isang tagapagbantay para sa aming umagahan.
BINABASA MO ANG
Bakunawa
De TodoNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...