Kabanata 3

121 18 0
                                    

Niean

     " ang pangalan ko'y Kol,ginoo " pakilala ng binata ng tuluyang mabawi nito ang nawalang lakas.Kasalukuyan kaming nakaupo sa malaking tipak ng bato sa harapan ng pantalan.Nakatingin lamang ako sa kalangitan na nababalutan ng kadiliman.

" hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa iyong pagtulong sa akin at pagbigay ng pangalawang buhay ginoo,nagpapasalamat talaga ako sa iyo ng buong puso,ang akala ko kanina'y mamamatay na ako sa kamay ng mga lalaking iyon " sinsero niyang sabi.Gumawi ang aking atensyon sa kaniya.Tunay ngang may emosyon na naglalaro sa kaniyang mga mata.Isang tanda na hindi siya iyong mga demonyong hinulma mula sa kadiliman.

" hindi ko alam kung bakit niyo ako tinulungan sa kabila na isa akong demonyo subalit ginoo hindi naman ako kumakain ng tao,pinipigilan ko ang aking sariling hindi matakam sa karne ng tao,at ang pumupuno sa aking pagkagutom ay ang karne mula sa mga hayop sa kagubatan kaya hindi ko alam kung bakit nila ako nais patayin,ang nais ko lang naman ay mamuhay bilang isang pangkaraniwan sa kabila ng aking tunay na katauhan " mahabang salaysay nito.

" ang mga tao ay hindi magkakatulad ng kaisipan at paniniwala,sa iba ang pagiging demonyo ay maituturing na isang salot,panganib o takot samantalang sa iba naman ay maaaring maituturing kang isang biyaya,ang kailangan mo lang gawin ay hanapin mo ang uri ng taong tatanggap sa iyo sa kabila ng iyong katauhan " pahayag ko.

" kung gayon nahanap ko na ang uri ng taong ituturing akong biyaya " nakangiti nitong asik samantalang ako naman ay hindi ko maiwasang hindi magtaka sa sinabi nito.

" ano ang ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong sa kaniya.

" ginoo,alam kong isa kang mabuting tao sa kabila ng katotohanang isa kang mamamatay ng katulad ko subalit gayunpaman,nararamdaman ko ang kabutihan at kabusilak ng iyong puso,ginoo nais kitang pagsilbihan,nais kitang tulungan,nais kong ialay ang buhay ko sa iyo,sa paraang ito ay maibabalik ko ang kabutihang inialok mo sa akin " aniya.

" anong ibig mong sabihin? "

" gawin mo akong iyong Espiritong Tagapag-Alaga " wika nito na siyang ikinagulat ko.

" ano?!bakit mo nasasabi ang bagay na iyan,alam mo ba ang ibig sabihin ng iyong sinasabi? " gulat kong asik dito.

" ginoo,nais kitang masuklian sa iyong naging pagtulong sa akin,at wala akong alam na ibang paraan upang mabayaran ko ang iyong kabutihang loob,hindi ko na maibabalik sa dati ang dati kong buhay dahil natuklasan na nila ang tunay kong katauhan,wala na akong mapupuntahan,ayokong mabuhay sa kadiliman,gusto kong magbago ang guhit ng aking kapalaran " aniya.

" ngunit hindi naman kita sinisingil sa kung anong kabutihang nagawa ko sa iyo,ang aking ginawa ay isa lamang sa nararapat gawin ng isang taong katulad ko " salaysay ko.

" subalit hindi ako isang tao " aniya na siyang ikinatahimik ko.Ang isang katulad kong mangingitil ng demonyo ay labag sa patakaran na magkaroon ng Espiritung Tagapag-Alaga na isang demonyo,ang maaari lamang ay ang mga espiritung hinulma mula sa sariling mahika o enerhiya at tanging iyon lang.

Tumayo si Kol habang ang mga mata ay nakatingin sa karimlan.Sandali munang nanatili ang kaniyang paningin doon bago gumawi sa akin.Sumilay ang ngiti sa labi nito habang unti-unting naglalabas ng liwanag ang kaniyang katawan.Isang tanda na handa na siyang ipagkatiwala sa akin ang kaniyang enerhiya.

" hindi na ba magbabago ang naging desisyon mo? " nag-aalala kong tanong sa kaniya.Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito habang sunod-sunod naman ang kaniyang pagtango.

" isang tawag mo lang sa pangalan ko,darating ako't tutulungan kita " aniya.Lumapit ako rito at itinapat sa kaniyang dibdib ang aking palad at bumigkas ng orasyon.Ilang sandali pa ay unti-unting naglaho sa hangin ang imahe nito hanggang sa wala ng maiwang bakas.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon