Kabanata 12

86 15 0
                                    

Niean

     " buhay ka pa pala! " malamig na wika ni Bor ng mapansin si Siom na tumigil sa aking tabi.Gumuhit naman ang nakakalokong ngiti sa labi ni Siom habang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa lalaki.

" hindi ang katulad mo ang papatay sa akin " buong kompiyansa niyang sagot dito't dumura sa lupa.

Habang tinitingnan ko ang dalawa,nararamdaman ko ang pagngitngitan ng dalawang panig,kapwa nais nang tapusin ang labang ito.

" si Pako ang kaanib mo hindi ba?siya ang dahilan kung bakit ka nakapasok sa Departamento ng Apat Na Lungsod gayong may dugo ng demonyong nananalaytay sa iyo,at siya rin ang dahilan kung bakit niyo natagpuan ang lugar na ito dahil ninakaw ni Pako ang alaala ng pinuno " kaswal kong tanong rito.

" mas lalo mo akong pinapahanga Niean! " natutuwa nitong sabi.

" tama ka! " dagdag pa nito.

" kung gayon bakit mo siya pinaslang?! " galit kong asik dito.Tumalim ang tinging ipinukol sa akin ni Bor.

" sapagkat isisiwalat niya ang aking binabalak! " aniya't bigla na lamang gumuho ang nilikhang harang para sa Bakunawa.

Nakaramdam ako ng takot ng masilayan ang mabilis na pagbagsakan ng mga tipak ng bato sa lupa't maging ang gintong harapan na nilikha ni Kuan ay unti-uning gumuho.Paano nangyari iyon?.

" gamit ang kapangyarihan kong manipulahin ang oras,madali lamang para sa akin ang sirain ang nilikha niyong harang " natatawang paliwanag nito.

" anong binabalak mo?! " puno ng katanungan kong tanong rito.

" malalaman niyo sa susunod na mga sandali! " aniya't bigla na lamang nagpakawala ng malakas na puwersa dahilan upang tumilapon kami ni Siom.

Tuluyang gumuho ang nilikhang harang sa butas ng Bakunawa at mula sa aming kinaroroonan ni Siom,malaya naming nasilayan ang paglabas ng malaking halimaw sa kaniyang butas.Nanginginig ang aking mga kalamnan sa nasaksikahan.Hindi ko inakalang aabot sa ganitong tagpo ang lahat-lahat.Napakabilis ng mga pangyayari ngayong araw na ito.

Nangyari ang malawakang pagpaslang sa templo.

Ang pagtraydor ni Pako sa templo.

Ang pagpaslang sa kay Pinunong Amok.

Ang katotohanan kung bakit ako narito.

Ang pagdating ni Bor sa Kailaliman at

ang pagkawala ng Bakunawa.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito.Isang malaking kabiguan ang nangyari ngayon.

Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod na siyang dahilan upang bumulagta ako sa lupa.Batid kong walang may kasalanan sa nangyari subalit hindi ko maiwasang hindi sisihin ang aking sarili sapagkat lahat ng mga nakalaban namin ay mayroong ugnayan sa akin.

" ayos ka lang ba? " nag-aalalang tanong sa akin ni Siom habang inalalayan akong makatayo.Napapikit na lamang ako dahil sa nararamdamang pagkabigo.Ang unang layunin nang pagpunta namin rito ay proteksyonan ang harang upang hindi makawala ang Bakunawa subalit anong nangyari'y humantong sa ganito ang lahat.

" a-anong gagawin natin? " natatakot kong tanong.Yumukod si Siom at ipinantay nito ang kaniyang sarili.

" kailangan natin pigilan ang Bakunawa hangga't hindi pa ito nakakarating sa lupain,at habang hindi pa lumalabas ang buwan sa kalangitan " seryosong sabi nito sa akin.

" subalit paano? "

             *****

Nais kong malaman kung ano ang binabalak ni Bor.Nabanggit niya kanina na isisiwalat sa akin ni Pako ang kaniyang nalalaman sa binabalak nito subalit kaagad niya itong napatahimik sa pamamagitan ng pagkitil sa buhay nito.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon