Kabanata 10

97 17 0
                                    

Niean

     Lumabas ako sa nilikha kong lagusan subalit laking gulat ko nang bumungad sa akin ang hindi inaasahang tagpo.Nagkalat ang mga labi ng aking mga kamag-aral habang naliligo sa sarili nilang mga dugo.

" Niean " mahinang tawag sa pangalan ko ni Siom subalit hindi ko man lang ito tinapunan ng pansin.

Unti-unti akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa aking dibdib nang sumagi sa aking isipan ang pinuno.Mabilis na kumilos ang aking mga paa at kaagad na tinakbo ang pinaniniwalaan kong lugar na kinaroroonan ng pinuno.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari ng mga panahong wala ako rito.Paano humantong sa ganitong tagpo ang lahat.Isang malawakang pagpaslang ang nangyari sa templo.

Binilisan ko pa ang aking pagtakbo hanggang sa dumating ako sa naturang lugar na madalas paglagian ng pinuno.Inaasahan ko na sasalubungin ako ni Pinunong Amok subalit laking dismaya ko ng bumungad sa akin ang halos hindi na makilalang pigura nito.Nakaupo ito na parang rebulto habang ang mga kamay ay nakatapat sa kaniyang dibdib.

Tila nawalan ng lakas ang aking mga paa na tumayo dahilan upang bumagsak ako sa sahig habang hindi mapigilan ang pagsilabasan ng mga luha sa aking mga mata.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sandaling ito.Naghahalo ang kaguluhan sa aking isipan at mga katanungan.

" pinuno! " pagtangis ko.

Sa huling sandali ay batid kong pinili ng pinuno na manahimik mula sa kung sino ang nasa likod ng malawakang pagpaslang na ito.Nabatid ko iyon sa paraan ng kanilang nilikhang orasyon kung saan nakatapat ang kaniyang mga daliri sa kaniyang dibdib.Nangangahulugang pinili niyang pigilan ang pagtibok ng kaniyang puso kaysa sa magsagawa ng maling desisyon.

" Niean " muling pagtawag sa akin ng pamilyar na boses.Dali-dali akong tumayo at kaagad na pinunasan ang mga nagkalat na mga luha sa aking mga mata.Hinarap ko si Siom kung saan bakas sa mata nito ang kalungkutan at pakikiramay.

Lumapit ako rito at pilit na lumikha ng ngiti sa aking labi upang maitago ang sakit na nararamdaman dito sa aking dibdib.

" bumalik na tayo " wika ko rito.

" subalit hindi mo man lang ba bibigyan ng mapayapang pamamaalam ang iyong pinuno? " ani nito.Bahagya akong natigilan bago ko muling tiningnan ang wala nang buhay na katawan ni Pinunong Amok.

Marahan kong ikinumpas ang aking kamay sa hangin habang sinasambit ang orasyon sa pagitan ng paghikbi.Ayokong ipakita sa pinuno na ihahatid ko siya sa kabilang buhay na may kahinaan at takot sa aking dibdib.

Unti-unting naglaho ang katawan ni Pinunong Amok habang dahan-dahan itong tinutupok ng aking gintong liwanag.Lahat ng iyon ay kitang-kita ng dalawa kong mga mata at mananatili sa aking alaala.

" tayo na " aya ko sa kay Siom bago lumikha ng lagusan pabalik sa Kailaliman.

                               *****

Sa pagbukas ng lagusan pabalik sa Kailaliman,bumungad sa amin ang tagpong hindi namin kapwa ni Siom inaasahan.Nagkalat sa paligid ang mga toldang gutay-gutay at mga bangkay ng mga kasamahan namin na naliligo sa sarili nilang mga dugo Tila naulit lang ang nangyari sa templo.

" anong nangyayari Siom? " wala sa sariling tanong ko sa lalaking kasama.

" hindi ko rin alam " nababahala niyang sagot.

Isang malakas na paghiyaw mula sa pamilyar na boses ni Bamu ang siyang pumukaw sa amin ni Siom.Agad akong lumikha ng lagusan patungo sa direksyong iyon at kaagad na pumasok kasama ni Siom.Mabilis na hinugot ni Siom ang kaniyang espada sa kaniyang likuran ng mapansin ang akmang pagtarak ng sandata ng isang demonyo sa sugatang si Bamu.Nagawa nitong masangga ang atakeng iyon ni Siom at kaagad na itinarak sa lalamunan ng demonyo ang isa niya pang espada ng bigla na lamang lumitaw sa kaniyang kamay.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon