Kabanata 7

85 18 0
                                    

Niean

      " patay na ang pinuno! " tila tumigil ang oras ng marinig ang masamang balitang dala ng tagabantay ng pinuno.Lahat kami at hindi maitago ang pagkagulat sa narinig.Ang bawat isa ay hindi makapaniwala sa bitbit na balita ng tagapagbantay ng pinuno.

" anong sinabi mo?! " gulat na asik ni Siom.

" a-ang pinuno ay patay na " naiiyak na pahayag ng tagabantay.Lahat kami ay nadismaya sa narinig.Hindi ito isang panaginip.

*****

Kasalukuyan kaming naririto lahat sa bulwagan upang magsiyasat hinggil sa nangyaring pagpaslang sa pinuno kagabi.Walang matibay na ebidensya kung sino ang nasa likod nito kaya nanatili pa rin itong misteryo.

" ang nangyari sa pinuno ng departamento ay isang patunay lamang na may masamang hangarin ang isa sa mga naririto sa departamento " wika ni Bamu.

" ano ang nais mong sabihin Bamu? " nagtatakang tanong naman ni Siom.

" ang departamento ay mayroong malakas na orasyon sa buong paligid bilang proteksyon sa mga demonyo,subalit ang kaninang bakas na makikita sa katawan ng pinuno ay isang palatandaan na mula sa isang demonyo ang may gawa nito " patuloy nito.Tahimik lang kami sa gilid habang pinapakinggan ang paliwanag nito.

" subalit katulad nga ng iyong sinabi,ang buong departamento ay napo-proteksyonan laban sa mga demonyo " ani Siom.

" tama ka roon Siom subalit madaling magawan iyon ng paraan kung mayroong isang tao mula rito sa loob na mayroong  kakayahang makapapasok ng isang demonyo gamit ang kaniyang mahika o anupaman,sa ganoong paraan ay madali na lamang nila maisasagawa ang kanilang ninanais " paliwanag nito habang nakatingin sa akin.Dahil sa kaniyang sinabi,parang nahuhulaan ko na kung ano ang nais niyang ipunto sa pagkakataong ito.

Napansin kong gumawi ang mata ng lahat na naririto sa bulwagan sa aking direksyon na tila bang ako ang may sala sa kung ano ang nangyari sa pinuno.Ang kanilang mga titig ay nagsisigaw ng paliwanag at panghuhusga.

" bakit tila sa akin kayo nakatingin gayong wala naman akong kinalaman sa nangyari sa pinuno,hindi ibig sabihin na nakakalikha ako ng lagusan gamit ang aking mahika ay maaari niyo na akong pagdudahan?napakadali niyo namang manghusga " mahinahon kong pagbibigay ng opinyon sa kanila.Hindi nakatakas sa aking mga mata ang kakaibang ngisi sa labi ni Bamu.Waring inaasahan niya na ang aking isasagot at nakahanda na siyang depensahan ang kaniyang paunang katwiran.

" bakit ganiyan ang paraan ng iyong pagsasalita?hindi ka naman namin inaakusahang ikaw ang nasa likod ng pangyayaring iyon,maliban na lamang kung may katuturan ang aking sinabi " aniya gamit ang kaniyang mapang-uyam na boses.

" hindi nga ako subalit sa paraan ng iyong pagsasalita ay ako ang pinaparatangan mong pumatay sa pinuno,sino ba rito ang may kakayahang lumikha ng lagusan gamit ang mahika,tanging ako lamang hindi ba?at sa tingin mo'y ang isang tulad kong iminulat upang ipagtanggol ang sangsinukob ay gagawa ng ganoong kasamang bagay para sa sarili kong kapakanan?nagkamali ka ata ng iyong nasaganap na impormasyon tungkol sa akin " mahabang kong salaysay.Napansin ko ang mabilis na pagbabago ng reaksyon ng mukha ni Bamu dahil sa aking salaysay.

" magsitigil kayo!,hindi ito ang panahon upang magturuan kayo kung sino ang nasa likod ng pangyayari sa pinuno,ang mahalaga sa ngayon ay magtulungan tayo upang matukoy at maparusahan kung sino ang may sala! " saway ng kumakatawang pinuno ng departamento.

Isang lalaki ang pumasok sa loob ng bulwagan at tuloy-tuloy na tinungo ang direksyon ng kumakatawang pinuno ng departamento.Mayroon itong ibinulong bago ito agarang umalis.

" Niean,ayon sa isang saksi,kagabi ikaw ay tumungo sa pabilyon na mag-isa lamang kung saan madalas lumagi ang pinuno bago matulog,ano ang ginagawa mo sa lugar na iyon gayong wala kang pahintulot mula sa pinuno na umapak sa lugar na iyon " biglang tanong nito na siyang ikinagulat ko ng husto.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon