Niean
Tumilapon ako sa malawak na lupain ng Kailaliman matapos pakawalan sa akin ang malakas na sipa ni Pako.Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi ng bigla na lamang lumitaw sa aking itaas ang nilikha nitong lagusan kung saan mabilis itong nagpakawala ng kaniyang kapangyarihan.Naging mabilis ang pagkilos ng aking mga daliri at kaagad na nagsambit ng orasyon.Lumikha ako ng lagusan sa ilalim ng lupa at kaagad na lumusot doon.Isang malakas na pagsabog ang siyang yuminag mula sa karatig nang bumukas ang lagusan sa ibang panig ng lupain.
Tanaw mula sa aking kinatatayuan ang pigura ni Pako habang inililibot ang paningin sa paligid.Kapansin-pansin ang kaguluhan sa paligid dahil sa walang tigil na labanan sa pagitan ng mga tauhan ng departamento at ng mga alipores na demonyo ni Bor.Sa kabilang banda'y hinanap ko ang kinaroroonan ni Siom hanggang sa matagpuan ko ito na nakikipaglaban sa kay Bor.Bigla akong nilamon ng pag-aalala sa kadahilanang hindi pangkaraniwang demonyo si Bor.Alam ko iyon dahil minsan ko na rin itong nakalaban at halos itaya ko ang sarili kong buhay upang maikulong lamang ito sa Himpilan ng Demonyo.
" akala mo matatakasan mo ako sa pamamagitan ng paggamit mo ng iyong lagusan?patunayan mo sa akin na isa kang mag-aaral ng templo " wika ng pamilyar na boses mula sa aking likuran.Isang mahinang buntong-hininga ang siyang kumawala sa aking bibig bago ito hinarap.
" sinong tatakas?ako?o baka ikaw " may bahid ng pang-aasar kong asik rito.Mabilis na nagbago ang reaksyon ng mukha ni Pako dahil sa aking sinabi.Alam ko ang pag-uugali nito,masyadong maliit ang pasensya nito kaya madalas siyang parusahan ng pinuno dahil sa pagiging pikon niya.
" alam mo ba kung bakit pinaslang ko ang pinuno? " mababakas ang kaseryosohan sa boses nito habang ako naman ay kusang naikuyom ko ang aking mga palad pagkabanggit sa aming pinuno.
" sapagkat nabubulag siya sa iyo,sa isang katulad mo! " puno ng pagkagalit nitong asik sa akin
" anong sabi mo?! " naguguluhan kong tanong rito.
" simula pa lang,alam na ng pinuno ang lakas na bumabalot sa iyo,ang lakas na kailanma'y hindi ko matutumbasan,nabubulag siya sa kapangyarihang tinataglay mo dahilan upang makalimutan niya ako,ako ang nauna,ang una niyang inaruga,ang una niyang minahal subalit ng dumating ka,nagmistula akong isang hangin sa kaniyang paningin,at hindi ko iyon matatanggap Niean!! " pahayag nito.
" nahihibang ka na!,hindi iyon magagawa ng pinuno Pako,pantay-pantay ang turing niya sa ating lahat,ang iyong paninibugho ang bumulag sa iyo kaya hindi mo iyon napansin,itinuring kang parang isang anak ni Pinunong Amok at ganoon din ako,tayong lahat subalit wala ni isa sa atin ang binigyan niya ng pagtatangi " balik ko rito.
Hindi ko batid na ganoon pala ang kaniyang nararamdaman para sa akin.Kaya pala hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin ng mga panahong iyon sapagkat nilalamon siya ng panibugho at pagkainggit.
" sinungaling! " bulyaw nito't kaagad siyang nagsambit ng orasyon.Sunod-sunod na nagsiangatan ang mga bitak ng lupa sa himpapawid hanggang sa sunod-sunod niya itong pinakawalan patungo sa aking direksyon.Samantalang nanatili lamang akong kalmadong nakatayo habang mahinang sinasambit ang orasyon.Lumitaw ang malaking lagusan sa aking harapan kung saan malaya nitong tinatanggap ang mga atake ni Pako.Naglaho ako sa aking kinatatayuan at lumitaw sa mismong harapan ni Pako.Inihataw ko sa kaniyang direksyon ang may kahabaan kung punyal na siya niya namang nagawang maiwasan.
" kailanma'y hindi kita mapapatawad sa iyong ginawa Pako " malamig kong sabi sa kaniya bago ito inatake.
Ako laban sa kay Pako.Kapwa mag-aaral ni Pinunong Amok.Kapwa marunong magmanipula ng mahika subalit kung mayroon mang pinagkaiba sa amin ni Pako,hindi ako marunong magtanim ng galit sa mga taong mabubuti sa akin.Hindi ko kayang gawan ng masama ang mga taong batid kong mahalaga sa akin.
Patawarin mo ako Pinunong Amok sa aking gagawin.
Bahagya akong lumayo sa kay Pako habang mahigpit na hinahawakan ang aking punyal.Ito lang ang nakikita kong paraan para matigil na ang labang ito sa pagitan namin.
Dahan-dahan kong itinapat sa aking bibig ang aking punyal bago inusalan ng isang orasyon.Makalipas ang ilang saglit ay buong lakas ko itong inihagis patungo sa kinaroroonan ni Pako na akmang dedepensahan ang aking atake.Muli akong umusal ng orasyon kung saan mabilis na lumitaw ang lagusan sa harapan ni Pako at biglang nawala sa kaniyang paningin ang aking punyal.Tuwid itong nakatayo ng bigla na lamang itong natigilan hanggang sa bumagsak ito sa lupa.
Lumapit ako sa kaniya at ipinantay ang aking sarili.May mga dugong lumalabas sa bibig nito habang hinahabol nito ang kaniyang paghinga.Gumawi ang aking atensyon sa punyal na nakatarak sa kaniyang dibdib habang umaagos ang mga sariwang dugo dito.
" nais ng pinuno na ikaw ang sumunod na maging pinuno ng templo,alam mo ba iyon? " mahinahon kong sabi sa kaniya.Batid kong nagulat si Pako sa aking sinabi subalit wala na itong lakas upang ipakita pa iyon sa kaniyang mukha.
" minahal ka ng pinuno Pako,may inihanda siyang higit na magandang hinaharap para sa iyo subalit bakit ganoon,bakit ka nagpadala sa iyong pagkainggit at paninibugho sa akin,hindi ko kinuha ang lahat sa iyo,kinupkop ako ng pinuno sapagkat naniniwala siyang mayroong isinulat ang tadhanang ibang kapalaran para sa akin,ginamit lamang siya upang mahulma ang tunay kong pagkatao " paliwanag ko sa kaniya.Hindi nakatakas sa akin ang paglandas ng mga luha sa mata ni Pako.Nagsisisi siya sa kaniyang ginawa.
" p-patawad " mahinang usal nito.Isang ngiti ang kumawala sa aking labi bago ito dahang-dahang binangon.
" s-si Bor " wika nito.Biglang naging seryoso ang aking itsura ng mabanggit niya ang pangalan ng demonyo.
" n-nais niy--- " hindi na nito naituloy ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang tumarak sa dibdib nito ang malaking sibat na siyang aking ikinagulat.
Kaagad ko siyang nabitawan at kaagad na hinanap ang pinagmulan niyon.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa magawi ang mga mata ko sa direksyon ni Bor na nakangisi sa akin.
" Bor!!! " puno ng pagkagalit kong sigaw rito.Kaagad akong naglaho sa aking kinatatayuan bago lumitaw sa kinaroroonan ni Bor.Bakas sa mukha nito ang kagalakan ng makita ako.
Iwinasiwas nito ang kaniyang sibat sa hangin na waring ipinapasikat niya ang kaniyang pagiging bihasa sa sandatang iyon.
" ang tagal kasing mamahinga ng iyong kaibigan kaya tinuluyan ko na " natatawa nitong sabi habang itinuturo sa aking direksyon ang kaniyang sibat.
" Bor! " galit kong tawag sa pangalan niya.Isang malutong na halakhak ang kumawala rito.
" kailan ba noong huli kong narinig ang pagtawag mo sa akin ng aking pangalan na walang pagkasuklam o pagkagalit sa iyong tono " mahinahon nitong sabi.
" ano bang pinagsasabi mo?! " asik ko rito.
" mukhang ang madalas mong paggamit ng iyong mahika ay nagiging malilimutin ka na,gayunpaman,naaalala ko pa rin ang lahat,ang lahat-lahat Niean! " aniya bago maglaho sa aking harapan.Agad kong tinalasan ang aking pandamdam sapagkat sa pagkakataong ito ay alam kong aatake ito.
" Niean! " narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.Tila may sariling buhay ang aking katawan at kaagad na sumirko sa ere matapos marinig ang babala ni Siom.Saktong pag-angat ng aking katawan sa lupa ang siyang paglandas ng mahabang sibat ni Bor na binabalutan ng itim na mahika.
Kaagad akong naghanda ng makabawi at hinarap ito.Napansin ko naman ang papalapit na bulto ni Siom na malayang iwinasaiwas ang kaniyang espada sa hangin habang naglalalabas naman ng liwanag ang kaniyang kamay.
Mayroon rin itong kaalaman sa paggamit ng mahika subalit hindi ko alam kung kanino niya iyon natutunan,gayunpaman,mababatid kong hindi ito madaling matatalo dahil sa karagdagang lakas niya.

BINABASA MO ANG
Bakunawa
AcakNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...