Niean
Kasalukuyan akong nasa aking silid habang unti-unting tinatanggal ang aking mga kasuotan sa aking katawan.Ako'y maliligo sapagkat dumidikit sa aking balat ang mga dugo ng mga halimaw na napaslang ko kagabi.
Hindi pa man ako tapos sa aking ginagawa ng bigla na lamang bumulabog sa aking ginagawa ang isang hinihingal na bagong sinasanay ni Pinunong Amok.Habol ang paghinga nito habang nakayukod.
" hinahabol ka ba ng demonyong kabayo at tila halos nangangailangan na ng hangin ang iyong baga " puna ko rito.Mabilis nitong inayos ang kaniyang pagkakatayo bago humarap sa akin.
" pinapatawag po kayo ng pinuno " aniyo.Bahagya naman akong natigilan sa aking ginagawa nang mabanggit ang pangalan ng pinuno.Dali-dali ko muling isinuot ang aking kasuotan bago tuluyang lumabas ng aking silid.
Malalaki ang mga binibitawan kong hakbang patungo sa bulwagan kung saan madalas lumagi ang pinuno.Makalipas ang ilang sandali ay natuntun ko ang naturang lugar kung saan naabutan ko itong may binabasa sa papel.
" pinuno " tawag ko sa atensyon nito bago nagbigay ng paggalang.Humarap sa akin ang pinuno habang nanatiling nakatiwang-wang ang papel na nasa kamay nito.Hindi ko namang maiwasang pasadahan iyon ng pansin dahil sa mga nakasulat na baybayin doon.
" ipinatawag niyo raw po ako? " pahayag ko.
" oo Niean,may mahalaga akong sasabihin sa iyo " aniya na siya namang ikinataka ko.
" ano iyon pinuno? " direkta kong tanong dito.Sandaling kumawala ang malalim na buntong-hininga sa bibig ni Pinunong Amok bago ito tumingin sa akin ng diretso.Sa paraan ng kaniyang mga tingin ay tila nahihinuha kong hindi ito maganda.
" nakatanggap ako ng sulat mula sa pambansang obserbatoryo kung saan naglalaman ng mahahalagang detalye tungkol sa naganap na paglindol at sa mga misteryong kaganapan na nangyari sa iba't-ibang panig ng lupain " pahayag nito.
" at ano naman ang kinalaman niyon sa akin pinuno? " nagtataka kong tanong sa kaniya.
" malapit nang sumapit ang tinatawag na Bughaw na Buwan kung saan ang buwan ay mas higit na mas malaki ang kaniyang sukat kumpara sa karaniwan nitong sukat,minsan lang itong mangyari sa kasaysayan ng mundo " patuloy nito.Hindi ko pa rin makuha ang nais ipunto ni Pinunong Amok hinggil sa tunay na nilalaman ng liham.
" at may hinala ang mga taga-obserbatoryo na mayroon iyon kinalaman sa nangyaring sakuna,nangyayari lamang iyon kapag ang Bakunawa ay nakakaramdam na ng kakaibang pagkagutom sa buwan " hindi ko maiwasang hindi mabigla sa sinabi ng pinuno.Binanggit niya ang Bakunawa.
" ang ibig niyo bang sabihin na ang Bakunawa ang nasa likod nang malakas na paglindol? " naguguluhan kong tanong.
" marahil,ang Bakunawa ay gising na upang muling kainin ang kaniyang huling buwan " paliwanag nito.Madami akong gustong itanong sa kaniya hinggil sa naturang halimaw subalit hindi nakikiayon ang aking bibig.Hindi pa rin ako makabawi sa pagkagulat.
" pinapatawag ang mga pinuno ng apat na lungsod upang lakbayin ang Kailaliman kung saan nakakulong ang Bakunawa " aniya.
" subalit ako'y isang mag-aaral mo lamang pinuno " paliwanag ko.Agad kong nabatid ang layunin ng pagpapatawag sa akin ng pinuno.At sana'y mali ang aking hinala sapagkat isang malaking responsibilidad ang maging tagapagbantay ng Bakunawa para sa kaligtasan ng sansinukob.
" hindi ako magkakamaling ikaw ang ipapadala ko sa Departamento ng Apat Na Lungsod upang kumatawan sa ating lupain at sa ating templo,naniniwala ako na gagawin mo ang lahat-lahat upang mapigilan ang nagbabadyang pagbangon ng Bakunawa sa Kailaliman " nakangiting saad nito.Bakas sa boses nito ang sinseridad at pagmamalaki sa akin bilang kaniyang mag-aaral.

BINABASA MO ANG
Bakunawa
RandomNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...