Niean
Bumukas ang nilikha kong lagusan sa tapat ng isang malaking tarangkahan.Ito ang tarangkahan ng Lungsod ng Aman kung saan pinamumunuan ni Siom ang buong lupain.Kailangan ko siyang makausap.
" ginoo anong ginagawa niyo pa rito,pinapalikas na ang lahat ng mga taga-bayan dahil ang Bakunawa ay tuluyan ng nakalaya sa kaniyang butas " agad na bungad sa akin ng kawal na nakabantay sa tarangkahan.Sa kabila ng maawtoridad niyang boses ay nagtatago roon ang takot.
" ikaw bakit hindi ka pa lumikas? " balik kong tanong rito.Sandaling natahimik ang binata.
" tungkulin ko pang bantayan ang tarangkahan ng lungsod,at bilang isang tapat na kawal ng lupain ng Aman ay handa kong isakripisyo ang aking sarili maproteksyonan lamang ang aking mamamayan at ang aking lupain " matapang na sagot nito.Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi ng marinig ang kaniyang naging tugon.
" papasukin mo ako't kailangan kong makausap ang iyong pinuno " seryoso kong tanong rito.Hindi naman maiwasang maglaro sa mukha ng kawal ang pagdududa at pagtataka dahil sa pagkabanggit ko sa kanilang pinuno.
" ang p-pinuno ay " hindi na nito naituloy ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang bumukas ang tarangkahan at iniluwal roon ang mga pangkat ng kawal na pinamumunuan ni Siom na nakasuot ng mga mabibigat na kasuotang pandigma.
" Siom! " tawag ko sa lalaki na siya namang gumawi sa akin ang atensyon.Bakas sa mukha nito ang pagkagulat subalit pinanatili nito ang kalamigan ng kaniyang mga titig.
Agad akong lumapit dito at hinarap siya.
" mayroon akong mahalagang sasabihin sa iyo " simula ko ngunit tila wala roon ang atensyon nito.Mabilis kong ikinumpas ang aking mga daliri sa hangin at kaagad na lumikha ng lagusan mula sa likod nito't hinablot siya mula sa likuran.
Dinala ko siya sa templo habang panay ang protesta.
" ano bang kailangan mo?! " naiinis na singhal nito sa akin.
" tingan mo ito " hindi ko pinansin ang kaniyang pag-aalburuto dahil mas mahalaga sa akin sa ngayon ay makita niya ang nilalaman ng aklat.Nakita ko namang nakuha ko ang atensyon nito't lumapit ito at tiningnan ang nilalaman ng aklat na natagpuan ko kanina sa silid-aklatan.
" marahil nang gumawi rito si Bor ay dumaan ito sa silid-aklatan kung saan niya natagpuan ang matandang aklat na ito na naglalaman ng mga sinaunang mahika na ginamit ng ating mga ninuno upang maibalik sa Kailaliman ang Bakunawa,tila alam ko na kung ano ang binalak ni Bor " paliwanag ko sa kay Siom na tahimik lamang na nakikinig.
" ano ang ibig mong sabihin na alam mo kung ano ang binabalak ng dati mong irog? " may bahid ng pagiging sarkastiko nitong sabi.Tiningnan ko lamang ito na puno ng katanungan hanggang sa unti-unti ko ng nauunawaan kung bakit ganito ang kaniyang inaasta.Hindi ko namang hindi maiwasang hindi mangiti sa naglalaro sa aking isipan.
" bakit ka nakangiti? " nagtataka nitong tanong.
" wala " tipid kong sagot bago ilipat sa kabilang pahina ng aklat ang atensyon.
" maaari mo na bang sabihin sa akin kung ano ang binabalak ni Bor at nagawa nitong tulungan ang Bakunawa na makabalik sa labas? " ulit nito.
" narinig mo ang sinabi ni Plamo na nais ni Bor na maging makapangyarihan dahil nais niyang may mapatunayan,ito ang bagay na iyon,nais ni Bor na gamitin ang Bakunawa upang makamit ang walang hanggang kapangyarihan na maihahalintulad sa kay Bathala,sa oras na makain ng Bakunawa ang Bughaw na Buwan ay saka na nito isasagawa ang kaniyang ninanais,gusto niyang sa katawan niya ikulong ang Bakunawa at gawin siyang kasangkapan,sa paraang iyon,tunay nga siyang magiging makapangyarihan sa lahat " paliwanag ko.
" pero paano niya maisasagawa ang bagay na iyon? " naguguluhang tanong nito.
" ang Bakunawa ay isang makapangyarihang halimaw na nabubuhay mula sa kadiliman,ang puso ni Bor ay nababalutan ng kadiliman kaya madali itong lapitan ng Bakunawa,at ang nasabing halimaw ay may kakayahang magbagong anyo ayon sa naisin nito,sa paglipas ng panahon,nangangailangan ng Bakunawa na magkaroon ng sisidlan upang hindi na ito muling maikulong sa Kailaliman " dagdag ko pa.
" at si Bor ang napili niya at pinili siya? " aniya.Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko.
"kung gayon ano ang marapat nating gawin upang mapigilan sila,kapag nagsama ang dalawang makapangyarihang nilalang ay wala na tayong kakayahang matalo pa sila " pahayag naman ni Siom.
" ang mga gintong instrumento,sila ang magiging kaagapay natin sa mga sandaling ito " agad kong sagot.
" subalit "
" ano? "
" ang gintong instrumentong nasa pangangalaga ng aming lupain ay tuluyan ng nawalan ng kapangyarihan " pagsisiwalat nito na siyang labis kong ikinagulat.
" ANO?! " hindi ko makapaniwalang singhal rito.
" nangyari ito ng magalit si Ama dahil sa pagkamatay ng aking bunsong kapatid dahil sa paghahandog ng mga butil ng enerhiya mula sa demonyo,sa kasamaang palad ay napaslang siya ng isa sa mga nakalaban nito't naging ugat ng pagkagalit ni Ama sa instrumento kaya bilang ganti ay hindi niya ito kailanman hinandugan ng mga butil ng enerhiya hanggang sa tuluyang maglaho ang kapangyarihan nito " paliwanag ni Siom.Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko sa ngayon,tila hindi umaayon sa amin ang tadhana.Gayunpaman,kailangan kong makagawa ng ibang paraan,hindi maaaring maantala ang aming binabalak.
Mamayang gabi sisikat ang Bughaw na Buwan.Nagkamali sa kalkulasyon ang Pambansang Obserbatoryo tungkol sa paglitaw ng buwan.At habang may oras pa kami ay kailangan naming kumilos kaagad.
Tinutumbok ngayon ng Bakunawa ang Gitnang Lungsod kung saan mas malapit sa buwan ang lupain nito.Sa paraang iyon ay mas madali para sa Bakunawa ang makalapit sa buwan.
" kasalukuyang binabagtas na ng dalawang pinuno ang lupain ng Gitnang Lungsod bitbit ang kanilang mga instrumento " balita ko sa kay Siom habang papasok sa nilikhang lagusan.Dadalhin kami nito pabalik sa kanilang lupain.Subalit kasabay ng pagsira ng lagusan ang siyang biglang pagbabago ng paligid.Mabilis na bumalot ang kadiliman hanggang sa tila ang oras ay unti-unting bumagal sa pagtakbo.
" anong nangyayari? " nagtatakang tanong ni Siom ng mapansing tila wala ng hangganan ang lagusang ito.Maging ako ay nagtaka na rin at naguguluhan sa biglaang pagbabago.
" hindi ko alam! " usal ko habang paulit-ulit na sinasambit ang orasyon.
" nakulong tayo sa iyong lagusan! " bulalas ni Siom.
Naramramdaman ko ang unti-unting pagnipis ng hangin sa paligid.Isang tanda na sa paglipas ng mga oras ay tuluyan ng mawawalan ng hangin ang loob nito.Pamilyar na sa akin ang ganitong tagpo.Katulad ito ng nangyari noong minsan kong bisitahin ang pabilyon ng pinuno sa departamento.
Bor.
Siya lang ang kilala kong may kakayahang lumikha ng ganitong salamangkang unti-unting baguhin ang takbo ng isang bagay sa isang lugar at iayon sa nais niya.
" ang hangin " puna ni Siom.Dali-dali kong ikinumpas ang aking kamay sa hangin at paulit-ulit na nagdasal ng orasyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito gumagana.Mas malakas ang enerhiyang bumabalot sa lugar na ito kumpara sa inilalabas ng aking mahika.Nangangailangan ng mas higit na mataas na antas ng kapangyarihan upang makalabas kami sa lugar dahil kung hindi,mamamatay kami rito.
" Niean " nanghihinang tawag sa akin ni Siom.Batid kong kinakapos na ito sa paghinga dahil maging ako ay nararamdaman ko na rin ang unti-unting pagkawala ng hangin sa paligid.
" Siom " tawag ko sa pangalan nito bago isagawa ang huling orasyon na magliligtas sa amin ni Siom mula sa bingit ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
Bakunawa
RandomNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...
