Kabanata 15

65 16 0
                                    

Niean

    Saktong paglabas ko sa lagusan ang siya namang pagguho ng nilikhang harang ng Gitnang Lungsod sa kamay ni Bor.Huli na naman ako subalit hindi iyon nangangahulugang na aatras ako.Ilalaban ko ito hanggang katapusan.

Itinapat ko ang aking kamay sa aking noo at kaagad na binigkas ang aking orasyon.

" sinasamu kita!Kuan!Kol!Damos! " tawag ko sa Espiritung Tagapag-Alaga ko.Mabilis na lumabas sa aking noo ang tatlong orbeng liwanag.Kinuha ko ito at buong lakas na itinapon sa kalangitan kung saan pumailanlang ang nakakasilaw na gintong liwanag at mula roon ay iniluwal ang tatlong Espritu.

Si Kuan.

Si Kol.

Si Damos,ang aking huling Espiritung ipinamana sa akin ni Pinunong Amok.

" ginoo! " sabay-sabay nilang tatlong tawag sa akin ng lumapag sa aking harapan.

" pigilan niyo ang Bakunawa't ako na ang bahala sa kay Bor " utos ko sa mga ito na siya namang sinunod.

Mula sa itaas ay lumapag si Bor bitbit ang kaniyang nakakalokong ngiti.Kakaibang enerhiya ang aking nararamdaman para rito,hindi na katulad ng dati.

" hindi ko inaasahang makikita kita rito Niean " bungad nito sa akin habang hindi umaalis sa kaniyang pagkakatayo.

" itigil mo na ito " mahinahon kong utos rito.Sandaling natahimik si Bor habang nakatingin sa akin.

" isa ba iyang utos o pagbabanta? " aniya.Bahagya akong natigilan sa kaniyang sinabi.

" Bor " tawag ko sa pangalan niya sa paraan na madalas kong itawag sa kanila.Napansin kong bahagya itong nagulat dahil sa paraan ng aking pagkakasabi ng kaniyang pangalan.

" pakiusap itigil mo na ito " malumanay kong sabi rito.

" Niean " tawag nito sa aking pangalan.

" batid kong alam mo kung ano ang mangyayari sa oras na maisakatuparan mo ang iyong binabalak,mapapahamak ka! " paalala ko sa kaniya.Aking nabasa na sa oras na hindi tanggapin ng kaniyang katawan ang kapangyarihan ng Bakunawa ay maaari niya itong ikamatay.

" subalit nais kong may mapatunayan sa iyo,at kung ang paraang iyon ang maglalagay sa akin sa rurok ng kapangyarihan ay gagawin ko upang bumagay ako sa iyo,upang mapantayan kita! " madamdamin nitong saad.

" hindi mo naman kailangang gawin iyon Bor,wala kang dapat patunayan sa akin,sapat na sa akin kung ano ka "

" subalit para sa akin ay hindi sapat kung ano ako,hahamakin ko ang lahat maging kapantay mo lamang ako!lahat-lahat! " aniya habang mabilis na binabalutan ng mga itim na usok.Makalipas ang ilang sandali ay iniluwal roon ang panibago nitong anyo.Isang nilalang na halos hindi ko na makilala dahil sa pagbalot ng kasamaan sa kaniyang sistema.

Agad ko namang inihanda ang aking sarili sa maaaring pag-atake ni Bor.Hahamakin nito ang lahat kahit ang aking kamatayan.

" Niean! " narinig kong tawag nito sa aking pangalan sa gawing likuran ko.Akmang lilingunin ko ito ng bigla na lamang isang malakas na sipa ang siyang sumalubong sa akin dahilan upang tumilapon ako sa mga nagkalat na mga bahagi ng nawasak na bahay.

Hindi pa man ako nakakabawi mula sa pagkakabagsak ay bigla na lamang itong lumitaw sa itaas at kaagad na nagpakawala ng mga malalakas na antas ng kaniyang kapangyarihan na mabilis na tinutumbok ang aking kinaroroonan.Mabilis na kumilos ang aking mga daliri bago umusal ng orasyon at kaagad na lumitaw ang maraming lagusan sa aking harapan at dinadala sa iba't-ibang panig ng lupain ang kaniyang mga atake.Bumangon ako at mas tinatagan ang aking sarili.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon