Niean
Halos habulin namin ang aming paghinga ni Siom ng tuluyan kaming makalabas sa lagusan.Nanghihina ang buo kong katawan dahil sa kawalan ng hangin sa aking katawan.Laking pasasalamat ko dahil naging matagumpay ang paggamit ko ng orasyon na ipinahiram sa akin ng Lihim na Orasyon.Mas higit nga itong makapangyarihan kumpara sa mahika ni Bor.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at laking pagtataka ko ng bumungad sa akin ang madilim na Lungsod ng Aman.Nakakabingi ang katahimikan na kahit ang mga kuliglig ay natatakot na lumikha ng ingay ngunit ang mas higit na nakaagaw ng pansin ko ay ang unti-unting paglitaw ng bakas ng buwan sa kalangitan.Wala sa sariling tumayo ako habang nakatuon sa itaas ang aking mga mata.
" Siom " tawag ko sa pangalan ng aking kasama.Hindi pa man ito nakakabawi ay kaagad din itong tumayo.
" ang buwan " wala sa sarili kong usal.
" nalalapit na ang pagsikat ng buwan,kailangan na nating magmadali " seryosong asik nito at kaagad na pumasok sa bulwagan ng kanilang palasyo samantalang nanatili pa rin akong nakatayo habang nabibighani sa kagandahan ng hindi pa lubusang pagsikat ng buwan sa kalangitan.
Hindi ako magtataka kung bakit nais itong kainin ng Bakunawa sapagkat tunay ngang kabigha-bighani ito.
" Niean! " tawag sa akin ni Siom na siyang dahilan upang bumalik ako sa sariling ulirat.Kaagad akong lumapit sa kaniya kung saan nasa kamay nito ang gintong tambol.Tunay ngang wala na itong kapangyarihan dahil wala na itong inilalabas na gintong kinang.
" tayo na! " aya ko sa kaniya bago pumasok sa lagusang aking mabilisang nilikha.
*****
Dinala kami ng lagusan sa Gitnang Lungsod kung saan naabutan namin ang pagtitipon ng mga makikilahok sa pakikipaglaban sa Bakunawa at sa kay Bor.Agad na lumapit sa amin ang dalawang pinuno matapos naming lumabas ng lagusan.
" bakit ngayon lang kayo? " naiinis na bungad sa amin ni Bamu.
" mahabang kuwento " tanging sagot ni Siom bago inikot ang paningin sa paligid.
" nailikas na namin ang mga tao sa likod ng Bundok Ampo subalit hindi nangangahulugang ligtas na sila sapagkat hindi natin alam kung ano ang magiging dulot na pinsala ng Bakunawa sa sansinukob " pahayag ni Plamo.
" nasaan ang mga gintong instrumento? " tanong ko rito.Agad namang itinuro sa akin ni Plamo ang kinaroroonan ng tatlong gintong instrumento kasama na ang plawtang inihatid ng natitirang kasamahan sa templo.Lumapit ako rito at nagbigkas ng orasyon.
" anong ginawa mo? " tanong ni Bamu.
" binigyan ko lamang sila ng basbas " sagot ko.Hindi ko alam kung sapat na ang tatlong instrumento upang maitaboy ang Bakunawa.
" ang Gitnang Lungsod ay mayroong apat na dambana,nais kong ang bawat instrumento ay ilagay roon at hintayin ang hudyat kung kailan ito papatunugin " utos ko sa mga tauhan ng Apat na Lungsod.
Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin at umusal ng orasyon kung saan lumitaw ang apat na lokasyon ng nasabing dambana ng Gitnang Lungsod.Wala ng inaksayang oras ang mga tauhan ng Apat na Lungsod at kaagad na humayo.
" subalit anong nangyari sa tambol na pangangalaga ng Aman " puna ni Bamu ng mapansin ang kakaibang anyo ng tambol.
" hindi nagawang pangalagaan ng dating pinuno ang handog ni Bulan " sagot ko rito habang nakatingin sa kay Siom na bakas ang pagkabigo.Lumapit ako rito't hinarap ito.
" hindi mo kasalanan kung ganoon ang nangyari,gagawa tayo ng paraan " wika ko sa Siom.
" anong susunod nating hakbang? " tanong Plamo.

BINABASA MO ANG
Bakunawa
AléatoireNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...