Niean
Nalinis ko ang aking pangalan dahil sa tulong ng dalawang pinuno.Napag-desisyonan ng kumakatawang pinuno na huwag akong parusahan bagkus ay hinangaan nila ako dahil sa aking ginawa.Hindi ko pa nagawang magpasalamat sa dalawang pinuno dahil matapos ng pagpupulong ay kinausap ako ng kumakatawang pinuno nang pribado.Tanging kami lamang.
Kasalukuyan kaming naririto sa labas ng departamento't naghahanda sa aming paglalakbay.Sa pagkakataong ito,ako ang maghahatid sa amin patungo sa Kailaliman.Isa sa mga napag-usapan namin ng kumakatawang pinuno ay ang Lihim na Orasyon.Ito ay maihahalintulad ko sa aking orasyong gumagawa ng lagusan,subalit ang Lihim na Orasyon ay hindi ang palikha ng lagusan ang ginagawa nito,kung hindi ay mas higit pang makapangyarihan rito.
Ayon sa kumakatawang pinuno ng departamento,alam niyang wala akong sala sa umpisa palang sapagkat nagsasabi ng katotohanan ang aking mga mata.Malaki ang tiwala niya sa akin kaya ipinagkatiwala niya sa akin ang Lihim na Orasyon na tanging ang mga pinuno lamang ng departamento ang nakakaalam.
Bago ako umalis,binalaan niya akong mag-iingat sa aking mga kasamahan.Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon subalit itinatak ko pa rin iyon sa aking isipan.
" tutunganga na lamang ba tayo rito? " bumalik ako sa sariling ulirat nang magsalita si Bamu na bakas ang pagka-inis sa kaniyang mukha.Hindi ko lubos maisip na higit na mas masama ang ugali nito kumpara sa kay Siom na inakala kong higit pa sa demonyo ang pag-uugali.
" kung hindi ka na makapaghintay bukas naman ang tarangkahan at simulan mo nang maglakad " sarkastiko kong sagot dito.Pinaningkitan lang ako nito ng kaniyang mga mata.
" may hinihintay pa ba tayo? " may bahid ng pagkairitang tanong ni Siom.
Mas higit na makapangyarihan ang Lihim na Orasyon kapag nasa gitna na ng kalangitan ang araw.Mas madaling maililipat ng liwanag ang katawan at espiritu ng isang nilalang patungo sa tiyak na lugar.Pinagmasdan ko ang kalangitan,malapit ng tumigil ang araw sa gitna.
" lumapit kayo " utos ko sa mga ito.
" at sino ka para utusan kaming lumapit sa iyo? " pagtataray ni Bamu.Hindi na lamang ako nagsalita pa bagkus ay ginamitan ko na lamang ito ng puwersa upang makalapit sa amin.
" lapastangan! " aniya at akmang ihahagis sa akin ang kaniyang mga punyal subalit kaagad itong pinigilan ni Siom.
" hindi ito ang panahon upang mag-away! " bulyaw nito.Unti-unting binaba ni Bamu ang kaniyang sandata habang nakaguhit ang panggigigil sa kaniyang mga mata.
Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin at sinimulang bigkasin ang nilalaman ng Lihim na Orasyon.Kasabay ng pagtigil ng araw sa gitna ng kalangitan,ang siya namang pagbalot sa amin ng gintong liwanag.Isang tanda na matagumpay ang aking isinagawang orasyon.Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman na namin ang tila malakas na puwersa sa aming sistema hanggang sa mangyari na nga ang inaasahan.
*****
Sa isang hindi pamilyar na lugar kami dinala ng kapangyarihan ng Lihim na Orasyon.Walang buhay ang paligid,walang kahit anong puno o damu ang nabubuhay sa lugar na ito.Ang sikat ng araw ay hindi tumatagos sa mga nagtataasang mga malalaking tipak ng lupa.Ito na marahil ang tinatawag nilang Kailaliman.
" maligayang pagdating sa Kailaliman " kaswal kong sabi sa mga ito.Batid kong naninibago rin sila sa mga nakikita sa paligid sapagkat katulad ko ay batid kong ito rin ang una nilang pagkakataon na makarating dito.
Sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa habang inililibot ang paningin sa paligid.Walang pagkamangha akong nararamdaman para sa lugar bagkus ay katanungan.
BINABASA MO ANG
Bakunawa
DiversosNilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang karimlan ng gabi sa mundo ng mga tao. Subalit,isang pangyayari ang gumimbal sa santinakpan,isang da...