Kabanata 16

65 15 0
                                    

Niean

   Sa pagkakataong ito gustong-gusto kong igalaw ang aking katawan upang pigilan si Kol sa kaniyang binabalak.Hindi maaari,ayokong gawin niya ang bagay na iyon para sa akin.

" Kol! " gustong kong sumigaw ng malakas upang bumalik ito sa sariling pag-iisip subalit nawawalan na ng boses ang aking lalamunan sanhi ng mabilis na pagkalat ng kapangyarihan ni Bor sa aking katawan.

" masaya akong matulungan ka ginoo,Niean " nakangiti nitong usal habang unti-unting umaalis sa katawan nito ang kaniyang butil na enerhiya.

" hanggang sa muli ginoo " paalam nito bago tuluyang maglaho ang kaniyang imahe sa hangin.Naramdaman ko ang sunod-sunod na pag-agos ng aking mga luha habang nakatingin sa wala nang bakas na imahe ni Kol.

Lumabas ng nakakasilaw na liwanag ang naiwang bahagi ng katauhan ni Kol habang dahan-dahan itong papalapit sa bahagi ng aking katawan na lubos na napinsala ng mahika ni Bor.Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdaloy ng kapangyarihan patungo sa aking katawan.At sa pagkakataong ito ay isang malakas na hiyaw ang kumawala sa aking bibig bilang tanda ng hindi matatawarang sakit na nararamdaman ko sa loob ng aking katawan.Pakiramdam ko'y naglalaban ang dalawang pwersa sa loob.

Napansin kong lumapit sa akin ang dalawa ko pang natitirang Espiritu't kapwa hinawakan ang aking kamay.Unti-unti kong nararamdaman ang pagbibigay nila ng bahagi ng kanilang lakas upang malabanan ang nararamdaman sa aking katawan.

Muling pumailanlang ang malakas kong paghiyaw dahil sa tumintinding nararamdaman.Naliligo na ako sa sarili kong pawis habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng dalawa kong Espiritu.

Makalipas ang ilang sandali,isang kaginhawaan ang siyang tunay kong naramdaman.Tila ang aking katawan ay muling isinilang sa mundo.Mabagal subalit mabigat ang hiningang pinapakawalan habang nakatingin sa kalangitang punong-puno ng mga nagkikislapang bituin.

" Kol " mahinang tawag ko sa pangalan ng aking Espiritu.Isang malaking sakripisyo ang kaniyang ginawa para sa ikabubuti ko.Hindi matatawaran ang kaniyang katapangan upang ihandog ang kaniyang sarili para sa kapanakan ng iba.

Sa kabilang banda'y unti-unti ko ng nararamdaman ang aking katawan,maging ang mabilis na pagpintig ng aking puso.Dahan-dahan akong inalalayang makabangon ng natitira kong Espiritu.Si Kuan at si Damos.

" kumusta ang iyong kalagayan ginoo? " tanong ni Kuan.

" mabuti-buti na Kuan " tipid kong sagot rito bago tuluyang tumayo.

Bumungad sa akin ang pinsalang natamo ng Gitnang Lungsod mula sa pagpapatiwakal ng Bakunawa,subalit ang aking buong atensyon ay nakatuon sa kay Bor.

Hindi ko na hahayaang maulit pa ang mga nangyari.Ang isang pagkakamali ay maaari pang mapatawad subalit sa ikalawa ay wala ng lugar para sa kapatawaran.

Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin at mabilis na umusal ng orasyon na siyang aking pinag-aralan sa matagal na panahon.Lumiwanag ang buong kalangitan hanggang sa kumalat ito sa buong kabuuan ng Gitnang Lungsod.Ang aking nilikhang salamangka ay isang matibay na proteksyon laban sa Bakunawa.Hindi ito makakapasok sa loob ng lungsod kahit gamitan pa ng kapangyarihan ni Bor.Kailangan kong mailayo sa kapahamakan ang lungsod habang pinipigilan namin ang Bakunawa ngunit sa mga sandaling ito,kailangan ko munang mapigilan si Bor.

Malapit ng sumapit ang pagsapit ng buwan sa gitna ng kalangitan.Konting panahon na lamang ang natitira sa amin.Kailangan ko ng magmadali.

" walang kahinaan ang Bakunawa subalit hindi nangangahulugang hindi natin ito matatalo,ang mga instrumento ihanda! " utos ko habang nakaharap sa apat na lagusang nilikha.

BakunawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon