Napakabilis ng panahon. Parang kelan lang eh highschool palang ako, tas ngayon 2nd year – 2nd sem na agad! GRABE. Alam niyo yung feeling na yon? Imba talaga. Bilis nating tumanda, no? Hahaha.
Hi! Ako nga pala si Jessy Andrea Uy. Finance Student sa UST. Maputi, katamtaman lang 'yung tangkad, tapos medyo brown 'yung hair ko since nagsawa na ko sa black hair. Maganda daw ako, pero di ko din alam kung niloloko lang ba nila ako or totoo. Pero pag tinititigan ko 'yung sarili ko sa salamin, hmmmm.... Sige na nga, maganda na ko. Hahahaha!!
Pakilala ko din pala sainyo 'yung Kuya ko na ubooooooood ng bait at gwapo! Pangalan nya, Christian Andrew Uy. Matalino yan! CPA na nga sya ngayon eh. Certified Public ALALAY. Hahaha, keme lang. Accountant na 'yung Kuya ko. Kaga-graduate lang nung 2011. Galing din sa UST yan. AMV. Sosyal eh! Kung di nga lang dahil sa kanya, malamang di ako makaka-survive sa Acctg namin no! Hasel sa masel amp. Kainis! =))
Kasundong-kasundo ko yang kapatid ko na yan. Napaka-bihira lang namin mag-away, kaya nga super thankful daw si Mommy kasi di kami mahirap sawayin. Well, nung bata kami eh makukulit din naman kami noh. Ang ibig nya lang sabihin, nagpapasalamat sya kasi magkasundo kami at hindi nagpapatayan tulad nung iba =))
Sa sobrang mahal nga daw nya ako, eto 'yung mga nasabi ni Kuya nung one time na nagdinner kami eh,
"Mom and Dad, alam ko po na hindi imposibleng magkaroon ng manliligaw si Jes lalo na ngayon. Pero don't worry, I won't let any guy to hurt the feelings of my most favorite sister in the world! Ako na muna ang makakaharap nila bago ang parents!", sabay tingin saken, "Okay, baby girl?"
"Kuya naman eh! 17 na ako :< " ,sinabi ko habang naka-pout sa kanya. Ngumiti sya at ginulo 'yung buhok ko sabay sabing, "Kahit na. You will always and forever be my BABY SISTER!"
-----------------------------------------
AUTHOR'S POV:
Ang sweet no? Sarap magkaroon ng ganyang Kuya! Haaayyyy :) O, tara na sa Chapter 1 ! :D
BINABASA MO ANG
My Kuya's Bestfriend
FanfictionThis is a story about a girl who fell inlove with her Kuya's Bestfriend.... pero sinong Bestfriend kaya??? :) ------------- This has got to be my first ever fanfic! Super fan girl kasi ako ng UAAP hoops, kaya mas inspired akong gumawa ng story pag s...