JESSY'S POV:
HAY NAKO. Kung bakit ba naman kasi sobrang sakit sa ulo maging college student eh? Kaliwa't kanan, activities. Tapos di pa masisiyahan 'yung mga prof, magbibigay pa ng mga hinayupak na assignments!! >_< Ang nakakainis pa eh 'yung mga prof na panay pasulat lang ng pasulat 'yung ginagawa. SHEEEEET. Ayaw ko na. HUHU.
Sa tuwing naiisip ko yang mga bagay na yan, naaalala ko yung sinabi ni Kuya Cee.
"Jes, ganyan talaga sa college. Di ba, highschool ka palang, I already reminded you about all of these na? Oh, sabi mo kakayanin mo diba? Strive for the best! " ,with matching kurot pa yan sa pisngi habang pagtatawanan ako. -____- Eh oo nga naman kasi. Tingnan mo sya, CPA na ngayon. Ganda ng trabaho. Inggit ako huhuhu. Kaya dapat kayanin ko 'to!
" Hoy babae, tulala ka na naman dyan. Baka gusto mo 'kong pansinin, kasi kanina pa kita tinatawag?" , si Yannie, bestfriend ko simula first year college.
Kamot ulo sabay reply ako sa kanya ng, "Ay sorry! Eh pano mababaliw na ko. Yoko na, Yannie. Laslas na friend!!"
Inabot niya 'yung gunting na matulis sakin tapos um-acting na parang gigilitan 'yung leeg ko. "HOY HOY HOY ANO BAAA!! MAMAYA MATULAK KA NG KUNG ANO DYAN EH, MATUSOK MO PA LEEG KO!!!!" , ayan napasigaw ako kasi nagulat ako sa ginawa nung hayup. "Eh pano sabi mo, laslas na? Edi tulungan na kita! Dami mong emote eh, leche!", sabay tawa na sya ng tawa. Sabi sainyo baliw yan eh. Naku.
"Ano ba kasi yon, ba't mo ba ko tinatawag ha? ha? ha????", tanong ko sa kanya nung tapos na syang tumawa. "Nag-away kasi kami ni Raffy ng sobrang grabe. Tas ayun, nakipag-break na sya. Ano pa nga bang magagawa ko eh gusto nya yun eh. Tss", napalitan ng lungkot 'yung mukha niya. Si Raffy 'yung ex-boyfriend nya last year tapos naging sila ulit last August. Bali, mag-2 months palang sana sila ulit. Kaso, nakipag-break na eh. Well, ganyan 'yang si Yannie. Kung makikipagbreak, edi tapusin na! Walang arte-arte. Oha. Tsaka, madami na ding naging jowa yan . Ewan ko ba sa flirt na yan hahahahahah joke!
"O eh anong pakealam ko sa inyong dalawa? Di ba sabi ko naman sayo, pagdating kay Raffy, wala na kong pakealam. Pakamatay ka na. Ako nalang ba lalaslas sa wrist mo?" ,biro ko sa kanya sabay sabunot ng mahina. "Ganyan talaga pag walang mga boyfriend eh! Nako, bff, try mo na kayang mag-BF? Baka kailangan mo nadin kasi sobrang lonely na ng buhay mo hahahahahaha ! Baka mamaya tumalon ka na lang din sa taas ng Main Building ah! Wag ganon!", tukso niya saken sabay tumawa na naman ng malakas.
May narinig naman kaming isang malakas na SSSHHHHH sa kabilang ibayo ng room. Epal nun ah. Sino ba yon? .......tss, si Louie lang pala! Bestfriend din namin. Kami 'yung 3 laging magkakasama. NAKS, BFF's! Hahahah!
"Napaka-ingay. Walang konsiderasyon sa mga kaklaseng nag-aaral ng mabuti! Hay nako." ,sigaw niya habang papalapit sa amin ni Yannie.
"Bakit ba naman kasi tawa ng tawa 'tong babaeng to?" ,tanong ni Louie pagka-upo nya sa tabi ko; "Eh pano, sabi ko sa kanya mag-boyfriend na siya kasi loner sya. Eh baka tumalon sa Main bldg yan , mahirap na! HAHAHA" ,sagot naman ni Yannie.
"Ay. HAHAHAHAHAHHA. Oo nga, Jes! Tagal na din nung last bf mo ha? Magdadalawang taon na, prend. Ano, bulok na puso mo? Di marunong mag-move on? HAHAHA." , tingnan mo 'tong Louie na 'to. Leche! Bini-bring up pa 'yung samin nung ex ko. Tagal na nun eh. Malamang naka-move on na! TSSSSS.
"Abnormal! Naka-move on na ko dun no. Tsaka, dami daming lalaki dyan sa paligid eh, kayang-kaya kong ipagpalit yun! :P" ,kantyaw ko naman sa kanila. Eh kasi marami naman na talagang nakita 'yung mata ko no... I'm actually attracted to SOME people. Yes, SOME.... hahahahaha.
"Sino? 'Yung mga Tigers? Ilusyunadaaaa. Nanood lang ng Finals game, ganyan na agad? Whooo, iba na yan prend! Palibhasa medyo dumadalas na din sa bahay niyo e no? HAHAHA." ,panloloko ni Louie saken. Tinutukoy nya dun e si Jeric Fortuna. OO. Si JERIC MARCO G. FORTUNA . Madalas sa bahay namin. Mainggit kayo! HAHAHA.
"Hoy admiration lang naman 'yun kay Je!" ,pagdedeny ko naman. "WHAW, bff! Jume- "JE" ka na din kay Fortuna ha! Hashtag : Dyan nagsisimula yan !!! HAHAHA" ,ani naman ni Yannie.
EH KINILIG AKO. O M G . Does this mean.............. NOOOO!! It can't beeeee.
--------------------------------------
AUTHOR'S POV:
Could this be a start of something confusing for Jessy? Hmmm. :) Alamin din natin kung ba't napapadalas si Forts sa bahay nila sa next chapter!! :D
BINABASA MO ANG
My Kuya's Bestfriend
FanfictionThis is a story about a girl who fell inlove with her Kuya's Bestfriend.... pero sinong Bestfriend kaya??? :) ------------- This has got to be my first ever fanfic! Super fan girl kasi ako ng UAAP hoops, kaya mas inspired akong gumawa ng story pag s...