Chapter 2: My Heart has a mind of it's own

2.6K 28 0
                                    

Jessy's POV:

*Lipat channel*

*Lipat na naman*

*Sige pa.*

*Lipat sa Disney Channel... Oggy and the Cockroaches. HAY. Lipat*

*GMA 7, twoinks ang pangit ng palabas T_T*

*MTV, eeeehhh Kpop. Di ako mahilig dyan eh!*

*Studio 23*

Hay, sa wakas. May mapapanood na din! Sobrang boring talaga ngayong araw na 'to. Buti na lang replay nung UAAP Finals Game 2 'tong palabas dito sa Studio 23. Ewan ko ba kung bakit nahilig na naman ako sa Basketball games eh. Lalo ngayong season na 'to. Wala akong namissed na game ngayong season. Kahit na di ko sinusuportahan yung ibang team eh nawiwili pa din akong manood. Hahahaha. Impluwensya na din siguro ng mga kaibigan, tsaka ni Kuya at Daddy. Eh kapag weekends, puro Basketball pinapanood dito sa bahay no! Walang kasawaan!

4th Quarter na. Eto na naman 'yung heartbreaking loss ng UST against ADMU. Mapapanood ko na naman. Oy ah, iba talaga 'yung feeling lalo na kapag nanonood ka ng live. Eh kasama ko si Kuya nun manood ng dalawang Finals game. Bonggang-bonggang cheer talaga ako ng "GO USTE!" nung mga panahong yon! As in, halos mawalan na ko ng boses sa tuwing makaka-score yung team namin. hahahaha! Tapos, natalo din. SAKIT, BRO </3 =))

Pano kami nakanood ng live? Well, malapit na kaibigan kasi ni Kuya si Jeric Fortuna. "Je" for short. Yun na rin kasi nakasanayang tawag namin sakanya eh. Binigyan nya kami ng tickets for the Finals game. Napakabait nyang tao. Tsaka cute.....este, gwapo pala. Lalo pag ngumingiti. HIHI. No wonder madaming nalolokang girls dito kay Je. Magaling siyang maglaro kaya! Nakakainlove! :">

AY WAIT. BAKIT KO NASASABI TO. Hellooooo, Jessy?! Nakikifangirl na din? =)) Eh ewan ko ba! Basta ako, kaibigan lang ako ni Je. No more, no less. Twoinks. Naaalala ko na naman yung moments nung Game 2...

*flashback*

"OH MY GOSH, KUYAAAAA!!! MATATALO TAYO! OMG OMG OMG!" ,sinisigaw ko kay Kuya habang hinahampas at binabalibag ko yung braso nya. "ANO BA NAMAN YAN!!! C'MON TIGERS! YOU CAN DO IT!! LET'S BRING BACK THE CROWN TO ESPAÑA!!! GO USTE!!" ,sigaw ko habang si Kuya naman wala pading imik. Parehas na kaming kinakabahan sa magiging resulta. Last na 'to eh. Do or die! :(

Hanggang sa.....

*BEEP*

Tapos na yung laro. Wala na. Panalo na sila. 5 Peat Champions: the Ateneo Blue Eagles. Hayyy. Nakakaiyak yon. Kitang-kita mo sa players ng USTe na sobrang lungkot nila. Si Coach Pido din, napakalungkot. :( Hawa-hawa na ng emosyon. Naluluha na nga ako eh. Luh, bakit kaya?

"HUY. Bakit ka naiiyak? Hahahaha! Eto naman eh. Sige ka, makita ka ng players nyan! :P" ,biro sakin ni Kuya nung nakita nyang natahimik na ako.

"Kasi naman eh! :( Last na UAAP game na nya 'to, Kuya. Wala nang next year!! :( I feel so bad for him :( I know how much he wanted to give his team a championship before he graduates. Awww. Look at him," sagot ko kay Kuya sabay tingin kay Je. Ang lungkot nya. Di ko maiwasang di mahawa sa emosyon nya. Ano ba 'to. Super attached naman ata ako sa kanya? Well, siguro naman hindi lang ako yung nakakaramdam nung saket na 'to no. Kaya feeling ko normal lang din sa isang babaeng Tomasino to...at least. HAHA!

"Ikaw Baby girl ha. Masyado kang concerned kay Jeric. Hmmmm" pinisil nya yung pisngi ko sabay ngumiti ng parang nakakaloko. Eto talagang kapatid ko oh! "Kuya naman eh!" ,sagot ko sa kanya sabay pout.

Kuya Christian's POV (still in the flashback):

Eto talagang kapatid ko. Ang ingay ingay. Sobrang suportive sa Basketball team namin! Ay mali. Sobrang suportive kay Fort. Hahahaha! Parang naka-glue na yung mata nya kay Je tuwing ipapasok sa court eh. Bawat galaw ata, makikita at mapapansin nya. Hilig hilig pa kasing mag-deny eh, alam ko naman na. Hahaha!

"ANO BA NAMAN YAN!!! C'MON TIGERS! YOU CAN DO IT!! LET'S BRING BACK THE CROWN TO ESPAÑA!!! GO USTE!!" ,sigaw ni Jes habang tahimik lang ako. Kinakabahan na din ako eh. Pag nga nman kasi natalo pa 'yung team namin, wala na. Di na makakabawi. 5 peat na. Lugi! Lagi na lang kanila! Kainis. >_<

Hanggang sa mag-time na. Wala na talagaaaa. Talo na kaming mga Tigre. Nalipad na naman ng mataas ang mga Agila. Maasar at ma-greet nga si Kiefer mamaya sa text! Papalibre ako. Hahaha! Teka nga, bakit natahimik 'tong kapatid ko? Ay ay ay ay? Naluluha? HAHA. Wow Jes ha. Ang drama mo.

"HUY. Bakit ka naiiyak? Hahahaha! Eto naman eh. Sige ka, makita ka ng players nyan! :P" ,tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong matawa. Ang cute nya kasi. Batang-bata umasta. Baby pa talaga! Hahah.

"Kasi naman eh! :( Last na UAAP game na nya 'to, Kuya. Wala nang next year!! :( I feel so bad for him :( I know how much he wanted to give his team a championship before he graduates. Awww. Look at him," ang daming sinabi. Puro tungkol lang naman kay Je. Alangan namang si Melo ang tinutukoy nya sa graduating no. Eh kay Fort sya nakatingin. UYYYY! Ang kapatid ko inlaaaab! =))

"Ikaw Baby girl ha. Masyado kang concerned kay Jeric. Hmmmm" pinisil ko yung pisngi nya tapos ngumiti ako na parang nang-aasar. "Kuya naman eh!" ,sagot naman nya habang naka-pout.

Ginulo ko yung buhok nya tapos niyaya ko na syang pumunta sa may courtside, "Tara, Jes. Baba tayo dun. Lapitan natin sila Je." , tumango sya tapos naglakad na kami pababa.

Nakita kong parang nag-light up 'yung face ng kapatid ko. Nabanggit lang si Jeric, nangiti na? Hoy ahhh! =)))

----------------------------------

AUTHOR'S POV:

Ayun oh! Hahaha. Bakit kaya pati ako nae-excite sa takbo ng story ko? Kainis =)) I'll update as many chapters as I can before the year ends. Salamat po sa votes and comments! Love you all and keep on reading, fellaz!!! <3

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon