Chapter 3: To confess or not to confess?

2.2K 20 0
                                    

JESSY'S POV:

Sa tuwing naaalala ko 'yung mga naganap nung Game 2, sumasaya ako. Di ko alam kung bakit masaya pa ko eh talo na nga kami. Baka nahawa na ko kay Yannie? Di kaya baliw na din ako? omg hahaha. Pero bakit nga kaya??? 

"Hi, Jessy!" ,bati ng isang lalaki sakin, "kamusta? Tagal na din kitang di nakikita ah!" Hindi ko maaninag 'yung mukha nya kasi against the light sya. Ang labo. Nasisilaw ako. Bwiset na ilaw yan oh! 

"Hello. Okay lang naman ako. Same old, same old." ,sagot ko sa kanya. Biglang inilapit niya 'yung mukha niya sa mukha ko, akmang hahalikan ako... HALA, SINO BA TO? 

"Alam mo, sobrang close to perfection mo na. Siguro kung girlfriend kita, hinding-hindi na kita papakawalan. Mamahalin kita at ipaparamdam ko sayo yun kada segundo. Promise yan." ,ramdam ko yung paghinga nya habang sinasabi nya yan saken in a voice that seemed to be the sweetest one I've ever heard in my life. Kinikilig ako. Napakalakas ng tibok ng puso ko, and there's an urge for me to kiss him first. Eh pero bakit ko ba hahalikan 'tong taong ni hindi ko nga kilala?

Biglang nawala 'yung ilaw sa likod nya. Lumiwanag 'yung paligid. Nakita ko na din finally 'yung mukha nya.

O.

M.

G.

Si Jeric Fortuna! Si Jeric 'yung nagsasalita sa harap ko? Oh my gosh. Bakit nya sinasabi 'to? I can't believe it! "J - j - Jeric??" ,tanong ko sa kanya. "Jessy, mahal mo ba ako?" ,bigla nyang hinawakan yung mukha ko at naghihintay siya ng sagot.

"Oo, Jeric. Mahal kita. Pero di ko lang talaga kayang sabihin sayo." ,pagkasabi ko nun ay biglang may narinig na lang akong sumisigaw ng pangalan ko...buong pangalan ko. Paulit-ulit.

"JESSY ANDREA UY. JESSYYY!! JEEEESSS!! HUY! ANU BA! ANAK! ANDREA! JESAY!" ,nagising ako sa sigaw na yun. YARE! SI MOMMY PALA 'TO! "Mommy?!? Anong ginagawa mo dito? Tsaka asan si Je?" ,tanong ko agad sa kanya.

"Anong ginagawa ko dito, eh sala to! Nakatulog ka na naman ng bukas yung TV! At bakit mo hinahanap si Jeric? Andito ba siya kanina?" ,sermon sakin ni Mommy.

LUUUUHHHH GRABEEEE. NANAGINIP AKO!!! AT SI JERIC ANG NAPANAGINIPAN KO. Ano na bang nangyayare saken? Nasabi ko pang mahal ko sya sa panaginip ko. HALAAAAA SHET ANO BA TO. HELP!!! "Wala mommy. Baka tumawag lang, di ko maalala eh. Sige po aakyat na muna ko sa kwarto ko.." ,nagpapanic kong sagot kay mommy. Umakyat na ko agad sa kwarto ko. I locked the door and opened my laptop. I'm trying my very best to forget my dream, but I'm not doing fine. Puro sya nasa isip ko, all of a sudden! O________O

Jessy, in love ka ba talaga kay Jeric? :O

JERIC'S POV:

Whoo. Katatapos lang ng training. PCCL games naman ang pinagkakaabalahan namin ngayon. Pero, madami na ding time para magrelax ng kaunti kesa nung UAAP days. Mamimiss ko ang UAAP. Lalo na yung team ko at 'yung mga walang sawang sumusuporta samin every game. Pero pinakamamimiss ko talaga eh syempre, UST itself. Walang ibang makakapantay sa UST for me. It wasn't my dream school for college but I never regretted na pumasok ako dito. The university is my second home. One of the bests talaga! :)

Tsaka, sa UST ko lang din nahanap 'yung taong alam ko na makakapagpasaya sakin. Well uhm, di pa ko ganun ka-sure, pero nafi-feel ko na siya na talaga yun eh. Si Jessy, 'yung kapatid ni Cee. Ang ganda nya kasi. Ewan ko pero there's something about her na special to me. I still don't know, but I'm trying to figure it out. I really like her. Matagal-tagal ko na din naman syang napapansin since I'm friends with her brother and her, as well. Simple lang kasi yun eh. Kapag pumupunta ako sa bahay nila to chill out with her bro, cool lang sya. Di nagme-make up yan. Wala syang pakealam kung mapangitan daw ang ibang tao sa kanya, basta sya, comfortable sa ginagawa nya. 

Tsaka pra syang bata pag nag uusap sila ng Kuya Cee nya. Ang cute nya mag-pout, mamakaawa, at magtampo. :"> Mabait pa. Close to perfection, ika nga. Paano ko nga ba maaamin sa'yo 'to? Inaalala ko din kasi si Cee, syempre kpatid nya yun e. Sabi nya nga dati, sya ang kikilatis sa lhat ng lalaking darating sa buhay ng pinakamamahal nyang kapatid. Haha. Ganyan din ako kay Sam, yung kapatid kong bunso, kaya alam ko ang feeling. Kahit na ilang taon pa lang si Sam. Hahahaha! Haaayyy, Jessy. Tinamaan na ata ako :)

-----------------------

AUTHOR'S POV:

Sorry na kung ngayon lang nakapag updateeee! Sobrang pangit ng connection :( Salamat sa patuloy na pagbabasa, friends! Vote and comment din ha! <3

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon