Chapter 25: Are promises meant to be broken?

1.1K 14 1
                                    

JERIC'S POV:

Pangalawang araw na 'to simula nung nangyare 'yung aksidenteng 'yon sa party. Di ko kaya na di ako kinakausap ni Jessy. Absent sya kahapon kaya di ko mahagilap sa school. Ayaw nya sagutin mga tawag ko, or text, or email, or tweet. Wala talaga. Pinuntahan ko sya kinagabihan nung party pero pinauwi ako ni Tita. Wag na raw akong babalik dun. Ang sakit pala no? Kahit ako na mismo yung may kasalanan, ramdam ko din naman ung sakit eh. Sana di ko na "chinallenge" si Clauds na patunayan sakin na di sya lasing. Badtrip talaga!

Di ko din magawang magalit kay Aljon, lalo na't napag-usapan naman na namin 'to. Sabi nya pa nga, sya na lang daw magpapaliwanag kay Jessy eh. Pero di ako pumayag para di na din lumaki yung problema. Aayusin ko 'to. Ayusin natin to, Jessy. :(

 Nagyaya sila Tata na sa Mcdo na lang muna mag-lunch kasi madami pa daw syang kailangan na gawing paperworks. Ang sipag, no? Kunwari lang yang mokong na yan haha! Papunta na kami dun galing QPav, pero medyo natagalan kami sa may bandang Greenwich. May mga nagpa-picture pa kasi, eh. Mahirap kaya ngumiti pero tinago ko ung lungkot ko na yon para mapasaya silang mga walang sawang sumusuporta samin. Yun na lang muna ang kaya kong ibigay sa kanila in return :)

Habang nagpi-picture-picture kami dun, napalingon ako sa left ko then nakita ko si Jessy na nakatingin sa direksyon namin. Di ako pwedeng magkamali no. Tsaka kasama nya si Yannie at Louie kaya alam kong sya talaga yon. Tinawag ko sya pero tumalikod sya agad at di na lumingon, then patuloy sa paglalakad. Hinarang ako nung dalawa nyang bestfriends. Pinakiusapan ko sila , tapos nagulat ako sa sinabi ni Yannie,

"Sige na, Forts. Go ahead. Alam ko naman yung story behind you and Clauds, eh. Alam mo naman si Kai." hayy, salamat at may nakaintindi rin sakin. Tapos, ayun nilapitan ko si Jessy at inaya ko sya sa QPav para dun mag-usap. Walang masyadong tao, kaya maiiwasan namin yung intriga kahit papano.

"Kuya, pasok na kami ah." sabi ko kay Kuya Guard.

"Sige, papi! Mukhang malungkot kayo ha" 

"Medyo, hehe. Sige po, Kuya, salamat." tapos nun ay pumasok na kami.

Ayaw tumingin sakin ni Jessy. Alam kong ayaw nya kong makita, o marinig,o makasama. Pero thankful ako kasi pumayag syang pumunta dito with me. 

"Jes, sorry. Sobrang sorry talaga. Let me explain, please? Open your mind. Please" sabi ko habang hawak ko ung dalawang kamay nya. Sa lapag sya nakatingin. Minsan sa kaliwa, minsan sa kanan, pero never sa mukha ko.

"Ano na naman bang kasinungalingan to, Jeric?" i can feel the anger through her voice...

In-explain ko sa kanya yung pustahan moments nila Aljon at Claudine. Feeling ko nga galit din sya kay Kaye kasi alam nya yung mga nangyare tapos nagsinungaling pa sa knila nung nag-meet sila. Pero sabi ko, wag syang magalit. Kasalanan ko din eh. Msyado akong sunud-sunuran sa mga kalokohan ni Aljon.

"Sobrang tanga ko, Jessy. Sobra sobra. I promised you na di kita sasaktan, pero ano tong ginawa ko? Ang sama kong tao. Pati kay Kuya Cee may kasalanan na din ako kasi sinaktan kita. Ayokong mawala ka sa akin, Jes. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal." pinisil ko yung mga kamay nya tapos napansin kong tumutulo na pala ung luha sa mga mata nya

"Yan. Yan yung problema ko, Jeric, eh. You told me before that you love me. Sabi mo handa kang maghintay ng kahit ilang dekada pa hanggang sa makaya ko nang sabihin sayo yung three words na yun. Sabi mo, you're very much dedicated to win my heart. PERO, JERIC, ANO 'TO? NAGMUKHA AKONG GAGO KASI EH." sinasabi nya yon habang umiiyak sya ng sobra. It made my heart melt. Di ko kayang makita na umiiyak sya dahil sakin. Jeric, ang inutil mo!!!! 

"You know what?? I can still remember each and every word that you've said to me. Especially the ones that you PROMISED to me. Di ko kayang kalimutan yon. Alam mo ba kung ano gumugulo sa isip ko kaya di ko masabi sayo ung 3 words na yon ha?!" nakatingin sya ng deretcho sakin. Umiling ako, kasi di ko talaga alam...

"COMMITMENT, JERIC!!!! COMMITMENT AND PROOF!!! DI MO KAYANG IPARAMDAM SAKIN! LAGI AKONG NAGDUDUDA KASI DI KO ALAM KUNG PINAGLALARUAN MO KO, TAPOS MALALAMAN KO NAKIPAGHALIKAN KA SA CLAUDINE NA YAN! " sumisigaw sya. Dun ko lang narealize na inuna ko pa talagang maging TANGA at WALANG KWENTA kaysa iparamdam sa kanya yung pagmamahal ko. Akala ko kasi enough na ung pag-express ko, pero di pala.

Niyakap ko sya at hinayaan ko syang umiyak. "Jessy, alam ko di mo maiiwasang magduda pero i swear, wala akong gusto kay Claudine! Muntik ko na syang matulak sa may pool nung ginawa nya yun sakin. Ako yung gago, jes. Ako yun. I'm so sorry kung di ko pinaramdam sayo. Sorry kasi hanggang ngayon tinatago pa kita. Sorry kasi ang tagal ko bago manligaw sayo. I want everything to be special and i want you to know na noon palang eh plano ko nang manligaw at hindi kita liligawan ng dahil lang dito sa usapan na 'to. Papatunayan ko sayo na kaya kong maghintay ng kahit gano katagal man yan. AYOKONG MAWALA KA SAKIN, JESSY. Di ko kaya. Mahal na mahal kita."

JERIC TENG'S POV:

Wow, ang ingay. Sino ba yung nagsisigawan dito sa QPav?

...

...

...

Ooops. Si Captain pala tsaka si Jessy.

Andun sa labas 'yung Lover's Lane ah. Nalipat na ba dito???

Okay, corny. Sorry ah.

Alam ko mali na makinig ako sa usapan nila pero anong gagawin ko eh kailangan kong magpunta dito. -_- Pero ang corny din nilang dalawa ah. Haha joke. :P Sweet ba yan? Okay, edi sweet haha. Nako, kung ako si Forts, yang mga katulad ni Jessy, di dapat sinasaktan yan eh. Opinyon ko lang ah. Kasi naman mabait sya, tapos maganda, matalino at marunong umintindi. Laking sayang lang talaga ni Jessy kung papakawalan nya. Madami pa naman sigurong nag-aabang dyan, tsk tsk.

--------------------------------------------------

A/N:

Hahahaha, ayan nasingit pa si Teng! Sobrang drama kasi nung naisulat ko kaya kailangan may ice breaker kahit papano :P Oh, how i wish that was meee :(( HAHA!!

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon