3

2.5K 106 13
                                    

3

Pumasok siya sa loob ng banyo at kinandado iyon. Akala mo ay may tinataguan si Mirkka dahil patingin-tingin pa siya sa paligid ng kanyang banyo, kahit pa siya lang naman talaga ang nandoon ngayon.

Umupo kaagad siya sa nakatakip na toilet seat at nilabas mula sa kanyang jacket ang kabibili lang na sigarilyo. Yes, after all that happened last night, it did not stop her to smoke. She's still in distress and frustration, hindi siya kumakalma kung hindi siya makakahithit ng sigarilyo, the chewing gum that Franz gave last night did not help her at all.

"He'll never know." She muttered then put the cigarette stick in between her lips and lighted it up.

Napapikit siya nang simulan niyang hithitin ang sigarilyo at naghatid ng pansamantalang pagpapakalma ang usok.

Mapakla siyang tumawa at napailing, "I'm so pathetic." Sinandal niya ang likuran, bahagyang tumingala at nagpatuloy sa paninigarilyo.

Nang maupos ang isa ay muli siyang kumuha sa pakete ng isang stick pero nahulog niya iyon dahil sa pagtunog ng kanyang doorbell.

"Ugh!" Inis na tinago niya ang isang pack ng sigarilyo at lighter sa isang storage na nakadikit sa pader at dali-daling lumabas ng banyo.

Inayos niya muna ang sarili bago nilapitan ang pintuan para buksan iyon. Tumambad sa kanya ang nakangising si Franz.

"Bakit?" Mataray na tanong ni Mirkka.

Nilahad ni Franz ang kanyang kamay, "Creamer, please."

Marahas na bumuga ng hangin si Mirkka, "Wala ka bang pambili?"

"Meron naman." Nakangising sagot ni Franz at lumapit pa pero bahagyang sinara ni Mirkka ang pintuan.

"Stay there." Akmang isasara na niya nang tuluyan ang pintuan nang walang hirap na pinigilan iyon ni Franz. "Lefranz! Bibigyan kita ng creamer, you can just wait here."

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Franz, "May lalaki ka ba diyan sa loob?"

Nanlaki ang mga mata ni Mirkka, "What? Hindi ako kagaya mong palikero."

Humalakhak si Franz at pinagpilitan ang sarili. Walang nagawa si Mirkka at nakapasok na nga sa loob ang lalaki at sinara ang pintuan.

"Siguraduhin mo lang huh?"

Nameywang naman si Mirkka, "Why? Kung meron man akong nakahook up, it's none of your business!"

Hindi porket hinayaan niyang mahalikan siya ng lalaking 'to ng ilang beses kagabi ay mananakal na siya o pakikialaman niya ang buhay niya.

Bumaba ang mga kamay niyang nakapameywang dahil sa mabagal na paglapit ni Franz sa kanya hanggang sa halos tumingala na si Mirkka para lang di maputol ang titig nila.

Nanghahamon ang mga titig ni Mirkka habang si Franz ay seryoso lang ang hitsura. Walang tulak-kabigin, pinagpala ng Diyos si Franz nang kabigha-bighaning mukha at pangangatawan. Naiintindihan ni Mirkka kung bakit madaling matukso ang mga kababaihan sa kagaya ni Franz Williams.

Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Franz pero may kung anong dilim ang ekspresyon ng kanyang mga mata.

"You bad girl." Mahinang sambit ni Franz at walang sabi-sabing kinabig ang baywang niya at hinila ang kanyang batok para siilin siya ng halik.

Mukhang alam ni Franz ang gagawing pagtulak ni Mirkka kaya madali niyang pinaikot ang mga matitipuno niyang braso sa kanyang katawan at kinulong siya at sinakop pa lalo ang kanyang mga labi.

"Mmm." Nagpupumiglas si Mirkka dahil nauubusan na siya ng hangin. Dahil sa kagustuhang makalaya sa bisig at labi ay hindi alam ni Mirkka kung bakit kinagat niya ang ibabang labi ni Franz sanhi para magkahiwalay sila pansamantala.

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon