4

2.3K 104 5
                                    

4

Hawak-hawak niya ang isang maliit na envelope, lalong kinakabahan si Mirkka kapag naririnig niya ang paghiyawan ng mga kaklase niya kapag pabor sa kanila ang nabunot.

"Mirkka?" Umakbay sa kanya si Gianna. "You haven't opened it yet, amica?"

Lumabi si Mirkka at tumawa naman si Gianna, "I'm scared."

Hinawakan siya sa magkabilaang balikat ni Gianna, "You could do this, amica! Go on, open it."

Malalim na huminga si Mirkka atsaka binuksan ang maliit na envelope, nanginginig pa niyang inilabas ang kapirasong papel na nasa loob niyon.

Ngumawa naman si Mirkka nang mabasa ang laman. "Oh God, I think I just got the hardest theme!"

"What?" Kinuha ni Gianna ang papel at binasa. "Neon and denim photography."

Tinignan niya ang reaksyon ni Gianna at lalong nastress si Mirkka, "Look at your reaction, Gianna! I'm so doomed."

"Hey, hey." Pinakalma naman siya ni Gianna. "You could do this. We have one month anyway to prepare. I'm willing to help you too."

Napahilot sa kanyang noo si Mirkka dahil mukhang mahihirapan siya sa ipapasa niyang mood board at portfolio.

Hanggang sa dismissal nila ay hindi maalis ang panunulis ng nguso ni Mirkka. Planado pa naman niya yung ipapasa niyang portfolio pero biglang may twist ang kanilang professor kaya naman parang gumuho ang mundo niya nang malaman ang magiging theme niya.

"He's so hot!"

"I know, I've never seen a man getting hotter while leaning on an old Mustang."

Nadidinig ni Mirkka ang pagsasalita ng lengguaheng hindi niya maintindihan, sumasabay pa roon ang tila maharot na hagikgik ng mga kababaihang nadaanan.

Tumingala siya atsaka marahas na napabuntong-hininga, "Dear Lord! Why me?"

Ang asul na kalangitan ay nawala sa paningin niya dahil sa mga palad na tumakip sa kanyang mga mata. "What the—" Marahas niyang tinanggal ang mga kamay na iyon at pumihit paharap. "Franz?!"

Ngumisi naman si Franz, "Anong iniisip mo? Hindi mo 'ko pinansin sa labas."

"Huh?"

Napatingin siya sa direksyon kung saan siya nanggaling kanina at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang Mustang.

Lumabi naman si Franz, "So mas natutuwa kang makita yung Mustang kaysa sa akin?"

Impit na tumili si Mirkka at nilapitan ang Mustang, sumunod naman si Franz sa kanya sa pinagbuksan siya ng pintuan. "Pasok na."

Habang sinisipat niya ang sasakyan ay dinig niya ang bulungan. Doon lang niya napansing ang mga babaeng nanonood sa kanila, sa klase ng titig nila ay parang nilalait siya ng grupong iyon, sila pala yung grupong humahagikgik kanina.

Napatingin na rin si Franz sa tinitignan niya. Napaismid naman si Mirkka dahil naging malambing at mabait ang hitsura nila, ang isa ay may pakagat pa ng ibabang labi.

Franz chuckled then winked at them, causing them to giggle. Mirkka rolled her eyes, "Ugh, ang landi."

Napatingin si Franz sa kanya. "What?" Natatawang sambit ni Franz. "Sinong malandi?"

Tinuro ni Mirkka si Franz, "Ikaw? Alang-alang ako?"

Lumakas ang tawa ni Franz, "Oh sige, pumasok ka na at lalandiin pa kita."

"Lefranz!"

Franz just grinned then protected her head as she goes inside the Mustang. Napatingin pa si Mirkka sa mga babaeng nasa labas at kita nilang hindi pa rin sila matigil kakatitig kay Franz kahit pa nakasakay na siya sa loob.

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon