10

2.4K 101 6
                                    

10

Nasa loob ng elevator si Mirkka at titig na titig sa kasamang si Franz. Hindi nakatingin ang lalaki sa kanya pero marahil ay ramdam ng katabi ang paninitig dahil sa pagngisi.

"Baby, your stares might lead to something." Pilyong saad ni Franz atsaka na lumingon sa kanya.

"Sasama ka talaga? Matagal 'yun."

"Lalong mas kailangan kong sumama, you might get attack by someone again."

Ang tinutukoy ni Mirkka ay ang pangalawa at huling rehearsal niya para sa launching event ni Mrs. Garza.

"You might get bored too."

Franz chuckled and held her shoulders, "Mirkka, you're there, why would I get bored?"

"Tss. Yeah, right. Sinasabi ko na sa'yo, ang daming mga chicas doon!"

Humalakhak lang si Franz atsaka siya hinalikan sa ilong, "You're the only hot chica I am going to stare. Don't worry. I'm a changed man now."

Pinag-angatan niya ng kilay si Franz habang ngumisi lang ang lalaki atsaka na sila lumabas mula sa elevator.

Pagkalabas nila sa elevator ay nakaabang naman si Brandon. Binati kaagad ni Mirkka ang kapitbahay, "Hi Brandon! Saan ka galing?"

Ngumiti naman si Brandon, "I went to Pico's." Pinakita niya ang isang paper bag, "Tacos."

Naramdaman ni Mirkka ang pag-akbay ni Franz sa kanya, halatang nababahala na naman kapag nakakaharap nila si Brandon.

"Well, enjoy Brandon!" Winagayway pa niya ang kamay at ganun din si Brandon atsaka na pumasok sa elevator ang huli.

Pagkalabas nila ng building ay nawala ang brasong nakaakbay sa kanya. Pumunta sa tapat niya si Franz na nakahalukipkip.

"What was that?"

"Huh?" Takang sagot ni Mirkka. "Anong sinasabi mo diyan?"

Tinuro ni Franz ang labasan, "You and Brandon."

Napabuntong-hininga naman si Mirkka, "Alam mo, kababayan natin 'yun. Huwag mo nga siyang sinusungitan, wala siyang ginagawa sa'yo."

"May ginagawa siya." Diin naman ni Franz.

"Ano naman?"

"He keeps on getting your attention. Huwag mo nga masyadong nginingitian iyon, baka mamaya tamaan na nang tuluyan sa'yo. Ang hirap kayang makarecover kapag tinamaan sa'yo."

Napahalakhak na lamang si Mirkka, "Franz, wala namang agad nagkakagusto sa isang tao dahil lang sa nginingitian!"

Tinuro naman ni Franz ang sarili, "Anong nangyari sa akin kung ganun?"

Napailing na lang si Mirkka at hinila ang kamay ni Franz, "Come on, Franz. We might get late! Commute lang tayo."

Mabuti na lang at hindi na nakipagtalo pa si Franz sa kanya at tumuloy na sila sa kanilang lakad.

Pagkarating nila ay naririnig niya ang music at ang boses ni Mr. Bianchi na tila nanenermon. Napahawak tuloy siya sa braso ni Franz.

"Nakakatakot talaga si Mr. Bianchi."

Lumingon si Franz sa kanya, "Tell me if he's being so harsh to you."

"What? Franz, huwag ka ngang makipag-away." Parang nagsisisi tuloy si Mirkka na dinala niya si Franz ngayon. "Franz, please behave. Don't do anything stupid."

He locked her face using his hands, "I'm behave when they behave well too."

Magsasalita na sana si Mirkka nang marinig ang boses ni Mrs. Garza.

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon