8

2K 108 9
                                    

8

Lumabas sa kanyang flat si Mirkka atsaka nagtungo sa 312, ang tinutuluyan ni Franz. Ipapasa niya kasi ngayon ang ginawa niyang digital brand campaign.

Pinindot niya ang doorbell at naghintay ng ilang segundo at pinagbuksan siya ni Franz. Ngumiti naman si Mirkka, "Hi boss."

"Hey." Sagot naman ni Franz.

Iniabot ni Mirkka ang isang folder kay Franz, "I'm done in designing it. I need your feedback about it."

Franz nodded and took the folder, "Thank you, Mirkka. I'll review it later."

Magsasalita pa sana si Mirkka pero unti-unti nang isinara ni Franz ang kanyang pintuan. Ilang segundo pang nakatayo roon sa harapan si Mirkka hanggang sa may marinig siyang bumukas na pintuan sa may kaliwa.

Nakita niya si Brandon kaya naman lumapit siya sa lalaki para batiin. "Hi Brandon."

Napalingon sa kanya si Brandon at ngumiti, "Hi Mirkka. You don't have class today?"

Umiling si Mirkka, "I don't have." Pinasadahan niya ng tingin si Brandon, nakasuot lang ng casual na damit ang lalaki. "Wala kang pasok ngayon sa hotel?"

"It's my day-off. I'm about to go downstairs. Gusto mong sumama?" Pag-aaya ni Brandon.

Hindi alam ni Mirkka bakit napalingon pa siya sa bandang likuran kung saan siya galing kanina.

It's been days.

Ngayon lang napagtatanto ni Mirkka na parang matagal-tagal na rin niyang hindi nakakasama ang makulit niyang kapitbahay. Nagkikita at nagkakausap naman sila pero sobrang iksi lang niyon, at tungkol pa sa trabaho.

"Mirkka?"

Nabalik ang tingin niya kay Brandon. "Ahm, sige! I'll just get my wallet."

"Okay."

Pagkakuha niya sa mga gamit ay sinamahan niya si Brandon.

"I miss Filipino food." Medyo malungkot na sambit ni Brandon habang nasa may supermarket sila at namimili.

Nilingon ni Mirkka si Brandon, "Ganyan din ang nararamdaman ko nung mga unang buwan ko rito."

Bumuntong-hininga si Brandon, "Kung hindi lang maganda ang offer dito, sa Pilipinas ko talaga gustong magtrabaho."

Kinuha ni Mirkka ang isang karton ng gatas at nilagay sa kanyang basket, "Saan ka ba nagtatrabaho noon sa Pinas?"

"Sa The Muse."

"That's a great hotel. Anong problema?"

"I don't feel like growing in that hotel, hindi rin tumataas ang sahod kahit limang taon na ako sa company."

Napatango-tango naman si Mirkka, "I think you just made the right decision."

Pinakatitigan siya ni Brandon, "I need those words, malapit ko na kasing isiping nagkamali ako ng desisyong lumayo sa pamilya ko para sa trabaho."

"Come to think of it, ilang taon ka na?"

"I'm twenty-six."

"Are you married?"

Umiling si Brandon, "No. I can't marry yet, nag-aaral pa yung dalawa kong kapatid na babae."

Sumaludo naman si Mirkka kay Brandon. "Saludo ako sa lalaking kagaya mo." Tinapik-tapik niya sa balikat si Brandon. "You're doing well, Brandon. Kung sobra mong namimiss ang pagkaing Pinoy, I know a place." Malapad na ngumiti si Mirkka. "Busy ka ba pagkatapos nito?"

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon