SIMULA
"Celebrate good times, come on!"
Napailing na lamang siya habang pasayaw na naglalakad palapit sa direksyon niya ang babaeng hindi mabura ang ngisi sa labi habang kumakanta.
Humahalakhak na rin ang dalawang taong kasama niya at pinapanood ang masayahing kapatid na sa mismong harapan niya ay sumasayaw at kumakanta.
"Yahoo!" Tinaas niya pa ang mga kamay, "Celebrate good times, come on!" Hindi pa nakuntento ang kaharap at binunggo-bunggo pa ang balakang sa kanya.
"Ugh, Maddie! I get it, okay? Graduate na tayo." Nagtawanan pa ang kanyang mga magulang habang ang kapatid ay malakas na tumili at niyakap siya sa leeg.
Napangiti na lamang siya at niyakap pabalik ang kapatid na sobrang likot dahil nagtatatalon pa.
"Oh my gosh, Mirks! I can't believe this, graduate na tayo, kambal!"
Napahalakhak na rin si Mirkka at tinapik-tapik ang likuran ng kapatid, "Oh yeah, nairaos mo Mathematics in the Modern World? Hmm. I think you should give your ex the credit for your high grades in that subject."
Humiwalay kaagad si Maddie sa kanya at nakanguso, "Nagsolve din naman ako eh! Hindi naman si Marion yung bumuo ng grades ko!"
Humalakhak si Mirkka. Natatandaan pa niya iyong may pinagmamalaking manliligaw si Maddie noon, sobrang galing daw pagdating sa Math kaya naman nairaraos niya ang mga nakakadugong-utak na mga word problems. Aba! Lalong nagexcel ang kapatid niya sa Math dahil naging boyfriend niya ang genius niyang manliligaw from UP Diliman.
"Ano 'yang pinag-uusapan niyo?" Nadinig nila ang boses ng kanilang Daddy Alaine.
"Mom, Dad!" Nailihis ng kambal ang pinag-uusapan nila nang lapitan niya ang kanilang mga magulang na dumalo sa kanilang commencement exercises sa UST Grandstand.
Today is a grand day for them because they earned their bachelor's degree diploma. Pareho silang nakatapos ng kanyang kambal ng interior designing, pero balak nila ay magpursue naman ngayon ng iba pa nilang passion.
Her twin sister fancies make-up, while Mirkka is interested in dressing up, she is really into style. In fact, she and her sister are consistent in joining fashion competitions in their college days. May sinasalihan pa nga sila na competition kung saan may premyo.
"Tutuloy ka na talaga sa Milan?" Tanong ng kambal niya habang kumakain na sila ng special dinner sa isang world class restaurant ng isang hotel, sa Panorama.
Tinanguan ni Mirkka si Maddie. "Oo. Ayaw ko nang magwaste ng time. I want to start right away." Ang tinutukoy niya ay ang pag-aaral niya ng Fashion Image and Styling sa isang private school sa Milan, Italy.
"Okay, bisitahin na lang kita. Pero, magbabakasyon muna ako sis!" Eksahiradang sambit ng kambal, mabuti na lang nasa isang private dining room sila at okay lang na mag-ingay ang kambal niyang si Maddie. "I mean, duh? Four years of studying, magchill muna ako."
Umismid naman si Mirkka, "Hahanap ka lang ng boyfriend niyan eh. Balikan mo na lang kaya si Xyrus? Hindi ko pa rin alam bakit biglaan yung paghihiwalay niyo."
Sumimangot ang kambal niya, "May bago na 'yun. Huwag kang mag-alala, I have the list!"
Mirkka rolled her eyes, "Yeah right, your list of crushes. When will you have to stick to one, hmm?" Amuse din siya sa kambal niya dahil sa sobrang aware siya pagdating sa mga sikat at gwapong mga kalalakihan dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.
"Hmm, I'll only stick to one if ever there will be one man who would surpass all these boys!" May pakumpas pa ng kamay si Maddie habang nagkukuwento at asar na lamangg na kinurot niya ang ilong ng kambal.
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...