24
"The gorgeous behind the gorgeous, Mirkka Apostol. Wow!"
Natigil sa pag-inom sa kanyang hot chocolate si Mirkka nang pumasok sa may kusina ang kanyang kambal na si Maddie, nakangisi ang kapatid habang pinapakita ang nabasa sa phone.
"What?" Natatawang sambit ni Mirkka.
Lumapit si Maddie sa kanyang kinauupuan sa may kitchen counter, "When they revealed that you are Franz's fashion stylist, many people are so thankful about your existence. Tss! Plus, I'm a lot more gorgeous kaya sa'yo."
Humalakhak si Mirkka, "Parang threaten na threaten ka, Maddie."
Sumimangot si Maddie atsaka sinamahan siyang nakaupo sa may kitchen counter, malalim na bumuntong hininga si Maddie. "I still can't believe na nawala ng ganun si Kandisse."
Nawala ang tuwa sa hitsura ni Mirkka, "Right. Two months na rin." Malungkot niyang sabi at nanahimik na silang dalawang ni Maddie.
Two months ago she reconciled with Franz, yet they stayed low-keyed with their relationship. They needed to do it especially that Franz and Lindsay's collaboration are very much appreciated and idolized by a lot of people.
Mirkka does not want to ruin his career, while Franz does not want her to experience the same. Nalaman na ng mga tao na siya ang fashion stylist ni Franz dahil nailabas na ang anniversary issue ng Fashology. She even received a lot of interviews, but she decided not to attend of them.
Nabigla din si Mirkka dahil ang dami ng mga follower requests niya sa iba't iba niyang social media accounts. Everything is too overwhelming for her.
"I'm excited for your big engagement in Zurich, Mirkka!" Masiglang sambit ni Mary.
Si Mary ay siyang nagbibigay sa kanila ng mga fashion engagements, kaya naman pumunta sila sa isang coffee shop para pag-usapan ang mga panibagong gigs nila.
Dahil naipublish na rin ang anniversary issue ng Fashology, isang linggo na lamang siyang mananatili sa team nina Franz. She already sent her application and portfolio to Zurich, and she is hoping that she'll get in.
"Maddie, di kaya malungkot na naman si Mommy? I mean, parehas tayong matagal wala sa Pilipinas."
Ngumuso naman si Maddie na siyang nagmamaneho, "Right. Pero, mas maaga naman akong babalik. You're just in Zurich for three weeks or a month right?"
Tumango si Mirkka, "Pero, may mga engagements din ako pagkatapos ko sa Zurich."
Napabuntong-hininga si Maddie, "Malulungkot nga si Mommy. Nalungkot nga siya dahil sa balak kong bumili ng isang studio-type unit kapag nakapag-ipon ako."
"Hindi pwedeng naiiwan lagi si Mommy sa bahay nang mag-isa. Dad has on-going projects pa naman. I think we should do some scheduling? Para naman di siya nalulungkot."
Tumango-tango si Maddie, "Right. Let's do that." Lumingon sa may bintana si Maddie, "Dito ba kita ibababa?"
Napalingon na rin si Mirkka sa kanilang dinadaanan, "Oo. I just need to talk to Ma'am Kirstie, yung manager ni Lindsay."
Umangat ang isang kilay ni Maddie, "Yung shota-shotahan ni Franz? Bakit?"
Tumawa naman si Mirkka, "May dadaluhan kasing gala si Lindsay, Kirstie asked me to help them with Lindsay's dress on that night."
Umismid si Maddie, "At tapos? Si Franz ang date niya?"
Umiling si Mirkka, "Nope. Special guest kasi si Lindsay sa isang gala organized by a sorority. Basta."
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...