19

2K 101 11
                                    

19

Naupo siya sa isang couch sa loob ng dressing room atsaka pinanood ang performance ni Franz sa telebisyong nakadikit sa may pader.

Inanunsyo lang ang pangalan ni Franz ay naghiyawan ang mga audience, kinuhanan pa kasi sila ng cameraman kaya naman alam ni Mirkka na marami talagang taga-hanga ang isang Lefranz Royce Williams.

Mula sa madilim na stage ay nadinig ang pamilyar at nakakapanghalinang boses ni Franz. Nang umalingawngaw ang kanyang boses ay sumabay ang pag-ilaw ng spotlight sa kanyang kinatatayuan at ang makakapal na usok ay pumalibot sa stage.

Napangiti siya nang makita gaano kabagay kay Franz ang pinili niyang damit at iba pang accessories. Habang pinapanood si Franz ay di namalalayan ni Mirkka na masyado nang malalim ang paninitig niya kay Franz lalo pa at tila favorite siya masyado ng cameraman dahil talagang kinukuhanan niya ang lalaki sa magandang anggulo at napopokus lalo ang kanyang angking kakisigan.

When at the chorus part again of the song, the cameraman covered the audience and there she saw some group of girls and even boys who were holding this neon sign boards that say: FranSay

She is aware about the powerful duo of the FAME Entertainment, Franz and Lindsay equals 'FranSay'. Napailing na lamang si Mirkka nang maalala niya ang pumutok na issue na nilusob ng mga fans nina Franz and Lindsay ang isang babae na nalink kay Franz, in fact, all women who were linked with Franz experienced that.

Hindi niya nga maintindihan bakit ang dami pa ring sumusuporta kay Franz sa kabila ng pagiging babaero niya at pagpapalit-palit ng mga babae.

"Just to tell you guys and our audience here, Franz Williams is the new face of Uniqlo!" The celebrity host mentioned and the crowd applauded Franz for that.

Ngumiti naman si Franz na hindi pa rin matigil sa pagkaway sa mga fans. "Yes. I really want to invite everybody in my upcoming Uniqlo promotions."

"Are you wearing Uniqlo right now, Franz? You look dashing!"

Franz chuckled, "Yeah. Well, I would like to thank my stylist, I hope she's watching right now. She took care of my outfit for today. Hi there my favorite stylist!"

Napasinghap si Mirkka nang direktang tumingin si Franz sa camera, napokus iyon sa malaking screen kaya naman nagtilian ang mga nandoon, ultimo ang dalawang artistang nag-iinterview sa kanya ay napakilig niya dahil sa ngisi niya at titig na nakakatunaw.

Napailing si Mirkka, "Not anymore, Franz." Mariing sambit niya at inalala ang sakit na pinaranas sa kanya ni Franz noong nakaraang limang taon. "I won't let you break me again."

"Naku, I'm sure, marami ang humihiling na maging stylist o PA ni Franz Williams." Segunda ng host.

"Wait, wait, wait. FranSay fandom are also here for you Franz." The other host pointed out the fans.

Natutok ngayon sa mga taong iyon ang camera at silang lahat ay nagsisigawan.

"Only FranSay can slay! We love you Franz!" The fans chant and kept on shouting it over and over again.

The camera went back on the stage and one of the hosts spoke, "Of course! In this show, we always make sure that every fandom is spoiled. So, don't leave your screen guys because later the powerful duo will be serenading us."

Dinig ang pagsigaw ng mga fans, "FranSay! FranSay!"

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang mga commercials. Naghanda naman si Mirkka sa pagbabalik ni Franz sa kanyang change outfit at para na rin matouch up ang kanyang make-up.

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon