15 (SPG)
"Brr."
Ibinalot pa ni Mirkka lalo ang makapal-kapal na kumot sa kanyang katawan dahil sa matinding lamig na nararamdaman.
Pumikit siya nang mariin, "Ugh, saan ba niya pinaghahagis mga damit ko?"
Tanging underwear lang kasi ang kanyang suot habang nasa ibabaw ng kanyang kama pagkatapos siyang paulit-ulit na angkinin ni Franz kagabi.
Nadinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto. Inilabas niya ang ulo mula sa kumot at nakita si Franz na nakatayo ngayon sa tabi ng kama hawak-hawak ang dalawang mugs.
Umupo sa gilid ng kama si Franz at iniabot ang isang mug, "Here. I made you hot chocolate with cinnamon, just like how you want it."
Ngumuso naman si Mirkka nang makitang shirtless si Franz at tanging boxer lang ang suot, "Aren't you cold? I'm freezing here, Franz."
Humalakhak si Franz at inilapag muna sa may side table ang mug na inaabot niya kay Mirkka.
"Hmm, I'm hot baby, that's why I'm not cold." Inalalayan siya ni Franz na bumangon, "Damn, nilalamig ka nga." Naramdaman siguro ni Franz ang bahagyang panginginig ni Mirkka.
Sinamaan niya ng tingin si Franz, "Sana nagdamit muna tayo bago natulog. Baka mamaya hypothermia aabutin ko."
Nakita naman niya ang tila pagkaguilty ni Franz. "Right, I haven't thought of that." He made a deep sigh, "Damn, I'm no good for you, you think?"
Nawala ang masamang tingin ni Mirkka at lumapit kaagad kay Franz, "Ito naman, ganun kaagad? Niloloko ka lang eh."
Walang anu-ano ay inalis niya ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan, nakita niya ang pag-awang ng bibig ni Franz. "Di ako nilalamig! Joke lang 'yun."
Pinakatitigan siya ni Franz hanggang sa ngumiti ang lalaki at niyakap siya nang mahigpit, "Ikaw, bakit mo ginawa 'yun, hmm? Gusto mo yatang umipisahan kita, Mirkka."
Mukhang nawala ang lamig na nararamdaman niya dahil sa uminit ang pisngi at pakiramdam niya sa tinuran ni Franz.
Naramdaman niya ang paghalik sa kanyang buhok ni Franz, "Ikukuha muna kita ng damit." Bulong niya at muling ibinalot ang makapal na kumot sa kanyang katawan.
It's December already thus the temperature in Milan is dropping. In fact, it has been forecasted that it will snow in some areas of Italy.
May klase pa si Mirkka ngunit iyon na ang huli, pagkatapos ay holiday break na. Naipaalam na rin niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas na hindi siya makakauwi sa Pasko, katakot-takot na paliwanag ang kanyang binigay, mabuti na lang at suportado siya ng kambal niyang si Maddie.
"Kainggit naman! Dadaan na naman ang Pasko na wala akong jowa." Pagngangawa ng kanyang kambal na kausap niya sa phone, habang nasa isang coffee shop si Mirkka malapit sa Marangoni, break time nila kaya naman naisipan niyang tumambay sa isang coffee shop.
Natawa naman si Mirkka, "You're just twenty-one, Maddie. You'll find the right man for you." Sambit niya atsaka kinuha ang tasang may laman ng kanyang paboritong hot chocolate.
"Tss. Makasabi ng edad akala mo di mo 'ko kaedad." Malalim na bumuntong-hininga ang kambal, "Baka maging old maid na 'ko! Ikaw, mukhang sure na sure si Franz sa'yo! Ayan at may pa-Christmas getaway pa siya sa'yo sa Amalfi Coast. For sure, magmake love lang kayo the whole Christmas day! Ang hot at wild ng Christmas mo!"
Muntik nang mabulunan si Mirkka dahil sa sinabi ng kambal, "Maddie!"
"Tss. Deny pa, Mirjam Kanary."
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...