13 (SPG)

3.1K 116 8
                                    

13 (SPG)

"É finita."

Mirkka went closer to Franz the moment the henna tattoo artist said he is finished with her boyfriend's temporary tattoo.

"Patingin!" Excited niyang kinuha ang kamay ni Franz para tignan ang kanyang paunang braso. Napangiti siya at nilahad din niya ang paunang braso at dinikit iyon malapit sa braso ni Franz. "We're matched!"

Humalakhak naman si Franz at hinalikan siya sa noo, "Hmm, you happy with our tattoos?"

Tumango-tango si Mirkka at inaya na si Franz na lumabas. Magkahawak kamay silang naglalakad sa dalampasigan habang nakikita ang kanilang matching tattoos.

Kalahati lang naman ng kanilang paunang braso ang merong henna tattoo, isa iyong tribal arrow at merong calligraphy na sulat.

Ang nakalagay kay Mirkka ay: Just once and for one, L.

Habang ang kay Franz ay ganun din ang nakasulat, ang kaibahan lang ay letter M ang letrang nasa dulo ng kay Franz.

Habang naglalakad sila at pinagmamasdan ang magandang tanawin ay nagtatalon-talon naman si Mirkka nang makita ang mga turistang masayang nasa dagat at nakasakay sa pedal boat.

"Franz! Let's ride one!"

Nakita niya ang bahagyang pagkagulat ni Franz.

"Hey, hey." Pagkakalma ni Franz at humahalakhak. "Ang excited ng baby ko."

"Come on! Kailangan sulit yung binayad mo rito sa trip natin. Let's ride one." Akmang pupunta na si Mirkka doon sa mga crew na in-charge sa pedal boating, pero hinapit ni Franz ang kanyang baywang kaya naman bumunggo siya sa kanyang dibdib. "Why?"

Franz smiled at her then removed his panama hat and placed it on her head. "Bumalik muna tayo sa hotel. Hindi pa tayo kumakain, baka gutom ka na." Malambing na sabi ni Franz atsaka inayos sa pagkakasuot ang hat sa ulo ni Mirkka.

"Pero hindi pa 'ko gutom."

Umiling lang si Franz, "Mamaya na tayo sumakay sa pedal boat. I won't let you skip lunch. Let's go."

Wala namang nagawa si Mirkka kung hindi ang sumunod kay Franz at pumunta sila sa restaurant ng hotel na tinutuluyan nila.

Maganang kumain si Mirkka lalo pa at seafood ang menu of the day.

"Ayaw mo pang kumain hah?" Nakangising sambit ni Franz habang nilalagyan pa ng pagkain ang plato ni Mirkka.

Mirkka munched her food and it made this shatteringly crisp sound. She closed her eyes, "Hmm. This fried squid with aioli is great! We should try this when we go home, Franz."

Tumango naman si Franz, "I'll cook it for you."

Nilingon naman ni Mirkka ang plato ni Franz, "Ano yang pagkain mo?"

Napatingin saglit si Franz sa kanyang plato atsaka nilingon si Mirkka, "Slow-roasted salmon." Naghiwa si Franz atsaka nilapit sa bibig ni Mirkka, "Try it. It's delicious too."

Pinakatitigan muna ni Mirkka ang pagkain atsaka dahan-dahang binuka ang bibig. Napatango-tango naman siya dahil masarap nga ang putaheng iyon. "Masarap nga."

Nagpatuloy sila sa kanilang masarap na pananghalian. Pagkatapos kumain ay hindi muna sila dumiretso pabalik sa pedal boating, bumalik muna sila sa kanilang suite para makapagpalit ng komportableng damit.

Mirkka decided to wear a beach short jumpsuit, while Franz wore a pair of board shorts and linen shirt. Maghawak-kamay nilang binagtas ulit ang daan papunta sa station kung saan pwedeng magpedal boating.

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon