2
"You will be submitting your portfolio by next month. You have enough time to prepare your portfolio."
Todo sulat si Mirkka sa kanyang notebook habang nagpapaliwanag ang kanilang instructor patungkol sa major requirement na ipapasa nila sa susunod na buwan.
Mag-iisang buwan na rin nang magsimula ang pasok niya sa Marangoni at siya ay enjoy na enjoy sa pag-aaral, ang dami niyang nadiskubre patungkol sa fashion styling at imaging.
Noong nakaraang linggo ay may dumalong isang sikat na creative director sa isang fashion magazine at naghahanap siya ng pwedeng intern para sa kanilang ilalabas na issue. Mirkka wants to be part of that internship.
"Ciao, Mirkka!"
Gianna, her half-American and half-Italian classmate, waved her hand as she approached the bicycle parking rack.
Mirkka also waved her hand, "Ciao! See you after the Spring Break!"
Pinapanood ni Mirkka ang iilan pang mga kaklase na masayang kinukuha ang kanilang mga bisikleta sa parking rack. Uso kasi sa Milan ang cycling kaya naman may iilang mga tao ang nakasakay sa kani-kanilang bisikleta.
The city has an environmental advocacy making their people rely on bicycles instead of other modes of transportation that contribute to pollution. Kaya naman nagkalat ang mga bicycle lane sa lugar.
"It's too expensive, at hindi ko rin naman mauuwi sa Pilipinas." Tinuran niya atsaka na siya tumambay sa waiting shed at inabangan ang trolley bus na dapat niyang sakyan.
Habang bumibiyahe ay nagnotify ang kanyang phone. Nang mabasa niya ang notification ay napangiti siya at nakaramdaman ng kagalakan.
"Approved." She just received a notification about her flight to Philippines. Dahil sa Spring Break ay napagpasyahan niyang umuwi muna sa Pilipinas, eksakto at kabubukas lang ng bakery business nina Edgar.
Grabe talaga ang pagtitipid na ginawa niya at talagang naghanap siya ng sideline at iyon ay ang pagiging nonvoice virtual assistant. So far, nababalanse naman niya ang lahat, dahil ang klase niya ay three times a week lang naman.
"Hi Aurora!" Sa Pico's siya kaagad dumiretso.
"Hi babe!" Masiglang bati pabalik ni Aurora habang busy sa paglilinis sa may counter.
"Nachos compuestos, please." She ordered.
Umupo naman siya sa tapat ng bar counter at hinintay si Aurora na ilapag ang isa pa sa mga paborito niyang snacks sa Pico's.
Pinapanood niya si Aurora sa ginagawa, nang dumilim ang kanyang paligid dahil sa mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata.
Inis na tinanggal niya iyon at hinarap ang tumatawang si Franz. "Huwag mo nga akong hawakan, baka kung saan-saan mo dinala yang kamay mo."
Tumawa lang nang mas malakas si Franz at umupo sa tabi niya, "You always think that I just got a laid huh?"
Pinagtaasan lang niya ng kilay si Franz, "Bakit? Tama naman ako diba?"
Ngumuso si Franz, "Mmm. Not really, mamaya pa namang hapon ako may session."
Napailing na lamang si Mirkka atsaka napapalakpak nang ilapag na ang kanyang order. "Thanks, Aurora." Binuksan niya ang wallet para abutin ang kanyang bayad.
"Put it on my tab, Aurora."
Napatingin naman si Mirkka kay Franz at unti-unting ngumiti, "Nililibre mo ba 'ko?"
Pinakatitigan siya ni Franz sabay turo sa nakangiti niyang mga labi, "Kung ganyan mo ba naman ako ngitian, oo. Kahit mabaon ako sa utang dito sa Pico's."
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...