18
Pagkatapos ng dinner nila ni Brandon sa Wagyu ay inihatid na siya ng binata sa kanilang bahay sa Pineview.
"Grabe, kahit hindi yata ako kumain ng breakfast bukas." Sambit ni Mirkka pagkababa niya sa sasakyan at haplos-haplos ang tiyan.
Tinawanan naman siya ni Brandon, "I doubt that."
Lumabi naman si Mirkka at pinaningkitan ng mga mata si Brandon, "Matakaw ako, ganun ba?"
Humalakhak si Brandon, "Wala akong sinabing ganun." Tumingin si Brandon sa gate ng kanilang bahay, "You should go inside. It's been a long night for us."
Lumapit si Mirkka at niyakap si Brandon, "Welcome back, Brandon. It's nice to see you again."
Naramdaman naman niyang yumakap pabalik si Brandon, "I'm glad to see you too, Mirkka. Just text me when you're free from work, so we could catch up before I leave for Milan again."
"Alright." Pagkahiwalay niya ng yakap kay Brandon ay naramdaman niya ang paghalik ng kaharap sa kanyang noo at ngumiti na lamang si Mirkka.
Pagkapasok niya sa bahay ay nadatnan niya ang kanyang Mommy Mari at si Maddie na busy sa pagkain ng ice cream sa may kusina.
"How's the date with your hot morena guy, Mirks?" Maddie asked while grinning from ear to ear.
She just shook her head and went to her mother, "Hi, Mom."
"Hi, anak. Kamusta naman?"
Ngumiti si Mirkka sabay kuha sa kutsarang hawak ni Maddie, "Hey! Kumuha ka ng spoon mo, Mirkka!" Asik ng kambal.
Mirkka just made face and scooped some ice cream, "Mmm, it went well. Director of Operations na pala si Brandon, Mom. Big time na talaga."
Her mother looked amused, "Really? He's really great at hotels."
"Ang ganda ng profile niyang si Brandon, Mirkka. Wala ring record ng ghosting, jowain mo na!"
Sinamaan niya ng tingin si Maddie habang ang kanyang Mommy Mari ay hindi naiintindihan ang mga sinasabi ni Maddie, "Ghosting? What is that?" Her mother curiously asked.
Mirkka just shook her head, "Maddie and her weird lingos, Mom. Don't mind her. Medyo pagod ako, punta na po ako sa room ko."
"Alright. Good night, hija." Hinalikan niya sa pisngi ang ina habang sinimangutan lang niya ang mapang-asar niyang kapatid na si Maddie.
She went to the shower first then changed into comfortable clothes. Laking ginhawa niya nang maihiga ang katawan sa kanyang malambot na kama. "This day is really tiring." Parang bigla ay mabilis siyang mapagod o bumibigat ang kanyang pakiramdam dahil kasa-kasama niya si Franz.
Naalala niya ang biglang pag-alis ni Franz sa Wagyu kanina. "Tss, he's so full of drama."
She closed her eyes so that she could sleep already, but then her phone beeped. "Si Brandon siguro." Kinuha niya ang phone na nasa ilalim ng kanyang unan atsaka tinignan iyon.
Nangunot ang noo niya dahil unregistered number ang nagmessage sa kanya. She opened the message of the unknown sender.
From: Unregistered number
I hope he drove you back home safe and sound.
"Sino naman 'to?" Dahil hindi naman niya kilala ang sender ay nilock na lang niya ulit ang phone at hindi na nag-abalang gumawa ng reply.
Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay muli na namang nagbeep ang kanyang phone. "Ugh." Kinuha niya ulit ang phone at muli ay message na naman sa mula sa unregistered number.
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...