9

2.1K 110 14
                                    

9

Nagpapasarap sa kanyang pagtulog ang amoy na bumabalot sa malamig na hanging binubuga ng aircon. The minty and soothing scent too complements the cool air surrounding her.

Pati ang makapal na blanket na tumatabon sa kanya ay napakabango, binaon din niya lalo ang mukha sa unan at inamoy niya ang mamahaling amoy.

Balada Sauvage.

Iyon ang hula niya sa amoy na kumapit sa unan. Napaisip siya kung nasaan ang kasama niya kagabi kaya naman dahan-dahan niyang binaba ang blanket na tumatakip sa mukha.

Akala niya sasalubong ang nakakabulag na liwanag pero hindi pa nakahawi ang mga kurtina kaya naman maayos niyang naidilat ang mga mata.

Mas lalong naramdaman ni Mirkka ang malamig na dampi ng hangin sa mukha nang matanggal ang blanket na tumatabing sa mukha.

"Good morning."

A sexy bedroom voice went through her ears. Napalingon siya sa kanan niya at doon ay sumalubong sa kanya si Franz na nakaupo sa may pull out bed habang nakahalumbaba sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Mirkka.

Ngumiti si Mirkka, "Good morning." Hindi niya alam bakit nalipat ang titig niya sa namumulang mga labi ni Franz, ang labing iyon ay unti-unting kumurba at sumilay ang isang ngisi.

"Hmm, you want me to kiss you, baby?"

Parang napahiya si Mirkka at binalik ang titig sa mga mata ni Franz, pati ang mga mata ay nakakaloko ang kislap. "Of course not." Tanggi niya pero sa totoo lang ay parang nag-iimbita talaga ang mga labi ni Franz kanina.

Geez, what happened to you Mirkka?

Napasinghap siya dahil hinaplos ni Franz ang bandang leeg at collarbone niya, "Ang pula mo."

Napatingin sa baba si Mirkka at doon ay napansin niyang pulang-pula nga siya roon. Ganun palagi ang reaksyon niya kapag nahihiya siya o kaya naman ay may namumuong tensyon sa sistema niya.

"When I was kissing you last night too, your skin here was too flushed." Franz kept on gently touching her there.

She held his hand to stop him from caressing it. "It's involuntary. It becomes my usual reaction when my emotions are too intense."

Franz's lips rounded then later on smiled, "I am intense?"

She rolled her eyes and Franz laughed at her. "Here you go again, Franz."

Lumapit lang si Franz sa kanya at pinaikot ang dalawang braso sa kanyang baywang. "How was your sleep? Good? Mine was better." He rested his right cheek on her stomach.

Napangiti naman si Mirkka at hinaplos-haplos ang buhok ni Franz. "How many women have slept here?"

Napaangat ng tingin si Franz, "That's a scary question."

Napahalakhak si Mirkka, "I'm just curious."

Lumayo si Franz sa kanya atsaka sumampa sa kama.

"Come here." Walang hirap na hinapit ni Franz ang baywang ni Mirkka at binuhat para maikandong. Inipit niya sa magkabilaang palad ang pisngi ni Mirkka at tinitigan. "Just so you know, my room has been renovated months ago."

"Hah? Bakit?"

Ngumuso si Franz, "Kasi ayaw mong pumunta sa place ko, dahil nandidiri ka." Nilibot ng tingin ni Franz ang kwarto tapos ay bumalik ang tingin sa kanya. "Every furniture, I changed it. Even this bed, wala naman akong pull out bed. Then the couch in my living room, I changed it too. Hindi na kasi ako nagdadala ng mga babae rito."

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon