22 (SPG)

2.4K 101 11
                                    

22 (SPG)

Hindi matigil si Franz sa kakangisi at kakakaway habang may mga security team ang nakaantabay sa kanyang paglalakad habang papaalis na siya sa isang malaking mall.

"Franz! Papicture naman yung baby girl ko!"

Napansin ni Franz ang isang tatay na bitbit ang isang anak niya na babae. Napangiti siya nang makita ang napakacute at chubby na batang babae na kumakaway sa kanya.

"Hi there darling." He went near the location of the girl being carried by her father.

"Sir Franz, masyado pong maraming tao." Sambit ng isang security.

Nilingon ni Franz ang security, "Just a picture with this kid, officer." Hindi niya iniisip ang posibleng mas magkagulo pa sa paligid niya, ang gusto niya ay mapagbigyan ang hiling ng kanyang napakabatang fan.

Sa wakas at nakalapit naman siya. "May I?" Tanong niya sa tatay ng bata.

Nagtilian naman ang mga fans nang buhatin ni Franz ang bata at hinayaan ang ama na kuhanan sila.

"What's your name, darling?"

"Bonnie po."

Nakangiting pinagmasdan niya ang bata sabay halik sa kanyang noo, "Hi Bonnie."

Humagikgik ang bata at hinalikan din siya sa pisngi, "Thank you po."

Kinuha pa ni Franz ang album na hawak ng bata atsaka niya nilagyan ng kanyang pirma. Hindi lang 'yun, ang suot-suot na baseball cap ni Franz ay pinasuot niya sa bata atsaka na siya binalik sa kanyang ama.

"Bye bye, Bonnie. Be a good girl." He said then winked at her.

Narating din nila sa wakas ang isang private basement parking. Pumasok kaagad si Franz sa isang itim na van.

"Hey, Earl." Si Earl lang at dalawang security staff ang kasa-kasama niya ngayon.

Tumango si Earl, "Sir Franz. We all good?"

Ngumisi si Franz atsaka tinapik siya sa balikat, "We're good. Let's go back to FAME."

Napasandal si Franz sa kanyang kinauupuan at hinilot ang noo. Katatapos lang niyang dumalo sa surprise guesting niya sa fan meeting ni Lindsay. Ngayon nga ay kailangan nilang bumalik sa FAME dahil nandoon ang kanyang sasakyan na Accord.

Habang bumibiyahe sila at bahagyang naipit sa isang ruta, inilabas niya ang kanyang phone para padalhan ng mensahe si Earl.

Tama, kahit nasa kabilang upuan lang naman si Earl ay pinadalhan niya ng mensahe ang pinakakatiwalaan niyang assistant.

To: Earl

Is everything in my Accord now, Earl?

Mabilis naman siyang nakatanggap ng reply sa kanyang assistant.

From: Earl

Yes, Sir. All the things on the list, I got them all. It's in your car trunk, Sir.

Napangisi na si Franz at hindi na nagsend ng message kay Earl. Excited na excited na si Franz na makabalik na sila sa FAME building at makauwi na siya sa kanyang bahay sa MDM Homes.

Just like the routine, Franz asked Earl to at least distract the people so he could ride on his Accord. Naging ganito na palagi ang kanilang ginagawa, for years, people knew that he drives his Benz and goes home in a residential building.

Habang nagmamaneho na siya pauwi ay nakatanggap siya ng tawag kay Pep.

"Hey, Pep." Sagot niya sa tawag habang nagmamaneho.

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon