17

1.9K 93 11
                                    

17

"Come on, I'm too lazy to drive, Mirks!"

Inis na lumingon si Mirkka sa kambal niyang si Maddie, "No. I'm doing this so that you're going home sober!"

Nagpapadyak si Maddie, "Come on, kauuwi lang natin dito sa Pinas. Namimiss na ng liver kong magswimming ng alak."

Mirkka groaned, "Fine!"

"Yes!"

Kababalik lang kasi nila ni Maddie sa isang malakihang fashion week sa New York. Kadarating lang nila kahapon at nagkaayaan ang kanilang mga college friends.

Sa bahay ng kanilang kaibigan sa isang exclusive village sila pupunta. Kaya naman okay lang siguro kung gumawa ng kabalastugan ang kanyang kambal, wala namang ibang naroon kung hindi mga kaibigan nilang mga babae.

"Let's go!"

Napailing si Mirkka dahil sa masiglang si Maddie na nakaupo sa passenger seat. Her twin sister looks dayum hot with her busty strapless top and black faux skirt.

"You really prepared for this, huh?" Nakangising tanong niya sa kapatid atsaka binuhay ang makina ng kanyang Cooper.

Humalakhak si Maddie at tinignan naman ang suot ni Mirkka, "White crop shirt and black jeans, very Mirjam Kanary."

"Whatever."

Humalakhak silang magkapatid atsaka na pinasibad ni Mirkka ang sasakyan.

"See you mamaya, chief!" Malakas na sigaw pa ni Maddie sa kanilang napakabait at loyal na security guard.

"Ingat, Ma'am Maddie at Ma'am Mirkka!"

Kalahating oras ang kanilang biniyahe bago nakarating sa napakaengrandeng villa ng kanilang kaibigan. Halos mabingi si Mirkka sa tilian nina Maddie at ng kanilang mga college friends.

The outdoor patio is perfectly setup for booze and hangout. Aanim silang nandoon at puro sila mga babae, strictly no boyfriends and boys, because they want it purely girl talk.

"You mean kami lang pala ng aking twinny ang single ngayon, oh my gosh!" Di makapaniwalang sambit ni Maddie sabay inom sa kanyang San Mig Light.

Humalakhak naman silang nandoon habang si Mirkka ay napailing-iling na lang at busy sa pagkain sa mga finger food na nakahain.

"I think hindi ka naman mahihirapan Maddie na magkaroon ng jowa," si Mika iyon ang tinuturing nilang ate sa barkada. Tumingin si Mika kay Mirkka, "Si Mirkka ang medyo intimidating, iyong nakakatakot iapproach."

Umarteng natakot si Maddie kay Mirkka, "True, she's scary. Ang seryoso masyado. Parang mananakmal."

Lumakas ang tawanan nila habang si Mirkka ay pinasubo kay Maddie ang pagkalaki-laking pork barbeque upang matigil sa pang-aasar sa kanya.

"You want me to set you a date, Mirks?" Mika asked while handing the fruit punch to her.

Umiling si Mirkka, "No. I'm still busy. My hands are full."

"Totoo 'yan!" Sabat naman ni Maddie, "Kinain na siya ng career, mga bes! Feel ko mas mayaman pa sa presidente 'tong kambal ko."

Mirkka hissed at her twin sister who just smirked at her, "Lasing ka na no? Why won't you shut the hell up? Ako ang kausap ni Ate Mikay."

Humalakhak lang si Maddie, sobrang kulit talaga ng kanyang kambal na 'to. Dapat talaga sa kambal niya iyong magpapatiklop sa kakulitan niya.

"I'm just not yet ready for a relationship, Ate Mikay."

HRS6: Secret Hot Romance with the SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon