20
Nakakasampung minuto pa lamang silang bumibiyahe palayo sa theme park na iyon nang itigil ni Brandon ang kanyang sasakyan at nilingon siya. "What happened there, Mirkka?"
Pinunasan ni Mirkka ang pisnging basa ng kanyang luha at nilingon si Brandon, "I hate myself, Brandon."
Bumuntong-hininga si Brandon sabay alis ng kanyang seatbelt upang makalapit sa kanya. Hinaplos ni Brandon ang kanyang pisngi tapos ay inayos ang medyo nagulo niyang buhok, "Why would you feel that, hmm?"
She bit her lower lip and looked at him, "W-We kissed."
Natigilan si Brandon sa pag-ayos sa kanyang buhok, "I see."
Mirkka groaned and harshly threw head back at the headrest of the shotgun seat, "How could he act like he did nothing wrong? How could he ask me not to fall in love with any other guy? And how could I ... how could I kiss him back knowing I hate him so much." She said then shut her eyes.
Ilang segundo pa ay naramdaman niya ang isang patak ng halik sa kanyang pisngi sanhi para idilat niya ang mga mata at mapatingin kay Brandon, na nakangiti sa kanya.
"I hope it made you feel better." Brandon said while smiling.
Napaayos ng upo si Mirkka dahil sa ngiting iyon ni Brandon. There it goes again, Brandon's calming smile.
"Bakit ka nakangiti diyan? Ang miserable ko kaya." Nakalabing sambit niya at humalakhak si Brandon at mabilis siyang hinalikan sa pisngi ulit.
"Gusto lang kitang ngitian, baka sakaling mabawasan iyong negative emotions na nararamdaman mo ngayon. I don't want you sad and angry, Mirkka, but of course, I need to respect the validity of your emotions." Ipinatong ni Brandon ang kanyang braso sa may head rest nang inuupuan ni Mirkka para mas lalo pa siyang makalapit, "I saw Franz there, he's still clearly in love with you, Mirkka. Parehas lang din naman tayo ng tanong kung bakit ginawa niya iyon five years ago."
Pinakatitigan lang niya ang mukha ni Brandon at hindi niya mapigilang haplusin ang kanyang mukha, "I should have fallen in love with you five years ago." Mula sa mga mata ay bumaba ang titig niya sa mga labi ni Brandon, at hindi niya alam bakit napalunok siya nang mapagmasdan gaano kapula ang mga labi ni Brandon.
"Mirkka, stop staring at my lips. I won't let you kiss me."
Parang napahiya naman siya at bumalik ang tingin niya sa mga mata ni Brandon. "Sorry."
Maiksing tumawa si Brandon, "Are we good now? Iuwi na ba kita o itutuloy natin yung lakad?"
Unti-unti ay ngumiti si Mirkka, "Ituloy natin."
Brandon tousled her hair, "Alright. Tapos kakain tayo doon sa paborito mong ramen house, is that okay?"
Humalakhak si Mirkka, "You know that I'm always okay with food, Brandon."
Tumawa din si Brandon atsaka na umayos nang pagkakaupo sa driver's seat. "I know."
Kahit nasira ni Franz ang kanyang mood ay unti-unti rin namang nawala iyon dahil sa lakad nilang dalawa ni Brandon. Brandon really knows how to handle her when she caught some bad vibes. That's why she is really happy to have Brandon on her side.
Halos gabi na rin nang mapadesisyonan nilang umuwi na at inihatid siya ni Brandon sa kanilang bahay sa Pineview.
"Magkita na lang tayo sa mismong birthday ni Papa?" Sambit ni Brandon nang ihatid siya sa may tapat ng kanilang gate.
"Okay. Thanks for the ride and for your time, Brandon."
Ngumiti si Brandon atsaka siya hinalikan sa noo, "I hope for better days for you, Mirkka."
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...