7
Ilang beses nang paikot-ikot si Mirkka sa tapat ng isang full-body mirror. Sinisipat kung ang sinusukat na damit ay tama lang para sa pupuntahang dinner bukas ng gabi.
Nakarinig siya nang pagkatok sa pintuan ng fitting room at sunod na narinig ang boses ni Franz. "Mirkka? How is it?"
Kasama niya kasi ngayon si Franz para makapaghanap ng damit na isusuot para sa dinner kasama ang magkapatid na Bianchi.
"Lalabas na."
Nahihiya na rin si Mirkka dahil ang sinukat niyang damit ngayon ay pang-anim na, hindi naman niya naririnig magreklamo si Franz o baka hindi lang sinasabi ng lalaki.
Binuksan niya ang pintuan at sumalubong sa kanya si Franz na naghihintay sa labas. Pinasadahan ng tingin ni Franz ang kabubuuan ni Mirkka.
"I think I like this one." Sambit ni Mirkka at tinignan ang reaksyon ni Franz.
Ngumiti si Franz at lumapit pa sa kanya. "Hmm, I think so too. You look sophisticated in this one."
Napangiti na rin si Mirkka at hinaplos ang isang slate grey jumpsuit na suot. The jumpsuit is comfortably fitting her body and it has a matte finish. It has a heart neckline and hugs her waist perfectly.
Kaya naman kinausap niya kaagad ang sales lady para sabihing iyon ang kukunin niya.
"Now, I got my dress. Let's go find yours? Or meron ka naman sa wardrobe mo?" Tanong ni Mirkka kay Franz habang naglalakad-lakad sila sa Quadrilatero d'Oro, isang mall district sa Milan.
Lumingon si Franz sa kanya, "I'm not sure though if it would match your attire."
"Gusto mo hanap tayo?"
Naramdaman ni Mirkka sa kanyang chin ang marahang paghaplos ng hinlalaki ni Franz doon. "Di ka pa ba pagod?"
Umiling si Mirkka at ngumiti, "Hindi."
"Let's get something to eat first, I'm sure you're hungry."
"Okay."
Sa isang pizza house nila naisipang kumain. Nagtalo pa silang dalawa kung sino ang magbabayad.
"Okay, ako na lang bibili ng dinner natin mamaya sa Pico's." Sambit ni Mirkka.
"How about you cook for me instead?"
Napaisip si Mirkka, "Hmm. Is pasta okay with you?" Naalala niya kasing may stock naman siya ngayon kaya ayos lang din naman kung magluluto na lang siya.
Parang batang niregaluhan si Franz dahil sa pagkislap ng mga mata at pagngiti, "Any food will do. Yeah, pasta is great!"
Ngumiti naman pabalik si Mirkka, "Alright."
"Is it okay if I stay in your place first while you cook?"
Napatango naman si Mirkka. "Yeah, no problem." Nasanay na rin naman siya sa presensiya ni Franz kaya wala namang kaso kung tumambay ang binata sa flat niya.
Sa huli ay nakapili din sila ni Franz ng kanyang susuotin atsaka na sila nagkaayaang umuwi na. Sa pag-uwi nila ay nakasabay pa nilang sumakay sa elevator si Brandon.
"Hi Brandon!" Bati ni Mirkka sa bagong kapitbahay na nakasuot pa ng uniporme sa trabaho.
Ngumiti si Brandon, "Hi Mirkka. Hey, Franz." Bati naman pabalik ni Brandon.
"Kamusta first day sa trabaho?"
"Challenging, pero masasanay din siguro. Di lang ako sanay na bukod sa English ay kailangan ko pang magsalita ng Italian." Kwento ni Brandon.
BINABASA MO ANG
HRS6: Secret Hot Romance with the Superstar
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Many women are usually branded as the women who have it all, and Mirkka may fall into this category. Just like her twin sister, she has beauty...