3rd

7.2K 201 8
                                    

Nagising ako ng makaramdam ng gutom. Halos di ko maigalaw ang katawan ko dahil bagay na nakadagan sa katawan ko. We both agreed to sleep for a while ago, para na rin makapagpahinga. Sa ilang oras kasi na binyahe namin, ay talagang nakakabagot.

He's still asleep, kaya marahan lang ang ginawa kong pagkilos bago pumasok sa shower. Pagkatapos ay saka ako nagbihis ng damit at bumaba saglit. He has no maids, wala ba siyang balak mag-hire? O baka masyado siyang private person at ayaw niyang may ibang tao sa bahay niya.

"Oh, gising na kayo?!" Halos mapatalon ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Gio, nandito ka pa pala?" akala ko kasi ay umalis na siya kanina. Saan naman kaya siya nagpunta kanina?

"Yeah, aalis din ako mamaya, si kuya pala?"

"Nasa taas pa, natutulog. Baka mamaya gumising na rin 'yon."

"You're Danielle Ryss Callaway, right?" para akong nalagutan ng hininga sa tanong niya at walang imik na pumasok sa kusina. Sumunod siya sa akin at naupo sa harap ng table.

"Oo, hindi ba halata?"

"Well, you're a Callway, everyone knows you."

"So, why are you here?" hindi ko alam kung anong klaseng tono ang ginamit niya ng itanong iyon. Hindi ko alam kung nangiinsulto o curious lang.

"Isn't it obvious, I-I'm his girlfriend."

"Kuya Seigraine doesn't settle for one girl. He can't be in a relationship, especially with an enemy."

Nanunuyang tanong niya na tila naghihinala at siguradong sigurado sa sinasabi. Hindi ako makasagot, wala naman kasi akong maidadahilan. Nanliliit na ang pakiramdam ko ng biglaan siyang humagalpak ng tawa.

"Hey! Don't be so serious, sinusubukan lang kita. Actually wala naman akong pakialam kung karibal ka ng pamilya namin. But still, I know that you're not his real girl. Pinagpapanggap ka lang niya, yes! I know that." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Expert kang mang-inis 'no? Halos nahihiya na ako kanina kung hindi ka tumawa." napatawa siya sa sinabi ko."

"I like you. You're not just a girl... you're something. Sa lahat ng babaeng nakilala ko na kasama ni Kuya, ikaw pinakagusto ko."

Hindi na ako nakasagot nang pumasok si Seigraine na gulo-gulo ang buhok at nakasimangot. Mabilis itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi bago nilingon ang nakaawang ang labing pinsan.

"Why are you here and keep on flirting with my girlfriend?"

"Woah! Hang in there, Kuya! No one's flirting here. Nakikipag kwentuhan lang ako kay Ali."

"It's Ate Ali, matanda pa rin siya sa 'yo Gio.

"Isang taon lang naman, hindi na nalalayo ang edad namin."

"Call her ate, she's your ate, so call her that way."

"Aish! Ang weird no'n."

"Go home."

"Kuya? 'Di pa nga ako nakakapag dinner eh! Sumbong kita kay uncle."

"Umuwi ka na bago pa kita sipain palabas."

"So possessive, huh? Okay, I'll go. Bye, Ali!" nag-flying kiss pa ito sa akin bago tumatawang lumabas.

"I said, call her ate!" Singhal ni Seig ngunit hindi na 'yon narinig ng pinsan niyang nakalabas na.

"Tarantado."

"Ang sungit ah!"

"Stop flirting with my cousin."

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon