25th

5.4K 135 19
                                    

"Mommy, good morning." Naalimpungatan ako ng may marinig na boses sa gilid ko.

"What the hell are you doing inside my room?!" galit na tanong ko kaya bahagya siyang napaatras.

"I-I b-brought you b-breakfast." nakita ko ang tray ng pagkain sa gilid.

"Sinabi ko bang dalahan mo ako?!" agad siyang umiling at halatang natatakot sa akin.

"Labas! Nasaan ba ang yaya mo?!"

"G-gusto ko lang naman p-po dalahan k-kayo ng pagkain, b-baka po kapag gano'n mahalin n-niyo na po ako, m-mommy." napatitig ako saglit sa mukha niyang umiiyak. She's trying to dry her tears using her small arm. My brows creased and my lips twitched.

"Eign?"agad akong napaiwas ng tingin sa bata nang pumasok si Yaya Mira sa kwarto ko.

"Naku Eign, bakit ikaw umiiyak ha?"

"Get that child out of my room, Yaya." I said in a monotone voice. Agad naman na sumunod si Yaya Mira at mabilis na nahila si Eign palabas. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at mabilis nang bumangon. Nahagip pa nang paningin ko ang pagkaing dala ni Eign ngunit hindi ko 'yon kinibo. Mabilis akong naligo at nagbihis.

I have a photoshoot today, kauuwi ko lang kagabi, hindi ko masyadong nasulit ang rest day ko dahil kay Seigraine. Pagkaayos ng sarili ay agad na akong umalis, naabutan ko si Pia sa studio at nang makita ako'y agad itong lumapit.

"Sigurado ka na ba talaga?"

"Oo nga, p-pirma ba ako kung hindi?" I scoffed, pumasok kami sa dressing room at nagsimula nang hinubad ang damit ko.

Sinuot ko lang ang robe ko at nagsimulang ayusin ang pagkaka make up. I noticed that Pia was just watching me so I slowly faced her.

"What's with that stare? May problema ba Pia?" bigla siyang namutla sa tanong ko. So mayroon nga?

"Tell me, ano ba 'yon?"

"Kilala mo na b—"

"Miss Danielle! Kayo na po Miss." Ngumiti ako kay Pia at kumindat bago tuluyang lumabas. Napansin ko pang parang may gusto siyang ituloy ngunit hindi ko na napansin dahil nakalabas na ako.

Na-set up na kung saan ako uupo kaya agad ako roong pumwesto, my stylist fixed my hair first bago nila ako hinarangan ng tela, para mahubad ko ang robe na suot ko at maiayos ang posisyon. I am doing nude photoshoot, pero hindi naman ibig sabihin ipapakita ko na sa camera ang private parts ko. I crossed my legs, may blanket na inipit sa gitna ng hita ko ang stylist ko to cover my private part down there at tanging hita ko lang ang nakikita. The blanket covered my lower abdomen too.

"Where's the guy! Papwestuhin na siya sa likod ni Miss Danielle, gawin nyo itinuro ko ha." may naramdaman akong umupo sa likuran ko. Halos mapaliyad ako ng maramdamang dumikit ang katawan niya sa likuran ko.

Nanatili pa ang telang nakaharang sa amin, hindi pa kasi ito ang pinakaposisyon.

"Miss Danielle pa remove na po ng arms mo," my arms that I crossed on my chest slowly left and a pair of arms wrap around my chest pressing against my breasts. Nahigit ko ang paghinga nang maramdaman ang init ng kaniyang balat.

I could even feel his breath against my neck, "Miss 'yong kamay niyo po."

Hindi ko namalayang natulala na pala ako, bakit ganito pakiramdam ko? Pakiramdam ko biglang nataranta ang sistema ko?

Agad namang inangat ko ang kamay ko at humawak sa braso ng lalaking nakayakap sa akin, ang isa naman ay siya kong inangat para maabot ang buhok niya at bahagyang tinagilid ang mukha ko palingon sa kaniya.

"Okay na ba?"

"Opo madam V! Okay na!"

"Omg! Bagay na bagay pala sila!"

Bigla nang inalis ang harang sa amin at pakiramdam ko'y sumakit ang mata ko ng muling masinagan ng mga ilaw. Flashes started to irritate my eyes, but I have to deal with it

"Seigraine, will you press your lips on her neck?" W-what?! Sa narinig ko'y parang gusto ko nang tumayo lalo na ng malaman kung sino ang lalaking nasa likuran ko!

Paano siya—paanong naging siya?! Wala sa usapan na si Seig ang makakasama ko rito!

Mas lalo kong naramdaman na gusto ko nalang tumayo, "Relax, you seems tensed." kinilabutan ako nang marinig ang bulong niya. Pakiramdam ko'y nagtaasan ang balahibo ko.

"Bakit ikaw ang nandito?"

"Bakit sino ba ang gusto mo?"

"Hindi ko matandaang pangalan mo ang nakita kong makakasama ko rito."

"Yeah, pero wala ka ng choice andito na tayo, at sa pagkakatanda ko that guy backed out."

"At ikaw pumalit? Ginagago mo talaga ako eh 'no?"

"I just don't want someone to touch you."

Hindi na ako nakasagot ng magpalit naman kami ng ayos. Para na akong sasabog the whole hour of that photoshoot.

Gustong-gusto ko siyang sapakin! Nang makatapos ay agad akong nagsuot ng robe at galit na bumalik sa dressing room. The other models left the room when I entered, mukhang ayaw nilang mapagbuntunan ng galit ko.

"Ali."

"Why didn't you tell me na siya pala ang makakasama ko?!" umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto.

"Iyon 'yong gusto ko s-sanang sabihin sa 'yo eh."

"Talagang hindi ako titigilan niyang Harisson na 'yan 'no?! Ang kapal-kapal ng mukha niya! Bakit ba hindi niya maitindihang ayoko siyang kasama?! Bobo ba siya?!"

"Oh tama na, maistress ka lang eh."

"I want that guy, out of my sight, Pia."

"Paano? Eh hindi ka nga matigilan eh."

"May kilala kang tao na may mga tauhan 'di ba?"

"Oo, pero...oh no don't tell me? Oh, no Ali, you're not going to do that, right? Si Seigraine pa rin 'yon, minahal mo naman siya 'di ba?"

"Noon 'yon! Ngayon wala na akong nararamdaman para sa kaniya. I want him out of my sight! At kung kailangan kong gumamit ng dahas para tanggalan siya ng kakahayang magpakita sa akin, gagawin ko! Hindi ako manghihinayang kung habang buhay siyang hindi na makalakad."

"What?! Ali, ano ka ba? Ano bang nangyayari sa 'yo? 'Wag ka ngang mag-isip ng ganyan?"

"Call that guy and tell him to contact me." mariin na utos ko at kinuha na ang mga damit bago nagpalit.

Who says I can't? Kaya kong ipagawa 'yon, tigilan lang ako niyang bwisit na Harisson na 'yan.

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon