“Where are you off to?” I asked, glancing at Seigraine as he turned my way.
“Just heading to Tatay Roel’s farm.” I bit the inside of my cheek, unsure of myself. As he started to walk away, I followed quietly, feeling a little embarrassed when he looked back at me.
“I’ll be back before five, and I’ll take care of dinner,” he said casually.
“Hey, can I tag along?” I blurted out just as he was about to leave again, and he stopped to consider my question.
"Are you sure?"
"Yeah," he offered his hand, bumaba ang tingin ko roon at napatitig.
"Do I really need to hold your hand?" taas ang kilay na tanong ko kaya mahina siyang natawa. "Well I was just trying my luck." Napailing ako at nauna nang maglakad sa kaniya.
Maboboryo lang kasi ako sa bahay kaya minabuti kong maglibot muna at sumama sa farm.
Hindi naman kalayuan 'yong farm sa malaking bahay, pero parang nakakapagod pa rin. Habang naglalakad ay may naramdaman akong bagay na tila sinuot sa ulo ko at nang kapain ko 'yon ay nalaman kong farmer hat iyon na suot ni Seig kanina. Nilingon ko siya ngunit nakatingin na siya ng deretso sa dinaraanan namin. "
"Medyo mainit pa, suotin mo na muna 'yan." Narinig kong sabi niya habang patuloy na naglalakad at nakatingin lang sa unahan. I felt like something soft was caressing my heart, but I refused to make it a big deal.
Gosh! Hindi ako pwedeng maging marupok ulit, hindi pwedeng gano'n na lang 'yon pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko.
Nakarating kami sa isang malawak na palayan at muli nanaman akong namangha. All my life, I never had a chance to see a rice field this near. Lumaki akong nasa syudad, nasa sibilasyon. Kaya para akong bata na manghang-mangha sa nakikita.
Hindi rin ako makapaniwala sa nakikita kong Seigraine ngayon. Pakiramdam ko sa mga oras na ito nakikilala ko 'yong pagkatao niyang ni minsan hindi ko nakilala noon.
Habang pinagmamasdan ko siya ngayon ay hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Tumutulong siya ngayon kay Mang Roel sa pagpasan ng mga sakong may lamang palay. Kahit mukhang nahihirapan ay tila balewala iyon sa kaniya at talagang kusang-loob niyang ginagawa ang pagtulong kay Mang Roel. Halatang may pinaguusapan silang dalawa habang buhat-buhat ang palay, nakikita ko pa ang paminsan-minsang pagngiti ni Seigraine.
Kahit gumagawa siya ngayon ng gawaing magsasaka, hindi maikakaila na mapapagkamalan at mapagkamalan siyang mayaman dahil sa banyaga niyang mukha at sa kulay niyang namumula lang.
I can't imagine that Seigraine Harisson has this side, I can't imagine that he knows a lot about farming.
Nilibot ko pa ang paningin ko at napadako iyon sa isang mataas na puno. Naagaw ang attention ko ng tree house na naroroon, at namamanghang napatitig.
"Hija, mabuti naman at sumama ka rito naku alam kong magugustuhan mo rito, napakasariwa ng hangin." napalingon ako kay Manang Cora sa biglaan niyang pagsulpot sa gilid ko. Naupo rin siya sa kahoy na inuupuan ko na mukhang sinadyang pandayin para magsilbing pahingahan. Nasa ilalim din kasi ng nataas na puno, kaya sobrang lilom.
"Nakakabagot ho kasi sa bahay ni Seig." napansin ko ang towel na dala-dala niya, mukha namang nakita niyang titig na titig ako roon kaya inabot niya sa akin ang isa.
"P-para saan po ito?"
"Pampunas ng pawis sa mga masisipag nating asawa." I flushed because of what she said and slowly glanced at Seigraine, halatang pawisan na ito dahil bakas na bakas na sa suot-suot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/262076237-288-k158313.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies With Benefits (Under Major Revision)
General FictionDanielle Callaway did not think twice to flee their home after learning that her father had set her up for another marriage. As she escaped being betrothed to someone she doesn't want, she found herself in a room on a sultry night with a stranger, w...