Prologue

14.1K 295 28
                                    

Bago mo ipagpatuloy na basahin ang prologue, make sure na nabasa mo muna ang laman ng "must read first" na note na nasa unahan ng part na 'to. Para walang mag c-comment d'yan ng kung ano-ano. Don't ignore warnings. Please. Thank you.

_____

"What do you want?" bungad ko kay dad na ngayo'y matamang nakatingin sa akin. I even folded my arms against my chest while looking at him blankly. I already have idea, I just need confirmation.

"Sit down." He motioned for me to sit in front of his desk. I didn't respond to it.

"What is it, dad?" I asked again, impatiently. Pinakatitigan niya muna ako bago napabuntong-hininga at tila tinitimbang pa kung ano ang kaniyang sasabihin.

"You need to marry Marcus, Ali." muli nanamang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi pa kami tapos sa issue namin last time tapos dadagdagan nanaman niya?

"What?! At sino ka para sabihan akong kailangan kong pakasalan siya?!"

"Danielle Ryss!?"

"Hindi ako magpapakasal sa kaniya at wala kayong magagawa roon! Stop controlling my life and making your own decisions for me. I am not a freaking robot dad! May sarili akong utak!" nanlaki ang mata niya sa naging pagsigaw ko, ngunit hindi ko siya pinagbigyan pa ng pagkakataon na makapagsalita. Mabilis akong lumabas ng opisina niya at derederetso sa kwarto ko.

I'm already twenty-four! At hanggang ngayon pakiramdam ko hawak pa rin niya ako sa leeg. I hate them! I hate him for controlling me! Habang tumatagal lumiliit ang mundo ko sa bahay na 'to. I frustratedly ruffled my hair and took my bag. I'll get the hell out of this cage. Sawang-sawa na ako, hindi ako papayag na patuloy niyang diktahan ang buhay ko.

I made my way out without informing them. Mabilis ang naging paggalaw ko nang hindi nila malalamang tumakas na ako. Wala akong pakialam kung saan ako mapunta ang mahalaga sa akin, mawala na ako ng tuluyan sa puder nila. Halos mapangiwi pa ako sa sakit ng ilang pasa na tinamo ko sa tarantadong manyakis na Clad na 'yon.

Dinala ako ng mga paa ko sa bahay ng matalik kong kaibigan, pinatuloy niya ako at sunod-sunod na tinanong sa naging desisyon ko. "Are you really sure, Ali? Naku ha! Ako kinakabahan sa ginagawa mo. You know how powerful your family is!"

"Pia, I know what I am doing, so don't worry; hindi ka naman malalagot eh. Konting panahon lang, aalis ako sa bansang 'to, titira ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin." I breathed out as I looked at her. Nakatitig siya sa akin at bakas na bakas ang awa sa mukha niya.

"You have bruises," lagi naman, hangga' t nasa bahay ako hindi na 'yan mawawala.

"Clad."

"Clad?! Your stepbrother again?"

"Yeah," tipid na lang na sagot ko, ayoko na lang ungkatin pa.

"My God!" maluha-luha siyang yumakap sa akin.

"I'm sorry I wasn't there to help you, kahit alam kong hindi talaga maganda ang nararanasan mo sa inyo pag naroroon si Clad."

"Wala kang kasalanan Pia, buhay ko 'yon."

"Basta, gagawin ko lahat for you. Kahit dito ka tumuloy ng ilang buwan o taon I'm fine."

"I can't stay."

"Ha?"

"Mahahanap nila ako rito, pumunta lang ako rito para magpahinga saglit at magpaalam sa 'yo. Pero 'di ko balak na tumagal dahil hahanapin nila ako at ito ang isa sa pupuntahan nila."

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon