Danielle Ryss
“Wait! Kukuha lang ako ng isa pang baso.”
Nasa bahay kami ngayon ni Senne. Nagkaayaan kasi ang magkakaibigan and Luke brought me here too.
“Bakit? Okay na 'to share na lang tayo.” Natatawang sabi ni Luke kaya binatukan ko.
“Siraulo! D'yan ka muna, kukuha muna ako ng isa, naroon naman sa loob si Senne 'no?”
“Yeah, sasamahan ka no'n sa kitchen, approachable naman 'yon.” binalikan na niya ang ginagawa niyang pag-ihaw.
Hindi ako pumasok sa trabaho, bahala si Seig. Sabi naman ni Gio, nandon naman daw siya kaya okay lang na hindi ako pumasok. Nakausap ko siya kanina, nag-jogging din kasi, nagkakitaan kaming tatlo sa plaza.
Inaya naman ako ni Luke rito sa bahay ni Senne, since close talaga sila at hindi namana ko nagdalawang isip na sumama.
I want to get to know Senne, kasi na f-feel ko na mabait talaga siya unlike his cousin, Seig.
Galing sa likod bahay, ay umikot ako sa main door para roon dumaan, nasa may pool kasi ang isa oang pinto papunta sa kitchen, at baka rin sarado kaya minabuti kong sa main door na lang.
Habang papalapit ay nakakarinig ako ng mga boses, tila nagtatalo na kinakunot ng noo ko. May bisita yatang iba si Senne, parang nakakahiyang pumasok. Nahinto ako saglit at nagdalawang isip kung tutuloy ba ako o babalik nalang at hayaang share nalang kami ni Luke sa baso. Dati na rin naman kasi kaming nag s-share ng inuman at balewala na 'yon sa amin. Pero ang weird nalang niya kasi ngayon.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglapit, habang papalapit sa main door ay lumalakas ang kalabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko, hindi tama ang ginagawa kong pagpatuloy, ngunit ng makilala ang boses ay mas pinili kong tuluyan na pumasok sa main door, and I suddenly stopped, along with the beats of my heart, when I heard words that turned into thousands of knives striking my chest.
“Say whatever you want to say Senne, hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko. Alam mong noon pa lang si Autumn ang kaisa-isang babaeng minahal at mahal ko. I will never let her go again.” Nanginig ang katawan ko, maging ang nga labi ko'y nagsimulang mangatal habang ang mga luha'y patuloy na umaagos mula sa mga mata ko.
I felt wrecked, betrayed and played. Kung may mga salita pang pwedeng ipalit sa salitang masakit ay iyon ang gagamitin ko.
“Ali! Nandyan ka lang pala! Bakit ang tagal mo? Wala ba si Senne?!” imbes na magulat ay hindi ako natinag kahit narinig ko ang pagsigaw ni Luke.
Humihikbi ako ng tahimik habang pinapanood si Seig na unti-unting lumilingon sa direksyon ko.
Halatang nagulat siya ng makita ako, ngunit hindi ko na siya hinayaan pang malapitan ako.
I can't accept what I heard. Sa lahat-lahat ng ginawa at ibinigay ko sa kaniya, hindi ako makapaniwalang kulang pa 'yon para mahalin niya ako.
Ginago niya ako, niloko niya ako at higit sa lahat pinaglalaruan niya lang ako. Malinaw na malinaw sa akin lahat ng nalaman ko, at hindi ko man narinig ang simula ng usapan nila, alam kong mas masakit ang mga nauna.
Mabilis akong sumakay sa cab at nagpahatid sa bahay. I want to leave, Ayoko nang mag stay pa gayong alam ko na ang totoo, ayoko ng magpakatanga, at umasang mamahalin din niya ako, dahil simula noong college pa lang alam ko na na walang patutunguhan ang nararamdaman ko.
I want to hurt him so bad and tell him my pain, anger, and complaints, pero wala akong karapatang magreklamo, after all? This is all my fault.
Ako ang may gustong maging kami, at tama ako ng maisip na pagsisisihan ko 'yon sa huli.

BINABASA MO ANG
Enemies With Benefits (Under Major Revision)
Fiksi UmumDanielle Callaway did not think twice to flee their home after learning that her father had set her up for another marriage. As she escaped being betrothed to someone she doesn't want, she found herself in a room on a sultry night with a stranger, w...