13th

5.2K 150 21
                                    

I found myself in the massage room. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakarating dito at kung sino ang nag entertain sa akin. I've already changed my clothes; I'm wearing a robe and don't have any under.

Naupo ako saglit sa massage bed, I took off my robe at tinakluban ang kalahating katawan ng cloth na nasa gilid. I relaxed myself, still thinking about that girl and Seigraine. Hindi ko maiwasang hindi mangilid ang luha pag naaalala 'yung naramdaman ko kanina.

I heard footsteps, so I chose to glance at whoever it was. Nanlaki ang mata ko ng lalaki pala ang magma massage sa akin.

"Wala ba kayong masseuse?"

"Nasa kabila po ma'am, may mga customers din." I awkwardly grimaced because of that.

"Hanggang anong oras sila, or siya matatapos?"

"One hour po, sabay niyo." Napabuntong hininga ako at binaba na ang ulo. I tried to calm myself and closed my eyes. Siguro naman ay naganda ang service nila rito, no one will dare to disrespect their guest so panatag narin ako. The masseur started putting some massage oil on my back, from my shoulder down to my waist.

Mas lalo akong narerelax dahil doon, mabuti naring dito ako napunta. I can almost forget about Seig. Ilang minuto pa lang itinatagal ng pag-mamassage sa akin ng biglaang bumukas ang pinto ng massage room kaya sabay kaming napatingin doon.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makitang si Seigraine iyon, I can see rage in his eyes. He's furious, na tila ano mang oras ay makakapanakit siya ng isang tao.

"Get your hands off her."

"S-sir, I was just—"

"Get out!"

"Seig! Don't be rude! Ginagawa niya lang ang trabaho niya!" Inis na singhal ko kaya galit siyang bumaling sa akin.

"Aalis ka o ipapasesante kita?!" Pananakot niya kaya agad namang umalis 'yung lalaki. Mabilis akong bumangon hindi alintanang makita niya ang katawan ko. Naiinis ako!

I took my robe and put it on. "You can make him leave without being rude. Nagt-trabaho 'yong tao." I said with my gritted teeth.

"Gusto mo naman? You like his touch, huh?

"Wow! At talagang 'yan pa nasa isip mo huh? Wala ka nabang ibang alam gawin kundi pag-isipan ako?! Kahit ikaw naman 'tong may nakausap lang na kakilala, nakalimutan nang may girlfriend siya!" malakas na singhal ko na kinagulat niya.

"Are you accusing me?!"

"You accused me first! I don't understand you! Napakahirap mong basahin, napakahirap mong intindihin! One moment you act like you own the world, like you own me, and the next you'll make me feel like trash!"

"I brought you here to make it up to you." Mariin na sabi niya na kinatawa ko ng sarkastiko. "Yeah, you brought me here... pero anong pinaparamdam mo sa akin ha?"

"Nagseselos ka ba kay Chautumn?"

"And what if I am? Huh? Masasagot mo ba ang tanong ko kung sino siya sa buhay mo?!" Hindi siya nakasagot.

"Alam mo kung bakit nagkakaganito ako? Kasi pinaramdam mo sa akin na importante siya, na di bale ng wala ako 'wag lang siya. Ano mo ba siya ha? Sino ba siya? Sino ba siya para maramdaman kong kahit wala siya, kahit wala ang presensya niya, hawak-hawak ka niya!"

"You're thinking of nonsense, Ali. Chautumn was just an old friend."

"A friend will never look at his friend like the world depends on her!"

Binuhol ko ang tali ng roba ko at akma ng aalis ng mabilis niya akong mapigilan. Mabilis niya akong nayakap mula sa likuran. My heart skipped a beat because of that. I could feel his heartbeat against my back, the way that I could hear his breathing.

"Overthinking won't do any good. Stop being jealous over people I know."

"Then make me feel that I am enough." Nangatal ang labi ko sa sinabi. Gusto kong maramdaman na sapat ako dahil kanina, sa kokonting minuto, naramdaman kong wala akong kwenta.

'Yong self-worth, 'yong pinaghirapan kong kompyansa sa sarili, 'yong pakiramdam na kaya kong maging sapat, 'yong pinaghirapan kong buoin ng ilang taon, unti-unti lang sinira ng ilang minuto.

"I told you, you're more than enough, Ali. Stop worrying over things that are not real." I felt the warmth of his lips on my jaw line. Dinampian niya ng mababaw na halik bawat parte ng mukha ko hanggang sa iharap na niya ako at siilin ng malalim na halik. At first, I didn't try to respond. ngunit habang lumalalim ay mas nakukumbinsi akong halikan siya pabalik. I felt my knees wavering, and all I could do was to hold onto him, to support me.

It was like he was kissing the pain away. Nawala lahat ng bigat na naramdaman ko kanina. Kung marupok mang maituturing, then I am guilty.

When it comes to Seigraine, pakiramdam ko hindi ko na hawak ang sarili ko.

Siya rin mismo ang humiwalay bago pa may kung anong mangyari rito sa massage room.

"Let's go, sayang ang pinaghirapan ko kanina kung mauuwi lang tayo sa pag-aaway." He held my hand and intertwined it before pulling me out of the massage room. Pinagpalit niya ako ng damit at simpleng white floral dress lang ang suot ko na muntik nang umabot sa ankle ko.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Secret, bilisan mo na—malapit nang mag sunset."

Kunot-noo ko siyang sinabayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa beach area na walang masyadong tao.

"Is this a private area?"

"Yeah," tipid na sagot nito at nagpatuloy kami hanggang sa marating ang parte kung saan niya ako gustong dalhin. Nanlaki pa ang mata ko ng makitang may table roon at may nga nakaserve na foods, candle lang ang ilaw doon, it can be a moonlight dinner dahil na rin sa maaliwalas ang lugar at kapag naggabi ay nasisiguro kong kitang kita mo ang buwan.

Nakita ko sa gilid na may nakalatag na picnic mat, may blanket, at pillows pa saka may picnic basket. May wine rin doon at may bouquet ng red roses.

"Did you really prepare this? For what?"

"To spend time with you," nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sa akin.

"You deserve this kind of effort, Ali. It is maybe my first time doing this, but I am willing. If it is the only way to see you smile, then I am more than willing."

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon