"Hindi mo ba naiisip minsan na umuwi?"
Nilingon ko si Luke sa naging tanong niya habang kumakain ng KOF shawarma. Ang usapan namin ay kakain lang ng lunch ngunit hanggang sa pag-off ko sa trabaho ay hindi siya umalis at inaya akong magmeryenda.
"Hindi, ayoko nang bumalik." walang pag-aalinlangan na sabi ko.
"Paanong ayaw mo na? Dahil ba kay Seig?" natigilan ako sa naging tanong niya.
"First reason is because of Seig. The second is that I don't want to be part of that family anymore."
"You really love Seig huh?" malungkot akong ngumiti sa kaniya bago ngumuya.
"Akala ko dati makakaya kong ibaon nalang 'yong nararamdaman ko for him, ang kaso hindi ko naman akalain na magkikita kami ulit."
We spent time catching things up, mga bagay na hindi namin napag-usapan last time, before we agreed to part ways. Mag-isa ako sa bahay ni Seig, I was trying to contact him pero walang sumasagot. May times na pinapatay niya at iniisip ko na lang na baka busy siya kaya hindi na ako nangulit.
Three days passed and it's already Friday. Excited na excited akong umuwi siya. At nang makita ko siyang papasok sa bahay ay agad ko siyang nayakap.
"I miss you!"
"I was just gone for about four days.""Ang tagal kaya, I tried to contact you, pero mukhang busy ka eh."
"Yeah, so let me rest." hinalikan niya ako sa noo at umakyat na kaya agad akong sumunod. He removed her coat and sleeves before he drove off the bed. Mabilis akong sumampa sa kama at tinabihan siya na kinataka naman niya.
"What's wrong?" he asked in a tired voice.
"I just want to lie beside you, namiss kita." hindi na siya nagsalita at agad nang pumikit. Pinagmasdan ko siya sa gano'ng sitwasyon bago unti-unting nahiga at niyakap siya.
Sana lang ay manatili naman siya rito ng ilang araw, tulad dati.
"Hope, we can date again, namimiss ko ng kasama ka palagi. Mahal na mahal kita Seig." I said it in almost a whisper before falling asleep.
Naalimpungatan ako ng marinig na tila may kausap si Seig. Nang magmulat ako ng mata ay natanawan ko siya sa veranda at may kausap sa kabilang linya. Napalingon siya sa gawi ko dahilan para humina ang boses niya at mayamaya lang ay binaba na niya ang tawag at muling pumasok.
"Mauuna na akong pumasok, may meetings pa ako 'di ba? Sumunod ka na lang and prepare the reports, I'll check them later." Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil nagmamadali siyang umalis.
Bakit pakiramdam ko, lumalayo na siya? I am his girlfriend but I feel like I was just a mere employee?
Wala na siyang oras sa akin, nagkakaroon lang kapag kailangan niyang maglabas ng init ng katawan, ni hindi manlang nga niya maitanong sa akin kung kumusta ako rito.
Masama ang loob kong pumasok, hindi ko siya pinansin pagkarating ko at dumeretso agad sa table ko para ayusin ang pile ng reports.
"Good morning!" agad akong napaangat ng tingin ng makarinig ng boses. Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng makita si Luke papasok.
"L-luke!" napalingon ako agad kay Seig at umangat na rin ang tingin nito kay Luke.
"Good morning, Ali," bati nito sa akin at awkward lang akong napangiti, lalo na't pakiramdam ko'y matatalim na tingin ang ipinupukol ngayon sa akin ni Seigraine.
"What are you doing here?"
"Just want to check you out man, masyado kang mailap these past few days. "

BINABASA MO ANG
Enemies With Benefits (Under Major Revision)
Fiksi UmumDanielle Callaway did not think twice to flee their home after learning that her father had set her up for another marriage. As she escaped being betrothed to someone she doesn't want, she found herself in a room on a sultry night with a stranger, w...