8th

6K 173 11
                                    

Danielle Ryss

Gulong gulo ako ng makauwi. What the hell is that guy's problem? Dahil ba pinigilan ko siya sa kotse? Medyo na-guilty naman ako pero... No! I shouldn't be guilty of that.

Hawak ko ang card na nasa akin pa rin, hindi niya ito kinuha noong isinosoli ko. Sa akin na raw muna at gamitin ko kapag may kailangan ako kaya, hinyaan ko na lang. Wala pa rin naman akong pera. Iniwan ko sa bahay lahat ng cards ko. Alam kong nakablock narin naman iyon kaya hindi ko rin iyon magagamit. May cash ako pero hindi iyon sapat sa lahat ng pangangailangan ko.

Nagpalit lang ako ng shorts at loose shirt bago piniling magluto muna ng lunch ko. Siguro'y after lunch na lang ako bibili ng susuotin mamaya. I was about to walk towards the kitchen when the bell rang. Kunot noong dumeretso ako sa pintuan at binuksan iyon ng nagtataka.

May bisita ba si Seig ngayon?

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pinto ay nagulat na ako ng makita kung sino ang nasa labas.

"L-luke!" I was really surprised, anong ginagawa niya rito? "Oh, good morning, AAli. You look really beautiful, anyway where's Seigraine?" pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya, pero kumunot ang noo ko ng hanapin niya si Seig.

"A-ah, he's not yet here. Ako lang pinauwi niya, nasa office pa siya eh. Puntahan mo na lang." Nakangiting sabi ko ngunit agad na nawala ng kumunot ang noo niya.

"Hindi kayo sabay na umuwi?" Is there something wrong?" Umiling naman ako.

"Hindi eh, pinauwi na niya ako...bakit? Tuloy ka muna." nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at malugod naman siyang pumasok.

"Galing ako sa HRSC, wala kayo pareho so I thought you both left together. Actually, nagaalangan pa akong pumunta rito, because I really don't have any idea kung umuwi ba talaga kayong dalawa." Takang sabi niya, I bit the bottom of my lip and questions flooded my mind.

"Nauna akong umuwi eh, pero baka may pinuntahan lang siya."

Kung gano'n umalis siya after kong umalis? Saan naman siya pumunta? Bakit hindi man lang niya sinabi sa 'kin kahit papano? Or is that the reason why he told me to go home?

"Hey, I'm sorry about that...I really have no idea."

"It's okay," ngumiti ako kay Luke at napansin kong nakatitig siya sa akin. Nang malaman niyang nahuli ko siya ay agad siyang napakamot sa kaniyang batok. "Uhm, sorry—It's just that... you're really beautiful...hindi nagbago."

"Sira noon pa lang naman gawain mo nang bolahin ako araw-araw, wala nang bago d'yan." Natatawang sabi ko kahit deep inside my mind, I was still thinking. May nakapa akong konting kirot sa dibdib ko.

Tama ba ang sinabi sa akin ni Pia?

"Well, ngayong nandito lang din naman ako—can I stay for a while? Namiss ko kasi ang best friend ko." Nilingon ko siya ulit at napansin ko ang iba't ibang emosyon sa mukha niya.

Buti pa siya, unlike Seigraine. Napakahirap basahin.

"Of course! Magluluto pa nga lang sana ako ng tanghalian, pero dahil nandito ka ikaw na magluto." Nagtaas baba ang dalawa kong kilay sa kaniya na kinangiwi niya. "Just like before, may katamaran ka pa rin."

I laughed, totoo naman. Noon kasi siya ang madalas kong paglutuin sa t'wing nasa unit niya ako.

Kahit papano nabawasan na 'yong sakit ng pag-iwan niya sa akin noon. Nabawasan 'yong pagtatampo ko at parang walang nangyari na bumalik kami sa dati. Pero mukhang sa nararamdaman ko 'yata ang may nagbago.

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon