15th

5.4K 140 10
                                    

Seigraine

I stared at Danielle with a smug look on my face. It's already eight in the morning, and she's still asleep. Masyado ko yata siyang napagod kagabi. Bumangon na ako at pinulot ang mga damit ko bago iyon isa-isang sinuot habang hindi inaalis ang tingin sa babae.

Isang beses ko pa itong mariin na tinitigan bago nagpasyang lumabas. Nasa yate pa rin kami, and this was all planned. Nilabas ko ang phone ko at pinakatitigan ang ilang larawan naming magkasama sa kama. Kinuha ko ito kanina habang tulog na tulog siya.

Isang ngisi ang pinakawalan ko bago tinawagan si Gio.

"Kuya?"

"May ipapadala akong pictures sa'yo, ikaw na mag-asikaso."

"Sure! Ano ba 'yon? Ano gagawin ko?"

"Develop it and send it to Erick Callawy."

"Kuya don't tell me..."

"Huwag mo na lang titigan 'yong pictures, pagka-develop silid mo agad sa envelop."

"S-sige..."

"Don't worry Gio, I'll pay you double for that, so I won't be sorry to bother you."

"It's okay, Kuya, sa 'yo ang loyalty ko." I ended the call with a grin on my face. I want him to suffer in anger and pain.

Kung pwede lang sana atakihin pa siya sa puso matapos makita ang larawan namin ng anak niya ay mas magiging masaya ako.

"Seig?" nawala ang ngisi ko nang marinig ang boses ni Danielle, I immediately shifted the grin into a smile before facing her.

"Hey, good morning." maamo ang ngiti nitong ibinigay sa akin habang papalapit.

"Good morning," even her voice were soft. If she wasn't the daughter of that Callaway, she wouldn't have experienced being my toy.

Pero dahil nasa dugo niya ang dugo ng hayop na 'yon, hinding-hindi ko siya matatanggap sa buhay ko. I will never spare her from ruining Erick Callaway.

"Good morning, nagugutom ka na ba?"

"Medyo," yumakap siya sa akin, one thing I have to bare. My jaw clenched, trying to control the urge to push her away.

Mabilis ko siyang inilayo sa akin ng hindi niya nahahalatang ayoko ng yakap niya, "Just suit yourself first, itatabi ko lang itong yatch and we will have our breakfast." kagat-labing ngumiti siya sa akin, kaya mabilis ko na siyang tinalikuran, naiinis ako sa ngiti niya.

Babalik na rin kami sa NYC mamaya, ayoko na rin na makasama pa siya rito. Akala ko no'ng una makakaya kong panindigan na palagi ko siyang makita pero parang pinagsisisihan ko na. Ang hirap mag-tiis na oras-oras siyang makita kahit na sa opisina ko.

Konti na lang talaga, konti na lang at matatapos na paghihirap kong makasama ang babaeng 'yan.

***

Danielle Ryss

Pinagmasdan ko ang dagat habang gumagalaw ang yate. I love the feeling, hindi ko lubos maisip na magugustuhan ko ang ganito, 'yong paggising ko si Seig ang makikita ko and I will greet him, and hug him.

This is maybe the life I really want, and I didn't know that I would find it in Seigraine.

When we were walking along the beach, our bumaba asked if we could stay in the hotel, which we did.Doon na kami nagligo at nagpalit ng damit bago tumungo sa restaurant para mag-breakfast.

Seig told me, na babalik na rin kami sa NY mamaya at sumang-ayon naman ako. Though I have this feeling na, na parang may magbabago pagbalik namin. Na parang sinasabi na sulitin ko na ito dahil pakiramdam ko, hindi na ito mauulit kahit kailan.

"Bakit kailangan pang maging magkalaban ang pamilya natin?" out-of-the-topic na tanong ko. Napahinto siya sa pagkain at bahagyang napatingin sa akin.

I stopped eating and folded my arms over my chest before drifting my gaze directly to the beach.

"Of all the people, why you? Bakit ikaw pa ang kailangang maging anak ng dad mo at bakit ako pa ang kailangang maging anak ng dad ko."

"What do you mean?"

"If you weren't the son of my family's rival, maybe... noon pa nilapitan na kita."

That may have caught my interest to him.

"You mean..."

"Siguro noon pa lang na college tayo, may...gusto na ako sa 'yo."

"What?" hinarap ko siya at malungkot na natawa ng bahagya.

"Yeah, I guess. Basta ang alam ko noon mayroon akong nararamdaman sa 'yo, kaso alam ko ang mayroon sa family natin so pinilit ko sarili ko na si Luke pa rin ang gusto ko." dumilim ang mukha niya ng mabanggit ko ang pangalan ni Luke kaya bigla akong napalunok at natahimik..

"Don't mind it, girlfriend, na kita ngayon. Walang magagawa ang pamilya natin." Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy na.

We had a little conversation before we roamed around the island. After lunch, we returned to Manila to catch a flight back to New York.It took hours for us to arrive, and we were completely exhausted.

Pagkalapag ay dumeretso na kami sa bahay ni Seig pero umalis din siya agad. May kailangan daw siyang siputin na client. Natulog muna ako para makapagpahinga at gumising ng 8 para magluto ng dinner.

Akala ko by 9 ay uuwi na siya pero walang Seig ang umuwi. I still waited for him, but he really didn't come home. Ipinagsawalang bahala ko nalang at nauna nang matulog, ang mahalaga ay nakapagluto ako bahala nalang siyang kumain pagdating.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. I was expecting Seig to be on my side, but I found no one. Mag-isa akong natulog sa kama.

Hindi siya umuwi.

Kumunot ang noo ko pero inisip ko nalang na baka bumisita siya sa pinsan niya o may inasikaso.

I did my morning routine first before preparing myself for breakfast. Pagkakain ng almusal ay pinili kong magpalit na ng damit papasok sa trabaho.

Pagkarating sa opisina ay inaasahan kong naroroon si Seig, pero wala siya. Sinubukan ko itong tawagan ngunit hindi ito sumasagot.

I was busy doing paper work when someone entered the office, kasunod ng isa pa at nagulat akong si Gio at Luke iyon.

"Good morning, Ali." bati sa akin ni Gio while Luke stares at me first before giving me a genuine smile.

"Good morning Gio, Luke."

"Si Seigraine? May meeting ba?" kumunot ang noo ko.

"Huh? Wala ba sa inyo?" tanong ko kay Gio kaya natigilan naman siya.

"W-wala sa'min si kuya e." napalingon ako lay Luke ng makitang sumeryoso ang mukha nito.

I awkwardly smiled and nodded.

"Hindi kasi siya umuwi kagabi, baka may inasikaso."

"Ah, sige-sige, babalik na lang ako pag andito na siya."

"Sinubukan mo bang tawagan?" natigilan si Gio saglit bago tumango.

"H-hindi sumagot e." napasimangot ako sa narinig.

"Sige Eras mauuna na ako, dumaan lang ako rito para sana makausap si kuya." tumango ako sa kaniya at nilingon si Luke na nakatitig na pala sa akin.

"Luke," he didn't follow Gio. Nanatili siya sa loob at nakatingin sa akin."

"If you need me Ali, isang tawag o text mo lang...darating ako." tipid na ngiti ang binigay ko sa kaniya.

"Salamat Luke." Hindi na rin siya nagtagal at agad na siyang lumabas, naiwan akong malalim ang iniisip.

Don't overthink Ali, trust Seigraine. I trust him.

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon