12th

6K 172 27
                                    

I woke up earlier. Naabutan ko pa si Seig na himbing na himbing pa rin ang tulog sa gilid ko. Mabilis akong bumangon ng hindi siya nagigising. I immediately did my morning routine and went downstairs to cook for breakfast. Hindi rin naman nagtagal at bumaba siya, pero hindi ko siya gano'ng pinansin.

"You're still mad at me?" I heard his serious voice, the same voice na hindi marunong magbaba ng pride. Actually, I am not mad anymore. Maybe I was just hurt, ang ego ko bilang babae at...alam kong gano'n na rin ang bagay na tumitibok sa loob ng dibdib ko.

"Of course, kahit naman siguro ikaw 'di ba? Kapag ginawa ko 'yon, you'll probably freak out." Nilapag ko ang mga niluto sa harapan niya and was about to leave when he immediately grabbed my hand to stop me.

"Let's date,"  napatitig ako sa kaniya, dahil sa sinabi niya. "What for? I can stay here all day or just work."

"We're in a relationship. I suppose it's normal to date, right?" Nakipagtagisan ako ng titig sa kaniya bago napabuntong hininga.

I usually know how to turn down someone's offer. Pero bakit pagdating sa kaniya, hindi ko magawang humindi?

"Fine." aalis na sana ako ulit ng mabilis niya akong hilahin paupo sa kandungan niya.

"Seigraine?"

"Let's eat breakfast first," Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang hininga niya sa may tenga ko. Its warmth and that feeling he always makes me feel.

"Is this another trick or your way of apologizing?" alam kong unti-unti nanaman akong bumibigay and I hate to admit that!"My way of apologizing, now stay still and let me feed you." Namula ako habang nanatiling nakaupo sa hita niya. Nakayakap ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa ay siyang hawak ang kutsara at kumukuha ng pagkain.

"I know how to eat by myself, Seigraine." Yeah, I know, but I want to do this."

Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya. I let him feed me, I let him do what he wanted, which I knew deep inside me... I like it. I can feel butterflies. I can feel that part when your whole system is really affected by simple gestures. And I know that feeling is something too hard to get rid of.

After naming kumain, ay nagsimula na rin kaming magbihis, he even joined me while taking shower and end up to something hot and rated.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked.

"Sa Pilipinas."

"Ha?! Babalik tayo? Agad? Ngayon na talaga?"

"We're just going to have a date in Coron, and that's all."

"Mag d-date lang tayo kailangan pang umuwi ng Pilipinas? Nahihibang ka ba? Pwede naman tayong mag-date kahit sa pinakamalapit lang na place rito sa New York."

"No buts, naiphanda ko na ang private plane. Sa Coron tayo mag d-date, can't you remember the song, piliin mo ang Pilipinas?" My jaw literally dropped because of what he said. Nagpatianod nalang ako sa kaniya hanggang sa namalayan ko nalang nasa Pilipinas na kami at dederetso na talaga sa Coron. We just flew from Manila to Busuanga airport in Palawan. Pagkababa namin, meron na agad sa aming sumundo na kotse patungo sa Coron town.

I really wanted to go to Coron, Palawan before, but I just couldn't get the chance because of my control-freak father. Dumeretso kami sa Club Paradise Resort after. And it was so freaking tiring. Hindi ko na nga alam kung paano pa siya nakapagbook ng suite, basta ang gusto ko nalang matulog at makapagpahinga.

"Hey, nagpapahatid na lang ako ng dinner. 'Wag ka muna matulog." I look at him with my eyes half open. Napapagod na talaga ako, I want to rest. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari, hindi na rin ako nakapagbihis. I just let myself drown in dreams.

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon