28th

5.9K 134 17
                                    

Danielle

Mariin ang titig ko sa messages na nagsipasukan sa phone ko. Napakahina kasi ng signal pucha! Karamihan galing kay Marcus at Pia.

"Ali, your daughter's looking for you, tinatawagan kita palaging out of coverage. Nasaan ka ba? Tell us, para hindi kami mag-alala.''

"Girl asan ka? Chat mo 'ko, usap tayo marami ka pang sched. Hindi kita matawagan."

Napahilot ako sa sintido dahil sa nabasa, marami pang messages doon, pero hindi ko na lang tiningnan. This is Seigraine's fault.

Since connected na ang phone ko sa wifi, lumakas na ang internet connection. Asa naman kasi ako sa data baka makatulog na ako hindi pa bumubukas ang Facebook ko.

Agad akong nagpadala ng message kay Pia since siya ang mahilig mag-online sa mga social media, si Marcus kasi ay bihira.
Matapos ay agad na akong nag-asikasong maligo. After maligo ay agad akong nagpalit ng damit na nakuha ko sa couch kanina. It must be Seig's clothes, but I don't care. Masyadong mahaba 'yong t-shirt, kaysa sa short, kaya napasimangot ako, but I have no choice; komportable naman siya kaya hinayaan ko na lang. After that, I tried to find the beast, but I couldn't find him. Napansin ko naman na may babae na natitiyak kong nasa 50's na ang edad, abala sa paglilinis ng hardin.

She must be the caretaker of this house.

Marahan akong naglakad papalabas, hindi pa gano'n katirik ang araw, kaya hindi pa masakit sa balat.

"Good morning," I greeted her, and she glanced at me.

"Good morning hija, tama pala ang sinabi ni Roel maganda ang napangasawa ng Señorito." Kumunot ang noo ko si sinabi niya. "Kayo ho ba ang nangangalaga ng bahay na ito?"

"Oo hija mula pa sa nanay ko, matagal nang naninilbihan ang pamilya namin sa mga Harisson kaya hanggang sa akin, at sa mga anak ko, naninilbihan pa rin kami sa pamilya nila. Malaki ang utang na loob namin sa pamilyang 'yan, alam mo ba? Sa katunayan, utang namin ang buhay namin sa kanila." Nakangiti na sabi niya.

"Bakit ho?" napahinto siya saglit at tumingin sa akin.

"Noon nasalanta kami ng bagyo rito, nawalan kami ng tirahan, nasalanta ang mga pananim at nagkasakit pa ang isa kong anak... 'yang si Señorito Seigraine ang sumagot sa mga kailangan namin, siya rin ang nagpagamot sa anak ko. Pinadala pa niya sa ibang bansa para lang mapabilis ang paggaling."

"Eh, nasaan na ho ang mga anak niyo?"

"'Iyong panganay kong anak, nagt-trabaho bilang head engineer sa isang kompanya ni Señorito, 'yong babae ko namang anak, nag-aaral pa at nagt-trabaho naman sa bahay nila Senior Sandro." tumango-tango naman ako sa sinabi niya.

"So they own this land?"

"Oo hija kahit 'yong bukid na sinasaka ng asawa ko ay pag-aari rin nila."

"Nasaan po ba ang lugar na 'to?"

"Nasa hacienda ka ng mga Harisson hija, dito sa baryo ng San Vicente."

"Kung gano'n mayroon pala silang lupain sa isang probinsya? Hindi ko alam 'yon ah,"  I murmured.

"Ano nga pa lang pangalan mo hija?" nilingon ko ulit ang ginang bago nilibot-libot ang tingin sa hardin.

"Danielle Ryss Callaway po, Ali na lang." balak ko pa sanang sabihin na dati akong may asawa pero 'wag na lang.

"Callaway? Isa kang Callaway?" kumunot ng bahagya ang noo ko ng mapatayo siya ng ayos at humarap sa akin bigla.

"B-bakit ho?" tinitigan niya ako ng mabuti bago ngumiti at napailing saka binalik ang tingin sa ginagawang pag t-trim ng mga bushes.

Enemies With Benefits (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon