After namin magkaroon ng deal ay humiram ako ng phone kay Seigraine. I texted Pia's number. Good thing I memorized it. Nagpakilala lang ako sa kaniyang ako 'yon. Alam kong tatawag ito kaya hindi ko muna ibinalik kay Seigraine, mabuti na lang at mukhang walang pakialam ang lalaki kahit sirain ko pa 'to.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pumayag ako sa sinabi niya. Hindi ako tumanggi at wala akong maramdamang pagsisisi sa naging desisyon ko. Maybe I was really that desperate to leave that I resorted to having a deal with Seigraine. Tulala ako habang nagluluto ng tanghalian. Mamaya ang alis namin, at simula kanina'y abala lamang si Seigraine sa pakikipagusap on phone. Ready na ang mga gamit niya habang ako'y walang kaisa-isang dala. I don't even have my phone. I left everything so my dad couldn't track me.
I was in that state when my phone vibrated. Nakalimutan ko ng nasa ibabaw pala ito ng counter.
"Hello?"
"Ali! Ano? Nasaan ka? D'yos ko pinapahanap ka ng dad mo, kagagaling lang dito ng mga tauhan niya!" Halata ang kaba sa pagkakasabi niya at medyo pasigaw pa kaya bahagya kong naipikit ang isa kong mata.
"I know," kalmado kong sagot, pinapahiwatig sa kaniyang alam ko na.
"Oh e! Nasaan ka nga?!" tinapos ko ang pagluluto at sumandal na lang sa counter bago tumitig sa sahig. Hindi ko alam kung gusto ko bang sabihin sa kaniya kung asan ako o hindi na. Not that I don't trust her, kundi dahil nahihiya ako.
"Hoy! Aba sabihin mo sa akin naku talaga Ali ah!"
"I'm with Seigraine. Actuallly kaniya ang number na 'to."
"Oh eh nakay Seigraine ka naman pala safe ka d'ya—ano?!" bigla kong nailayo ang phone na hawak sa tenga ko dahil sa sigaw nanaman niyang mas malakas compared kanina. Damn, hindi ko alam kung paano ko natatagalan kapag ganito siya. Mas kabado pa siya sa akin kahit ang totoo ay hindi na rin ako sigurado.
"Nasisiraan ka na ba ng bait?! Purdyos por pabor!? Anong kabaliwan ang naisip mo at d'yan ka pumunta?!"
"No choice, we made a deal."
"At alam ko ng hindi maganda ang deal na 'yan, knowing Seigraine Harisson."
"Yeah."
"And what is it? Magsabi ka ng totoo, anong kapalit?!"
"I'll be his bedmate."
"Potaena seryoso ka?!"
"Pia naman."
"Jusko po, at pumayag ka pa talaga ha?! Parang hindi mo kilala 'yan?! My God, hihimatayin ako sa 'yo. College pa lang tayo girl ang dami-dami nang naikama niyan! Bakit sa dami ng lalaki si Seigraine pa?"
"I have no choice, saka wala naman akong pakialam kung marami na siyang naikama e." I felt something pinch my heart, ngunit inalis ko agad iyon sa isipan ko dahil hindi maganda ang dulot ng ibig sabihin noon.
"Harisson and Callaway are rivals. Jusko, hindi ko kaya 'to."
"Aalis kami ng bansa mamayang alas tres."
"Ali, paalala lang ha—if you can't protect your body from him, please protect your heart. Don't you ever fall in love with a Harisson. Isang malaking gulo 'yon."
"I promise I won't. Saka kapag nandon naman na sa New York makakahanap na akong trabaho, makakaalis na ako sa puder niya at doon ako magsisimula ulit. Makakahanap din ako ng lalaki na hindi magiging big deal ang virginity, makakahanap pa rin naman siguro ako ng lalaking tatanggap sa akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/262076237-288-k158313.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies With Benefits (Under Major Revision)
General FictionDanielle Callaway did not think twice to flee their home after learning that her father had set her up for another marriage. As she escaped being betrothed to someone she doesn't want, she found herself in a room on a sultry night with a stranger, w...