“How's the process of divorce paper?” Umangat ang tingin sa akin ni Marcus dahil sa tanong ko.
“Next week, ipapadala sa atin.”
“Good, the sooner the better, right?” He nodded.
“But, do we really need a divorce? I mean, we're already okay. We can stay married even if we—” I cut him off.
“I don't want commitment anymore. Pumayag lang naman tayo pareho dahil kailangan natin 'di ba? Isipin mo na lang si Kristen.” Pinakatitigan niya ako bago tumango.
“Yeah, you're right. I need to fix whatever happened to us because of this marriage.” Kristen was his girlfriend. They broke up when we married each other. Tsk! Poor girl, hanggang ngayon naghihintay pa rin sigurong balikan siya ni Marcus.
“Just don't take away my right to be Eign’s father.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“And why would I do that? Ask Kristen, baka gusto niyang ampunin si Seigna.”
“As much as I want, Ali, but no. Eign should stay with you. Bakit ba hindi mo magawang mahalin ang anak mo? Wala ka ba talagang pagmamahal na nararamdaman para sa kaniya? Ang bata pa niya pero pinagkakaitan mo na ng pagmamahal na nararapat para sa kaniya.”
“Nakaya kong lumaking walang ina, at minamanipula ng ama. Makakaya rin niya 'yon. But if you want her to feel loved, go ahead and adopt her.”
“Ali?” nagkibit-balikat na lang ako at tinalikuran na siya.
“Hindi ako uuwi ngayon, may pupuntahan kami ni Pia. In case you want to be informed.” hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad nang lumabas. Nakita ko si Seigna na naglalaro sa garden kaya agad ko itong pinuntahan.
“Sinong may sabi na pwede kang maglaro rito?!” agad naman siyang napatayo, at kinakabahang napatingin sa akin.
“M-mommy sorry p-po,”
“Pasok sa loob! You're not allowed to play outside the house without my consent!” naiiyak naman itong tumakbo papasok sa loob ng bahay at sinalubong si Yaya Mira. Inis akong nagmartsa patungo sa kotse ko at mabilis na sumakay saka nagmaneho patungo sa unit ni Pia.
Wala nanaman ako sa mood dahil sa batang 'yon napakapasaway, “Oh bakit lukot nanaman ang mukha mo?”
“Nothing, I just need to deal with that rat in my house. nakakasawa.” napatitig sa akin si Pia bago napailing.
“I pity your daughter, kung ako 'yon hindi ko na hihilingin pang ikaw ang maging mommy ko. Kaso hindi naman kasi pwedeng mamili ng magiging magulang, at hindi naman din pwedeng mamili ng magiging anak.”
“It wasn't all about being a biological mother and daughter, Pia. You can always choose who you want to be your parents and your daughter. It's in the heart. Minsan kung sino pa 'yong hindi mo kadugo siya pang magpaparamdam sa 'yo ng pagmamahal at pag-aalaga na hindi mo naramdaman mula sa tunay mong magulang.”
“Tulad mo, ikaw 'yong ina ni Eign pero hindi niya maramdaman sa'yo ang pagmamahal ng tunay na ina.” tinaasan ko siya ng kilay.
“Are we going to argue about that matter, this time? Really, Pia?”
“What?! I was just stating the fact. Come on Ali, hanggang kailan mo parurusahan ang anak mo dahil sa ginawa sa 'yo ni Seigraine?!” Bahagyang tumaas ang boses niya kaya naririnding hinilot ko ang sintido ko.
“Can we just shift the topic to something, you know? Naririndi na ako na palagi na lang topic ang batang 'yon kahit sa bahay. You know what, Pia? Masisisi mo ba ako kung bakit hindi ko magawang ilapit ang loob ko sa batang 'yon? Seigraine destroyed me! At nakikita ko sa mukha ng batang 'yon si Seigraine! Hindi ko masikmurang tingnan si Eign, dahil kamukha niya ang ama niya! Naaalala ko lahat! Mababaliw ako kung patuloy kong pipilitin na mahalin ang batang ’yon!” ipinagdiinan ko ang huling salitang binitawan.
BINABASA MO ANG
Enemies With Benefits (Under Major Revision)
Fiksi UmumDanielle Callaway did not think twice to flee their home after learning that her father had set her up for another marriage. As she escaped being betrothed to someone she doesn't want, she found herself in a room on a sultry night with a stranger, w...