Worries
Tammy's POV
"Nagaaalala ako sa gagawin nila" saad ni Lyric habang hinihintay namin si Jin. Wala napaaga kasi ang sundo sa'kin ni Lyric at nauna kami dito sa workshop.
"Bakit naman? Normal naman ang GF sa LU dati pa"
"Iba kasi ngayon Babe" saad nya at lumapit sakin saka sinubuan ako ng orange. Napanguso naman ako.
"Nung tinanggal ang traces ng dating mga grupo sa UG... Ginamit ni Chairman Lee ang koneksyons nito"
"Like what?" Tanong ko at uminom. Ang tagal naman nila. Umayos sya ng upo.
"Kung nandun pa ang real identity ng SunnySeven at WarmZone, malamang parte na kami ng mga yun"
"Ano nga?" Binibitin pa ng lalaking to eh.
"Isang Black Organization"
"Black Organ- ano yun?" Tanong ko sakanya.
"Sangkot ang mafias sa UG, ng hindi alam ni Chairman Lee"
"M-mafias?!" Pasigaw na tanong ko. Diba pumapatay yung mga yun? He nodded at me.
"Ang Black Organization ang humahunting sa mga dating grupong opisyal na kasama sa UG"
"You mean delikado to?" Tanong ko sakanya.
"Eh bakit dati hindi nyo naisip yun?"
Napalingon kami sa nagsalita.
"Kasi hindi pa namin alam dati na myembro si Chairman Lee ng isang mafia organization, na isa syang mafia boss dati, nalaman lang namin nung nabura na lahat"
Dumating na rin si Jin. Sumangayon si Lyric sakanya. Naupo ito sa may tapat namin.
"Hindi nyo alam?"
"Binuo ni Lurenz ulit ang barkadahang nabuo ni Euford nung bumalik ito, dun natuto kaming makipaglaban" saad ni Jin.
"Tapos yung kaibigan ni Chairman ang nagintroduce sa'min sa Ground. Akala namin puro away lang dun. Hinanapan namin ng mapagkakaabalahan si Lurenz, nung isinama ni Sir Santi si Shamey"
"Tapos he discovered everything" dagdag ni Lyric.
"Kaya nga pinullout namin lahat ng traces ng identity na'ting lahat" si Jin nanaman ang nagsalita. Hindi naabsorb ng pretty brain ko ang sinasabi nila.
"Why didn't you told us about this?"
"Para saan pa? Nung nagbago ang kalakaran ayus naman na lahat normal na" saad ni Jin. Napasimangot ako. Dapat sinabi din nila sa'min na may ganung nangyayare.
"Anong natuklasan ni Lurenz?" Curious na tanong ko sakanila. Lumapit silang dalawa pero mas malapit si Kanta kaya pinukpok ko ang ulo.
"Isa isa nilang iniinitiate ang mga grupo at pinipilit na sumali sa Black Organization at ang hindi pumayag..."
Naubusan ata ako ng dugo sa sinabi ni Jin.
BINABASA MO ANG
This Gangster Loves Her [Book 2 of GWOL] On-hold
FanfictionTwo years ago I met a girl who's name is Shamey Lee. We had a gang war. She's really idiotic and stupid at the same time. She gave me a lot of headaches, she made me feel foreign emotions she made me confused and ask myself what will I choose betwee...