▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Canʼt imagine what I saw
When she lit like a fallen star
We need to get out of here in this place
Before we were captured by those men.▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Quatre:
AN ANCIENT NAME (PART ONE)April 9, 2020.
—Wesley
Isaʼt kalahating oras na kaming bumibiyahe ni Frankie gamit nitong lumang kotse ng ama ko. 12:37 am is the current time. Napapaligiran rin ang kalsada ng masukal na kagubatan kaya halos hindi mo na makikita ang mga bituin at ang buwan na nagliliwanag sa langit ngayon.
Bukod doon ay napakatahimik ng paligid. Hindi ko rin kasi binuksan ʼyung radyo simula noong bumiyahe kami. Idagdag mo pa sa dahilan kung bakit napakatahimik ngayon ay pareho din kaming hindi nagsasalita ni Frankie. Walang imik sa isa't isa. Siguro, nagkakahiyaan pa kami. Normal naman siguro ʼyon kasi ito ang unang pagkakataon na nagkita kaming dalawa. Kung hindi pa talaga kami nagkikita dati.
Palihim akong sumisilip kay Frankie, na nasa gilid ko lang nakaupo. Nakatulala na naman siya sa kawalan. Para bang lumilipad pa rin ang isipan—o kaluluwa—niya sa astral plane. Well, that's because of the fucking Vide Noir.
Habang bumabyahe ay napansin ko na para bang pabagal nang pabagal ang bilis ng takbo ng lumang kotse ng ama ko. Hindi ko rin naman binabagalan kaya bahagya akong nagtaka.
Tiningnan ko ang engine bar.
"Tangina, bakit ngayon pa?" Mariin kong bulong sa sarili ko. Bigla naman napatingin sa akin si Frankie.
"Ano'ng nangyari, Wesley?" Tanong niya.
"Out of gas itong kotse," tugon ko. "Kailangan muna nating huminto sandali."
Kamalasan nga naman. Nawalan pa ng gas itong kotse. Nakalimutan ko na kung kailan ko pina-full tank ʼto. Siguro matagal na rin. At tsaka isa pa, wala rin akong extra gallon ng gas na dala ngayon.
Damn, Wesley Vernon. Hindi ka pa nasanay sa ganitong buhay, na lagi na lang may nangyayaring malas at masama sa buhay na mayroon ka.
No choice kami ngayon kundi huminto muna dito—sandali lang. Ano bang lugar ʼto? Saang lupalop na ba ʼto ng Frozen Pines?
Nasa kalagitnaan pa rin kami ng masukal na kagubatan. Sa hindi kalayuan, may nakita akong nag-iisang establishment na nakatayo. Napagpasyahan ko munang pumarada sa parking lot na mayroon doon.
Medyo malaki ang establishment na ʼyon. Two-storey building rin iyon. May nakasulat rin na yellow neon-light signage sa bandang tuktok nʼon: George's Cocktail Paradise.
BINABASA MO ANG
Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓
Fantasy★ COMPLETE • UNEDITED ★ In this book, you will see the journey of Wesley Vernon. All along with a girl who named herself "Frankie" because she couldnʼt remember who she was and what happened to her, both decided to search for the answers to their co...